Chapter 36

744 41 21
                                    

Usually simpleng dinner with his family and friends lang ang nangyayari tuwing birthday ni Geometry. Katuwiran niya ay masyado na siyang matanda para magkaroon pa ng party. Hindi na bagay na kaniya ang ganoon. Very rare dahil si Isia at Morie kapag nag-birthday talagang hindi papakabog. Lalaki si Geometry kaya ganoon ang perspective niya when it comes to birthday celebration.

Gusto niya ng tahimik at matiwasay na dinner, iyon bang hindi niya kailangan umikot nang umikot para i-approach ang nga bisita. Annoying daw kasi iyon para sa kaniya, hindi niya nae-enjoy lalo pa at ang ibang bisita halos ayaw na siyang paalisin. Edi sanaol gustong mag-stay, 'di ba?

Na-rotate na ako sa morning shift kaya hindi ko na kailangan mag-worry about coming. Nagpunta kami ni Morie sa mall para bumili ng regalo. Umagang-umaga pa lang kanina ay binati ko na siya, hindi nga lang nareply-an dahil naging busy na ako pagkatapos.

Walang flight si Morie kaya kaming dalawa ang magkasama ngayon. Sinundo niya ako sa ospital pagkatapos ng duty ko. Nagtitinginan kaming dalawa, iniisip kung anong regalo ang ibibigay kay Geometry. Isa ito sa pinaka-stressing para kay Morie.

"Pwede ko bang regaluhan ng stuffed toy ang isang twenty-eight year old man?" Nakakunot ang kanyang noo.

Natawa ako. "Puwede rin siguro."

"Isa ito sa problema na ayaw kong harapin talaga. Bakit ba ang hirap pilian ng gift ng mga lalaki? As in, sobrang hirap!" Hinawakan niya ang baba. "Ano pa ba ang wala si Geometry?"

Nag-isip din ako. Halos lahat naman ata nasa kaniya na. Stick na lang ako sa usual na gift ko for him. Kung may faithful man na tao, ako iyon. Never akong nagbago ng gift dahil ayaw kong ma-stress aa paghahanap ng maaaring ibigay sa kaniya.

"Bebe! Iyon na lang ang wala siya. Jowa na lang ang ireregalo ko kung ganoon," tingin niya siguro ay iyon na ang pinaka magandang ideya na naisip niya.

Pinanliitan ko siya ng mata habang nakataas ang isang kilay. Magrereto siya ng babae o literal na ireregalo? Gusto ata ni Morie na dumugo ang kanyang mukha sa suntok ko.

"Subukan mong regaluhan ng babae 'yon, irereto kita kay kamatayan, Morie."

Humalakhak siya sabay hampas sa braso ko. Tawang-tawa siya sa sinabi ko, tipong iyon na lang talaga ang kanyang hapitot. Inirapan ko nga.

"Bakit, may pangalan na ba akong binanggit? Ang plano ko ay ikaw ang isasako para ibigay sa kaniya. Masyado ka namang selosa. Walang kayo, remember?"

Sarap banatan. Pasmado masyado ang bibig. Walang kami ni Geometry at malabo nga atang magkaroon. Huminga ako ng malalim.

"As if naman tatanggapin niya ako, 'di ba? We're just friends-"

"Umamin ka na kasi sa kaniya. Try mo lang. If hindi kayo pareho ng nararamdaman, then fine. You can still offer him a friendship tapos move on na. Mahirap iyong umaasa kang magiging kayo, pero hindi mo alam kung may inaasahan ka ba talaga."

"Pero hindi ko kayang umamin. Natatakot ako, Morie."

Hinawakan niya ang balikat ko saka marahang tinapik. Ngumiti siya, tila sinasabi na maging optimistic lang ako. Naging marahan at pino ang paghinga ko. Habang tumatagal nagiging komplikado ang lahat sa akin. Hindi ko na alam minsan kung ano ba talaga ang gusto ko.

Minsan gusto kong maging friends lang kami, sa paraang iyon ko lang kasi siya make-keep. Natatakot akong i-risk ang pagkakaibigan namin dahil lang sa gusto ko siya. Madalas naman ayaw kong may ibang babae na pumapapel sa buhay niya. Gusto ko ako lang. Sarili ko lang ang gusto ko para sa kaniya, even it sounds selfish and possessive. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maramdaman ang dalawang iyan. Or maybe may something akong hinihintay. Waiting for him to feel the same as me, and he'll be the first to confess.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon