Chapter 20

525 23 9
                                    

Ashton:

Can I court you?

Iyon ang tanong na hindi ko masagot. Ilang oras na simula noong natanggap ko iyon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga alam ang dapat kong isagot. Pabalik-balik kong tinitingnan ang cellphone, umaasa na may magbabago pero binibigo ako ng sarili kong mga mata. Paulit-ulit at pareho lang ang nababasa ko.

Dumaan kami sandali ni Isia sa malapit na convenience store para bumili ng pagkain. Today is Friday. Mamaya na iyong concert pero hindi pa rin ako sumasagot. Ang totoo ay mayroon na akong ticket at sariling lightstick. Provided na iyon ni Isia, sumama lang ako. Approval na lang mula sa akin ang kailangan nila ni Marian.

Balita ko nga ay hindi sasama si itlog. Hindi kasi siya pinayagan kaya sure ako na magmumukmok siya. Ang ending ay si Alvie ang pumalit sa kaniyang pwesto. Hindi rin naman sasama si Carl dahil siyempre, uunahin niya si Pluto. Ka-late night talk niya raw iyon. Edi sanaol.

Pumayag na rin si Dina. Ako na lang talaga ang wala pang sagot. Well, may sagot naman na ako, hindi lang nila tinatanggap. I feel so special. Hindi naman nila ako kailangan doon, nagsasayang pa ng pera. Iba talaga ang mayayaman. Sana all na lang ulit.

"Today is so mainit." Marahang hinawi ni Isia ang maikling buhok papunta sa kaniyang likod.

Tinitigan ko siya habang sinisipsip ang straw ng delight. Favorite ko na talaga ito. Kahapon lang siya nagpa-cut ng hair and so far, bagay naman sa kaniya. Well, kahit anong hairstyle ay bumabagay naman. Maganda talaga si Isia, hindi ko lang alam kung bakit less attracted siya sa mga lalaking nagkakagusto sa kaniya.

Pareho kaming maharot pero hindi pumapasok sa commitment. Iniisip niya kasi na masyado pa siyang bata para magkaroon ng boyfriend.

"Siguro dahil tirik na tirik ang araw," nasabi ko.

Palabas na kami ng convenience store. Nadako ang paningin ko sa tatlong lalaki na papasok naman, makakasalubong namin ng daan. Muntik na akong mabulunan matapos mapansin ang pamilyar nilang mga mukha.

Small world, what the fuck.

"Hey!" Nakita rin kami ni Basti. Malawak siyang ngumiti sa akin, sunod ay ang kasama ko naman ang binalingan niya ng tingin. Mabilis siyang tumikhim. "It's been a while."

Lumikot ang mga mata ko. Kasama niya si Nectarine pero malayo ang tingin. Sandali lang kaming nagkatinginan bago siya mabilis na umiwas. Huling pagkikita namin noong inaya niya akong lumabas which is tinanggihan ko kaagad. Nahihiya ba siya dahil doon? Ganda ko kasi talaga, sana aware sila.

"Kumusta?" Ako na ang nagsalita dahil ramdam kong natigilan si Isia. Napatingin pa ako sa kaniyang kinatatayuan, medyo nagtataka.

Nilagpasan kami ni Nectarine kasama ang isa pang lalaki. Silang tatlo ang magkakasama sa jeep dati. Ngumisi ako sa sarili, hindi alam kung ano ang mararamdaman sa pagiging snob ni Nectarine. Hindi man lang ako binati. Naging crush niya rin kaya ako? Bilib na bilib ako sa ganda ko kapag nangyari iyon.

Nectarine Santivañez is one of a kind. Siyempre, inalam ko talaga ang tungkol sa kaniya after ko siyang tanggihan. Nagbasa ako ng confession sa page ng school nila and I couldn't believe na laman siya noon. Dami palang nagkakagusto. Magaling kasing maglaro ng basketball tapos honor student pa kaya sino ba namang hindi magkakaroon ng interest, hindi ba? Kahit nga ako ay nahulog sa kaniyang charisma.

Pero small crush lang naman iyon. Hindi umabot sa level ng in love. Napahiya kasi ako sa kaniya at hindi ko na iyon maiaalis pa sa aking isipan.

Sinuklay ni Basti ang buhok pataas gamit ang sariling mga daliri. Sinulyapan niya ang mga kasama pero binalik din kaagad sa akin ang atensyon.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now