Chapter 40

1K 33 1
                                    

The whole year was eventful. Isa sa big event na pinuntahan ko ay ang kasal ni Nectarine. Sooner after that, si Morie at Alliet naman. Hindi na pinatagal ang lahat dahil para saan pa ba? Magkakaroon na nga ng anak ang dalawa, kailangan pa ba na patagalin ang kasal? Katuwiran pa ni Morie ay kung ikakasal sila na malaki na ang tiyan niya, hindi na siya looking sexy sa isusuot na gown.

I thought pa nga na baka gusto niya lang kaagad talaga na matali kay Alliet. Sinampal niya ako nang sinabi iyon ngunit natawa lamang ako bilang sagot. She didn't deny it tho. Sinampal lang at sinabing pasmado ang bibig ko.

Simula nga noong kinasal si Morie ay ako na lamang ang umuuwi sa condo niya. All her things were packed up. She has already left the place and almost force me to reown her condominium dahil obviously, she wouldn't be able to stay there with me anymore. Doon lang nag-sink in sa akin na may asawa na si Morie. Ang best buddy na inaayusan ako tuwing may night out, kasamang pumili ng isusuot, kainuman every day off, can no longer be seen in the place.

Maagang pumupunta si Mama para dalhan ako ng pagkain. During off ko siya nabibisita. Alec is taking care of her. Best buddy ang dalawa at nagpunta pa nga sa Tagaytay before Christmas. Hindi muli ako nakasama dahil busy sa trabaho.

I restricted myself from visiting Geometry sa mismong place niya. We surely dated a lot of times already. Siyempre automatic na iyon tuwing wala kaming work. Minsan kapag naabutan na mayroon akong duty, hatid sunod niya ako and we will just talk about random stuff.

Light, naughty, funny and deep conversation are the main things I really wanted to experience with him. Masarap siyang kausap, especially kapag ang topic is something I lacked knowledge about and he is more than willing na imulat ang mata ko. Nagkakasundo kami sa deep conversation dahil madalas namin napag-uusapan ang tungkol sa mga buhay namin.

Nasa ospital ako during Christmas. Hindi naman iyon ang unang beses na nangyari ang ganoon. Maaga pa lang ay nasa bahay na si Geometry, naghihintay na matapos akong maligo. Kausap niya si Mama nang iniwan ko. Nagmamadali tuloy ako sa pagligo, palibhasa'y hinihintay niya.

"Kumain ka na?" Habang nagpupunas ng towel sa buhok. Naabutan ko siyang mag-isa sa salas. Bahagya akong natigilan matapos makita na fitted jeans, white plain shirt and sneakers ang suot niya. Very clean. "Nagluto si Mama."

"I just eaten," aniya.

"Bakit ka nandito?"

Nagsalubong ang kilay niya, tila ba nagtataka kung bakit ko tinanong iyon sa kaniya. Bahagya akong natawa sa naging reaksyon niya bago naglakad paakyat kung nasaan ang kwarto ko.

Hindi ako nagtagal sa pagbibihis. Inspired akong papasok ngayon dahil siyempre, nakita ko na ang hapitot ko. Last day pa siya nandito sa Maynila, hinatid pa nga ako pauwi kagabi at nag-stay sandali para makapag-usap kami sa mini-garden ni Mama.

Suot ko na ang complete uniform ko nang bumaba, pero sinusuklay pa rin ang buhok. Normal day lang ngayon dahil may duty ako. Mabuti na lamang at wala kaming advance plan ni Geometry for today. Hindi kami nagpa-plano talaga. Madalas biglaang date lang ang nangyayari. Madalas akong hindi prepared.

"Tara kain tayo." Hinawakan ko siya sa kamay saka hinila papuntang kitchen. "Kailangan ko ng energy para sa duty."

"I had coffee and bread before coming here."

Hindi ko siya pinansin. Nakita ko si Mama na nagluluto na naman. Mukha siyang nagmamadali. Kumunot ang noo ko bago pinaghila si Geometry ng upuan.

"Ginagawa mo, Mama? Ayos ka lang?"

Napatingin siya sa akin. "Kagabi ko pa niluto ang nasa refrigerator, Pumpkin. Ipagluluto ko ang bisita mo. Nakakahiya naman kung nalipasan na ang ipakakain ko sa kaniya."

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon