Chapter 10

532 29 3
                                    

Maghapon akong nasa palengke noong Sabado para magtinda. Katuwang ako ni Ate Merry, landlady ng apartment na tinutuluyan ko. Sa kaniya ako nagta-trabaho para mayroon akong ipangsuporta sa pang-araw-araw ko. Noong unang lipat ko rito na kasama si Mama, binayaran na niya ng buo ang apartment kaya hindi na ako nagbabayad para roon.

Halos isang linggo ko lang siyang nakasama at pagkatapos noon, bigla na siyang nawala, tanging iniwan ay note na nagsasabing kailangan niyang umalis pero babalikan ako pagkatapos ng dalawang linggo. Pangako na hindi rin naman niya tinupad sa huli dahil sinungaling siya.

Sanay naman na ako na ganoon siya. Pero minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko na umasa. Siguro despite hating her through the years, may parte pa rin sa puso ko na tinuturing siyang ina kahit paulit-ulit niya akong sinusugatan sa puso. Maybe, natatabunan lang ako ng pagkamuhi kaya ko nasasabi na hindi ko na siya ina pero umaasa ako na magiging isa pa rin siya sa akin.

Ang ibang customer ay halos kilala ko na. Ang iba naman ay bago sa paningin ko pero marami ang nakakausap ko na ng matagal dahil suki na namin ni Ate Merry. Maarte ang anak niyang babae kaya hindi naaasahan dito. Ayaw humawak o maglinis ng isda kahit para sa akin ay wala namang masama roon. Tuwing mayroong natitira sa paninda, binibigyan ako ni Ate Merry para ulam ko na iyon sa gabi.

Nagliligpit na kami ng mga banyera, handa nang umalis dahil malapit na rin gumabi. Sa gitna ng mga tao, sa madulas na palengke at halo-halong amoy ng kung ano-anong paninda, nakita ko si Geometry na naglalakad palapit sa kung nasaan ako.

Alam na niya ang lugar na ito dahil nasama ko na siya isang beses hanggang sa palagi na niya akong pinupuntahan tuwing wala na siyang ginagawa. Sinasamahan niya ako sa pagtitinda. Nauupo lang naman siya sa tabi ko at nagsusukli pero ako ang umaasikaso sa customer.

Kilala na rin naman ni Ate Merry si Geometry. Tuwang-tuwa nga siya sa alaga ko dahil pogi raw ito at mabait, magalang pa. Gusto niya pa raw ireto sana sa anak niya, e, ang kaso tamad naman ito kaya baka mapahiya lang siya kay Geometry.

"You done already? I'm late." Tinulungan niya akong pagpatungin ang mga palanggana para hindi na mahirapan mamaya sa paglalagay sa tricycle.

"Oo. Hindi kami puwedeng gabihin ni Ate Merry ngayon," sabi ko.

Umiiwas ako sa kaniya dahil siguradong hindi maganda ang amoy ko. Nakakahiya namang lumapit sa mabangong katulad niya. Mukha akong jologs ngayon. White tee at black sport shorts lang naman ang suot niya pero nakakahiya lang talaga kapag naamoy niya ang langsa mula sa akin.

"I'm late pala."

Tipid ko siyang nginitian. "Ayos lang. Saan ka ba galing?"

Nilagay namin sa tricycle ang mga gamit sa pagtitinda. Nakita ko si Ate Merry na nakikipag tsismisan na naman sa iba pang tindera sa palengke. Ang iba sa kanila ay pina-plastik niya lang naman. Alam ko dahil madalas siyang mag-kuwento sa akin ng tsismis sa ibang tindera rito na kapag kaharap ay mabait siya.

"I didn't go out before I went here. I was in our house the whole day, finishing some projects."

"Pumpkin!" Tinawag na ako ni Ate Merry para siguro ibigay na ang suweldo ko sa araw na ito. Nakangiti siya nang nasulyapan si Geometry sa aking tabi.

Mabilis akong nakalapit. Nagbibilang na siya ng pera na ibabayad sa akin. Tatlong daan lang ang araw ko rito pero ayos na iyon. Malaking bagay na iyon para sa akin. Sa pangkain ko. Si Mama naman kasi ang nagbabayad ng kuryente at tubig kay Ate Merry. Pati tuition ko ay pinapakialaman niya rin nang hindi ko nalalaman.

"Ito ang suweldo mo ngayon." Nilapag niya sa palad ko ang pera. Puro isang daan na buo ang mga iyon. "Bonus mo ito," sabay lagay ulit ng dalawang libong buo.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon