Chapter 24

421 24 11
                                    

Mabilis kumalat ang confession na iyon sa students ng Chowden. Siyempre, ang page na iyon ay tinatambayan ng lahat para magbasa ng random admission mula sa unknown sender. Wala ni isa sa readers ang nakakaalam kung sino ang nagpadala ng confession, bukod sa admin na nagpapatakbo ng page na iyon.

Sa totoo lang, sanay ako sa bullying pero traumatizing ang event na iyon. Nangyari years ago pero nasa isipan ko pa rin ang sitwasyong minsan kong kinalagyan dahil sa history ng Mama ko. Maaanghang na salitang galing sa ibang tao, dine-depina ako base sa pagkakakilala nila kay Yvette; kay Mama. Sanay ako pero ayaw ko nang mangyari ulit ngayon. Gusto ko ng tahimik na buhay, iyong walang makakakilala sa akin bilang anak ni Yvette. Ngunit sa isang iglap, tila ako bumalik sa nakaraan.

Na-appreciate ko ang sinabi ni Morie. Pero hindi enough para matigil ang panunukso sa akin ng mga kaklase namin. Patuloy nila akong tinatapunan ng salitang alam kong hindi ko rin kaagad makakalimutan. Lilipas ang panahon, magbabago ang bagay-bagay, pero ang masakit na salitang narinig ay walang expiration date.

Sinisikap kong huwag maiyak, pinapaalalahanan ang sarili na talunan ako kapag may luhang pumatak galing sa mga mata ko. Hindi ako iiyak sa harapan ng mga taong walang ambag sa buhay ko. Hindi nila ako makikitang talunan. Hindi na ako 'yong dating Pumpkin na umiiyak lang tuwing binu-bully ng ibang tao.

"Malay mo may lahi kang foreigner, Pumpkin. Hindi mo alam kung sino ang ama mo," makahulugang sinabi ni Liza.

Madaming bulungan galing sa iba, hindi lang naglalakas loob na sabihin ng malakas. Baka tinamaan kahit paano sa kaninang sinabi ni Morie.

Lakas loob na tinaas ko ang aking mukha para tingnan ang direksyon ni Liza. Tumatawa siya, katabi si Julia na halata namang plastikada talaga.

"Naisip mo na may lahi akong foreigner? Sabagay, sa tangos pa lang ng ilong ko wala ka nang ibubuga. Instead na insultuhin mo ako, kumuha ka ng libro at mag-aral mabuti para sa exam, Liza. Nakakahiya naman kung bully ka pero bagsak ka sa quiz mamaya."

Nakita kong natameme siya. Bahagyang umatras ang ulo habang si Julia ay nag-iwas ng tingin. Nagtaas si Liza ng kilay kalaunan. "Huwag kang mayabang-"

"Huwag mo rin ibuka ang bibig mo para insultuhin ako kung ayaw mong makarinig ng offending statement mula sa akin."

"Ang ugali mo siguro ay nakuha mo sa ina mo, Pumpkin. Hindi na ako magtataka kung isang araw katulad ka na rin niya," sumabat si Julia.

"Bakit naman ang dami mong say? Pakialam mo kung ganoon mother ni Pumpkin? Kulang ka ba sa aruga kaya pati taong nananahimik hinuhulaan mo na ang kapalaran?" nagulat ako noong biglang pumasok sa classroom si Alvie.

Pinanood ko siyang huminto para huminga ng malalim. Sinuklay niya rin ang buhok pataas bago kinagat ang ibabang labi. Ilang hakbang pa at nasa tapat na siya ng dalawa.

"Kung bored ka, untog mo ulo mo sa pader, Julia. Malay mo gumana utak mo," mabilis siyang napahinto. "Kung mayroon man."

"Wow, knight in shining armor. Kaya lumalaki ulo ng Pumpkin na iyan dahil sa mga kaibigan niyang epal," wala na atang masabi si Julia kaya iyon na ang naging rebutt. "Maybe you guys are proud na ang mother ng friend niyo ay naninira ng ibang pamilya. Are you proud that your mother is a slut and whore, Pumpkin? You should be."

Peke akong natawa. Napahinto si Alvie sa tangkang paglapit sa akin dahil sa sinabi ni Julia. Iniwas ko ang paningin para kalmahin ang sariling damdamin. Ganoon ang Mama ko at never akong nag-tolerate sa gawain niya. Bakit nga ba kasi may mga taong wala namang alam pero ang daming nasasabi? Example dito si Julia at Liza. Parehong bida-bida. Kapatid siguro ni Jollibee.

"Swerte mo kung matino mother mo. Hindi mo kailangan makaramdam ng galit sa kaniya at hindi mo mararanasang makatanggap ng pang-iinsulto galing sa ibang tao, katulad ng ginagawa niyo sa akin ngayon. Kung matino ina mo, Julia, hindi mo mararanasan ang mga naranasan ko sa bibig ng mga taong wala namang alam pero kung magsalita ay parang kilalang-kilala ako. Swerte mo dahil hindi tayo pareho," huminga ako ng malalim at marahang tumungo. "At malas ako dahil sa mga taong binabase ang pagkatao ko sa kung ano ang Mama ko. Malas ako dahil sa mga taong puro panghuhusga lang ang binabato sa akin."

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now