Chapter 38

682 34 11
                                    

Rounds ang usually favorite part ko sa trabaho. Patients are greeting me, hindi lang palaging doctor. Ako ang unang bumabati sa kanila at kahit paano'y gumagaan ang pakiramdam kapag nakikita na ngumingiti sila sa akin habang bumabati pabalik. Matagal na ako sa ospital na ito kaya ang mga pasyenteng matagal na rin dito ay kilala na ako.

Isa sa duty naming mga nurses ang alagaan ang mga pasyente. Monitor their conditions and health. Tuwing may pasyente na nadi-discharge, doctors at nurses ang unang masaya. Our job were fulfilled and seeing them leave the hospital brings another kind of happiness to us. Sobrang saya sa pakiramdam dahil maayos na sila, nagawa namin ang aming trabaho at ginawa nila ang kanilang part as a patient.

Siyempre hindi lang laging masaya. May pagkakataon na nalulungkot din kami tuwing may pasyenteng bumibitaw sa laban, lalo na iyong matagal nang narito sa ospital dahil may malubhang karamdamdaman. Noong isang beses na may pasyenteng namatay habang sinusubukan namin i-revive, sobrang bigat sa pakiramdam. Binigay naman namin ang best namin para mailigtas siya, hindi lang talaga naging sapat para huwag siyang bumitaw.

Some patients who were diagnosed with severe illness are mostly dying in our own bare eyes. Nasasaksihan namin ng harapan madalas. Rare for us to say 'you made it' dahil mas madalas ang sumusukong pasyente kaysa sa nakaka-survive. Laging sinasabi ni Dr. Emmanuel na huwag masyadong ma-attach sa mga pasyenteng may malubhang karamdamdaman. Noong una hindi ko naintindihan, ngunit matapos makita ang unti-unting pagbitaw ng matandang babae na isa sa naging malapit sa akin, nasaktan ako ng sobra.

Her death gives me stress. Hindi ko matanggap. Hindi siguro naging sapat ang mga sandaling parati kong sinasabi sa kaniya na kailangan niyang makalabas ng ospital para makitang muli ang ganda ng mundo. Kailangan pa siya ng mga apo niya, hindi siya dapat sumuko. She'd just smile at me and nod, giving me hope na she'll eventually overcome all of it. Pero... She didn't make it. Sa huli ay hindi niya nagawa.

Dr. Emmanuel is definitely right. Don't get yourself too attached dahil kapag dumating ang araw na pipiliin ng pasyente na tapusin na ang paghihirap nila para makapag-pahinga, mahihirapan kang palayain sila. Sobrang bigat sa dibdib at minsan kang mapapatanong kung ginawa mo ba talaga ang best mo.

"I'm pregnant."

Gulat na tiningnan ko ang pregnancy test na binato ni Morie sa tabi ko. Diretso siyang naupo sa single couch at sinubsob ang mukha sa unan.

I knew it. Hindi ako magiging registered nurse for nothing! Nitong nakaraang araw ko pa napapansin ang mga pagbabago sa kaniya. Araw-araw akong narito sa condo niya kaya araw-araw ko rin nakikita ang pagsusuka niya tuwing umaga.

"Sino naman ang ama?" Habang tinitingnan ang PT na may dalawang linya. Magiging ninang na pala ako. Problema na naman sa pasko! Kung puwede lang kasi na magbigay ng twenty pesos bilang papasko, 'di ba? Kairita. Hindi naman ako mayaman kaya why expect big amount from me ba?

"Sino pa ba? Kaya pala nitong nakaraang buwan ay napapansin kong sa loob nagf-fireworks ang bonak na Alliet. Don't trust a doctor talaga!"

Humalakhak ako, tipong maaasar siya ng sobra. "Ayaw ka na niyang pakawalan kaya binuntis ka na. Plano na niya 'yan, Morie. Wala ka nang ibang choice kung hindi ang makulong sa doctor na iyon forever."

"Gustong-gusto niya akong matali sa kaniya! I knew it. Last week tinanong niya ako kung wala pa ba akong balak na pakasalan siya. Gago, alam na alam niyang sisibol ang tinanim niya, e. Nakaka-gago si Alliet."

Super laughtrip ng ginagamit niyang term. Sumibol ang tinanim ni Alliet kaya magkakaroon na sila ng aanihin.

"It's time na rin para mag-settle down ka. Tagal ka nang pinagtitiisang habulin ni Alliet. Mabuti nga alam mong may plano talaga siyang panagutan ka. Unlike sa ibang lalaki na tinatakbuhan ang kanilang responsibilidad. Sabi mo nga maganda naman performance niya sa bed. Hindi ka na lugi kaya go na!" Supportive akong kaibigan. Medyo kadiri lang sa part na inulit ko ang sinabi niya noon na magaling si Alliet.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now