Chapter 22

459 27 6
                                    

Linggo ay mag-isa ako sa bahay ko. Maghapon akong hindi lumabas. Sobrang tahimik ng paligid to the point na para na akong mamamatay. Ang lugar na ito ay parating pinararamdam sa akin ang ganoon. Mag-isa ako rito at walang nagbago sa nararamdaman ko, parati akong sinasakal ng katahimikan. Minsan napapaisip ako kung kailan mangyayari na uuwi akong may madadatnang tao rito. Hindi iyong isang tahimik na paligid ang sasalubong sa akin.

Hindi ako masisisi ni Marian kung bakit sobra akong nagpapahalaga sa mga kaibigan ko. Wala akong pamilya, mag-isa lang sa buhay at ang totoo ay sila na lang ang matatawag kong mayroon ako. I can't imagine my life without friends.

Pinadadalhan ako ni Ashton ng messages at constant ang reply ko. Seryoso na akong bibigyan ko siya ng chance, hindi na lang gagamitin. Parang hindi naman niya kasi deserve lalo pa at wala siyang ginawang masama sa akin. Bakit ako gagamit ng tao kung kahit ako sa aking sarili ay ayaw na mangyari iyon? Kailangan kong tandaan na karma hit different.

Noong dumating ang araw ng Lunes ay pinilit kong bumalik sa aking sarili. Hindi ko nga lang alam kung paano ko haharapin si Marian. Pinanghihinaan ako ng loob sa hindi ko malamang dahilan. Naiisip ko rin na kung makikita niya ako mamaya, hindi kami magiging komportable sa isa't isa pagkatapos ng naging pag-uusap namin last Friday night.

Umagang-umaga ay ang maliwanag na ngiti ni Ashton ang sumalubong sa akin. May dala siyang delight at alam ko na agad kung para kanino iyon. Huminga ako ng malalim bago pilit na pinalabas ang ngiti.

"Hi, good morning," simple siyang bumati suot ang nakakasilaw na ngiti. "For you." Sabay abot sa delight.

"Hindi mo naman kailangan mag-abala," iyon ang tanging nasabi ko.

Pareho kaming typical students kaya hindi nakakuha ng atensyon kahit sa hallway niya ako inabangan. Very unlikely kapag si itlog ang kasama ko. Siyempre, may imahe siya sa school namin dahil player ng basketball team. Matunog din ang pangalan niya sa college students, magaling kasi talaga siyang manlalaro plus the fact na friendly siya sa lahat. Hindi ko nga lang sigurado kay Alvie. Sa isang iyon talaga lumalabas ang pagiging maiiritahin niya.

"I insist, Pumpkin. Halika, ihahatid na kita sa classroom niyo," aniya at kinuha ang kamay ko para ipagsalikop ang aming mga daliri.

Gulat na napatingin ako roon. Normal ang sizes ng fingers niya at tama lang ang init. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ako naging komportable sa biglaan niyang ginawa.

"Okay lang, Ashton. Huwag mo na akong ihatid, kaya ko naman." Mabilis kong binawi ang palad mula sa kaniya.

"It's okay, I insist again. At saka I have the right because you're my girlfriend." Ngumiti siya ng mas malawak.

I am his girlfriend. Sounds weird. Marahan akong tumitig sa kaniya habang ang ngiti ay nasa labi pa rin. Para sa akin ay weird na ang term.

"Hindi, huwag na. Baka mahuli ka pa sa klase mo kung ihahatid mo ako. Okay lang, mas maaappreciate ko kung sabay na tayong pupunta sa klase natin," ayaw ko talagang ihatid niya ako dahil hindi pa nabubuo ang paliwanag na sasabihin sa mga kaibigan ko, lalo na kay Isia at Alvie.

Kung sakaling magtanong man sila kapag nakita na magkasama kami ni Ashton, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Though, gusto kong maging honest sa kanila.

"Is that really what you want?" ang tono ay puno nang hindi ko maipaliwanag na lungkot. Or maybe nagsusumamo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman doon.

"Oo. Kaya ko naman maglakad. Baka mahuli ka pa."

Kung gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon, hindi ba dapat unahin kong magkaroon ng interest sa kaniya? Ang problema ay hindi ko maramdaman ang bagay na iyon. Ang totoo niyan, mabilis akong magkagusto at ma-attract sa isang tao. Pero hindi ako mabilis mahulog. Kahit pa naging boyfriend ko si Jian, hindi ko masabing in love talaga ako sa kaniya. Kung ano man ang naramdaman ko noon ay infatuation lamang. I wasn't in love with him before at ngayon ay hindi ko masabing ganoon ako kay Ashton.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now