Chapter 5

725 32 2
                                    

"Stop crying already." Sumimangot si Geometry habang marahang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang puting panyo. May pagkakataon na daliri na niya ang ginagamit kapag natataranta sa dami ng lumalabas galing sa mga mata ko.

Kanina pa ako humihikbi, yakap ang parehong tuhod, hindi kumakalma. Hindi ko rin talaga alam kung paano. Ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay ang umiyak nang walang katapusan.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni itlog. "You've been crying for almost thirty minutes straight. Aren't your eyes socket hurting?"

"Hayaan mo lang ako, please. Gusto ko lang mabawasan ang bigat sa dibdib ko, Geometry," namumugto ang matang sabi ko sa kaniya.

Tumayo siya para ayusin ang jacket na nakapatong sa aking balikat. Pagkatapos ay umupong muli sa tabi ko para naman hawiin ang buhok na kumakalat sa mukha ko.

"I wanna hear the reason why you're crying, at the same time I want to respect your privacy," wika niya. "I don't wanna hear anything without your consent."

Napatitig ako sa kaniya. Malinaw ang pag-aalala sa kaniyang guwapong mukha. Nakasimangot din siya dahil ayaw paawat ng mga luha ko.

Iniwas ko bigla ang paningin. "Nag-away lang kami ng Mama ko. Hindi naman importante."

Ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Nang tiningnan siya ulit ay saka naman lipat niya ng atensyon sa ibang bagay. Iyon marahil ang way niya para hindi magtagpo ang paningin naming dalawa.

"Are you really that strong to fight with your mother? I have never tried that my entire life, Pumpkin. Just looking at my Mom's fierce eyes, I'm getting scared all of a sudden. I would never pick a fight with her," muli kong nakita ang coward Geometry.

I can't help but smile. Halatang takot na takot siya sa mother niya. Kulang na lang ay literal na manginig ang katawan habang nagsasalita. Or probably naaalala niya ang mukha ng kaniyang ina habang sinasabi ang bawat salita kanina.

"Itlog mo green," nasabi ko. "Takot na takot ka naman sa Mommy mo."

Ngumuso ang itlog. "Isn't it just right to fear our mother? Fighting with mine could be also be mean I'm disrespecting her and I don't want our relatives to think I am that kind of person. Takot ako sa Mommy ko."

Nabura ang ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko ay pinatamaan niya ako sa paraang hindi diretso. "Hindi tayo pareho ng sitwasyon at buhay. Kung tingin mo disrespectful ang pakikipag-away sa Mama ko, iyon ay dahil hindi mo naman alam ang sitwasyon na pinagdaanan ko." Nagtaas ako nang kilay at pinahid ang luha sa pisngi. "May reason ang pagiging bastos ko, Geometry."

"Is the reason you're referring already enough to lose your respect to your mother?" Tumikhim siya at tiniklop ang panyo sa mas maliit na anyo. Hinawakan niya ang batok ko para iharap sa kaniya ang aking mukha. Hinaplos ng kaniyang mata ang kabuuan ng mukha ko na para bang may nagbago kahit wala naman.

Binaba ko ang mukha para maiwasan ang kaniyang tingin. Paano nangyari na habang nakatitig sa kaniya kanina ay may nakikita akong kislap sa kaniyang mga mata? O baka naman nag-iilusyon lamang ako?

"Galit ako sa kaniya at enough reason na iyon para mawalan ako ng respeto."

Pinagapang ni Geometry ang kaniyang mga daliri sa makinis niyang pisngi. A warm tear made its way down to my cheeks but immediately vanished because of his quick move. He wiped my tears using his long and petite point finger.

"Why are you crying now?" huminga siya nang malalim.

Bigla ko siyang nahampas sa braso. Umawang ang labi niya dahil marahil nasaktan. "Nag-away nga kasi kami, hindi ba?"

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now