Special Chapter: Married Life

847 29 14
                                    

Hello po! As my gratitude for Handkerchief of the Star reaching 17k reads, here's the second special chapter. I made a poll on my Facebook account last time and let my readers choose which content they prefer to see here. I've given them two choices; wedding or marriage life. And here's what majority chooses. Thank you!

*****

I'M HAPPY AND I COULD NOT THINK OF ANYTHING TO ASK FOR.

Hindi ako nagkamali nang buong puso, malawak ang ngiti, at tumataba ang pusong sumagot ako ng 'oo'. Wala kailan man akong pagsisisihan na siya ang minahal ko.

Walang araw na hindi pinatunayan ni Geometry sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kahit sa mga simpleng bagay, hindi ko maaaring hindi maramdaman ang pagmamahal niya para sa akin. He completes me.

Sobrang saya ko, at wala na akong mahihiling pa dahil meron na akong siya.

"Wake up," marahang halik sa pisngi ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nang magmulat habang pupungas-pungas, nakita ko siyang nakadungaw sa akin. "Good morning."

Matagal din bago ko muling nasilayan ang mukha niya sa umaga. Tuwing magigising kasi ako nitong mga nakaraang buwan at linggo ay mag-isa ako sa kama at kadiliman na kumakain sa kuwarto ang una kong nakikita. Laging ganoon, at nakakalungkot.

Miss na miss ko na siya. Nasa Antipolo kasi ang project niya ngayon kaya matagal talaga bago siya umuwi. Isang buwan bago ko siya mayakap at mahalikan ulit. Sa phone lang kami nag-uusap at iyon ay during out ko pa sa ospital.

Ang hirap ng long distance. Siyempre may mga gabi na kailangan ko siya, na gusto ko siyang maramdaman, makita, makasabay kumain, maka-kwentuhan at mayakap. Pero kailangan kong magtiis dahil may trabaho siya at hindi pu-pwedeng iiyak-iyak ako kapag miss na miss ko na siya. Hindi na kasi puwede ang ganoon. Dati pa naman ay ganoon na, ang kaso minsan ang hirap talaga, lalo pa at wala naman akong ibang kasama sa bahay.

Pareho kaming busy ni Geometry, hindi na nga yata iyon nagbago. Akala ko nga noong una sanay na akong mawalay sa kaniya dahil kahit naman noong hindi pa kami ay nagkakahiwalay na talaga kami ng matagal. Akala ko hindi na ako maaapektuhan kapag kailangan na ulit niyang umalis at iwan ako. Kaya lang napatunayan kong mas na-attach ako sa kaniya noong tumira na kaming dalawa sa iisang bubong.

"Get up, baby. You have work today."

Kainis! Gusto ko pang humiga rito dahil pagod pa ako! Ang sakit ng buong katawan ko, lalo na itong likod ko. Pero mukhang kailangan ko na nga talagang bumangon dahil nang hinawi niya ang kurtina sa glass wall, pumasok ang kaonting liwanag na hindi makapasok kanina. Sapat lang ang liwanag para malaman kong umaga na.

Nilingon ko ang wooden clock sa ibabaw ng table. Five-thirty pa lang. Ganitong oras niya ako lagi ginigising. Kahit nasa malayo siya, tinatawagan niya ako ng ganitong oras para magising lang ako. Hindi kasi talaga umaasa si Geometry sa alarm clock. Alam niyang hindi rin ako babangon kahit pa marinig ko iyong tumunog. Ayaw niyang nali-late ako sa trabaho. Para siyang baliw.

"Inaantok pa ako," nakaungot kong sinabi, pabebe ng kaonti, malay ko madala. Tinatali niya ang curtains nang nilingon ako. Plain white tee at cream colored jogger na ang suot niya. Magulo ang buhok niya pero sigurado akong naligo na siya.

Ang pogi niya. Pero kahit na ganoon, siya pa rin ang suwerte sa aming dalawa dahil maganda ako at sexy. Imagine, ang daming nagkakagusto sa akin tapos sa kaniya ako nabaliw? Aba, suwerte! Naka-jackpot si Geometry!

Umangat ang labi niya habang nakatitig sa akin. Ang ganda ko sa umaga kaya normal lang na titigan niya ako ng ganiyan. Sino ba naman ako para pigilan siya? Kung sa ganiyang paraan magsisimulang gumanda ang araw niya, pagbibigyan ko siyang tumitig.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now