Special Chapter: Mini-Me

153 10 9
                                    

“BUKAS KA pa ba maliligo?” 

Mula sa pagkakatitig sa cellphone, napalingon si Geometry sa akin. Kalalabas ko lang galing banyo, may nakaipit na towel sa buhok dahil katatapos ko lang maligo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang pakalmahin ang init ng aking ulo. Ang ine-expect ko nga ay lalamig na dahil nakaligo na ako. Pero nang nakita ang mukha ni Geometry, lalo lang akong nainis.

Hindi pa siya kumilos. Nanatili siyang nakaupo sa couch habang nakatingin sa akin. Kung may balak gumalaw, halatang hindi siya iyon. Ako na lang ang kumilos at nagpunta sa dresser. Hinila ko ang bangko pero nanatili ang tingin ko sa kaniya. 

“Ano, gusto mo ba paliguan pa kita?” Salubong ang kilay na inismiran ko siya. Gabing-gabi pero ang tindi ng inis ko. Grabe! 

“You’re still mad?” Ngumiti siya pero hindi ako madadaan diyan at sana alam niya ‘yon. “I already said sorry,” dugtong niya pa. 

I smirked. “Sorry? Oo, nag-sorry ka nga. Pero tinanggap ko ba?” Padabog akong umupo at padabog din na inabot ang bote ng lotion. Naglagay ako sa palad at kinalat bago nag-apply sa mga braso pababa sa siko ko. 

“Pumpkin...” 

“Hindi ko tinanggap, Geometry. Wala akong sinabi na tinatanggap ko ang sorry mo. Kahit lumunok ka pa ng bato, hindi ko tatanggapin ang sorry mo.” 

“That’s rude…” aniya sa mababang boses.

“Sino sa atin? Hindi ba at mas rude ka nga?”

Hindi siya sumagot pero naramdaman ko na tumayo na siya sa couch. Diretso ang tingin ko sa salamin sa aking harapan. Mula roon, malinaw kong natatanaw ang maputla kong mukha. Pero sanay na ako. Lagi naman akong putla. Iyon na yata talaga ang kulay ko. Ang pagiging maputi ko ay dahil sa putla na lang. 

Halos tumira na ba naman ako sa ospital. Ilang buwan nang mahigpit ang schedule namin dahil nagkulang kami sa manpower. Mabuti na lang ngayong linggo ay medyo lumuwag na dahil sa mga fresh board passer nurses na hired na sa ospital namin. 

Kahit papaano ay nadagdagan na rin kami. Sinamantala ko nga kaya ngayon ay day off ko. Actually, tatlong araw ang kinuha kong day off dahil sa sobrang pagod sa straight night duties, pakiramdam ko kailangan ko na talagang magpahinga o bigla na lang akong hihimatayin sa sobrang pagod at kulang na tulog. 

Ang ganda-ganda ko noong nursing student pa lang ako. May time man na naha-haggard, maganda pa rin naman. Hindi nagbabago. Pero ngayon, tangina, parang sampu na ang anak ko sa sobrang haggard. Umuuwi na nga lang ako sa bahay para kumain at matulog, pero parang sa ospital na rin talaga ako nakatira.

Four ng madaling araw ang out ko kanina. Nagpapasundo ako kay Geometry dahil nandito lang naman siya sa bahay. Tapos nakita ko pa na marami siyang missed calls sa akin three hours ago na hindi ko mga nasagot dahil busy. Naisip ko pa na hindi niya naman ako tatawagan nang sunod-sunod, halos walang isang minuto ang pagitan ng mga tawag niya. Hindi niya ako kukulitin tawagan dahil alam naman niyang nasa trabaho ako. 

Tawag ako nang tawag sa kaniya noong out ko. Hinintay ko siyang sumagot pero lintek talaga! Inabot na lang ako ng alas singko sa paghihintay, hindi pa rin siya sumasagot. Inis na inis na ako nang sumakay sa taxi pauwi. Ang mahal ng pamasahe ko! 

Pero inintindi ko pa rin — sinubukan ko dahil baka pagod siya at tulog na tulog. But knowing Geometry, light sleeper at mabilis magising. Nakakapagtaka na hindi niya ako sinasagot. At iyon na nga, sasabog yata ang ulo ko nang ang naabutan ko sa bahay ay siya! Tulog na tulog nga, pero ang baho niya. Amoy alak siya. Buong kuwarto namin ay nangangamoy dahil sa kaniya. 

At paano nga naman maririnig ang tawag ko kung nasa labas ng kuwarto ang kaniyang cellphone? Nasa sahig katabi ng sapatos at damit niya. Grabe talaga ang galit ko. Inis lang naman noong una. Pero pagkatapos ng naabutan kong amoy at dahilan ng hindi niya pagsundo sa akin, galit na bigla ang naramdaman ko. 

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now