Chapter 12

443 27 1
                                    

Tulala ako habang awtomatiko na sumisipsip ang bibig sa milktea. Dahil medyo nag-init ang ulo sa nangyari, dinala ako ni Isia rito ngayon para ilibre. Tingin niya ay iyon ang magpapaganda sa mood ko at totoo naman. Nakaka-badtrip lang talaga ang Salatiel na iyon. Ang lakas ng bilib sa sarili. At si Nectarine naman, gosh, nakialam pa! Iyan tuloy at nadamay. Akala niya siguro magpapatalo ako sa kaniya. Just no way!

Hindi ko na gugustuhing bumalik sa Chowden. Kung gagawin ko man, baka makita ko pa ang dalawang tao na gusto ko na lang sanang iwasan dahil baka mademonyo na naman ako.

Dalawang oras pa lang kami ni Isia sa tea shop, tumatawag na si itlog. Marami itong load kaya tawag nang tawag. Medyo malamig na ang ulo ko noong sumagot. Pagdating sa kaniya ay hindi ko magawang sumigaw o mag-init ang ulo. Masyado siyang soft, mabilis masaktan.

Umangat ang kilay ko kahit hindi naman niya nakikita. "Bakit?" Walang kabuhay-buhay ang boses ko.

"Pumpkin..." Malalim ang buntong hininga niya. "I had been looking for you and Louisiana everywhere, yet I could not find you both-"

"Malamang, Geometry, wala naman kami riyan sa Chowden."

"What?" Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "You left me with Marian-"

"Oo nga. Nandito kami sa tea shop ngayon. Bakit ka ba hanap nang hanap?" kalmado pa rin ang boses ko. Nakita ko si Isia na tumingin sa akin pero binalik din kaagad sa cellphone ang atensyon. Kausap na yata ang target niya kanina.

Nakakabadtrip naman maalala ang nangyari kanina. Ang inaasahan ay mae-enjoy namin ni Isia ang kalokohan na iyon. Pero dahil sa dalawang anak ng tinapa, nasira na ang araw at mood ko.

"Let me finish first," siguro ako na nakasimangot na siya ngayon. Huminga ako nang malalim at umirap sa kawalan. "Where exactly is that shop? I'll be on my way right away."

"Huwag na! Iiwanan mo si Marian? Unahin mo siya, itlog. Sayang ang oras na dapat nagpapahangin ka sa kaniya. Kung puwede, pakitaan mo ng sexy abdomen mo. Malapit ka nang magkaroon ng abs, 'di ba?" Humigop ako sa milk tea ko.

Narinig ko ang marahas niyang buntong hininga, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Ano naman masama roon? "That's too much. I don't wanna freak her out with nasty behavior."

Talagang napairap ako sa hangin. "It's a prank, haller! Payatot ka kaya walang sexiness diyan sa tiyan mo. Baka libag puwede pa. Kadiri." Kahit ang totoo ay alam ko naman na malabo dahil maalaga siya sa kaniyang sarili. Wala siyang libag.

"Pumpkin," nagbabanta na ang tono niya, malapit nang mainis. "Stop saying nonsense. You're making me cringe."

"Edi wow," ismid ko. "Share mo sa pader."

Hindi siya sumagot, mukhang nainis na. Kung katabi ko lang siya ay siguradong napagtawanan ko na. Sarap pitikin sa heart. Si Carl nga ay hindi ko na alam kung nasaan. Dinamdam ngang talaga ang nangyari kanina. Pabayaan, nag-iinarte rin.

"Tell him na kung nasaan tayo, Pumpkin. Hilig mo talaga siyang i-annoy, 'no?" ani Louisiana.

"Calenda Tea Shop," wala akong nagawa.

"Alright," walang kabuhay-buhay ang tono ni itlog noong sumagot. "We'll be there." Sabay end ng call.

Hindi ko pinansin at binaba na lang ang cellphone sa ibabaw ng table. Nakasimangot si Isia habang nakatingin sa cellphone, hindi natutuwa. Very unlikely tuwing si Basti ang kausap niya. Palaging nakangiti at nanghahampas pa kapag kinikilig. Nawalan siya ng gana sa ibang lalaki matapos siyang tigilan ni Basti sa pangungulit. Napansin ko ang mga 'yon sa nagdaang dalawang buwan. Hindi na lang ako nagsasalita sa mga napupuna ko.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now