Chapter 29

448 24 1
                                    

Naiiritang hinampas ko sa table ang brown envelope na hawak bago walang ingat na sinuklay ang buhok. Maganda ang mood ko kanina, nasira lang habang tinatawagan ko si Geometry. Hindi siya sumasagot kahit sa mga text messages ko! Nauubusan na ako ng pasensiya sa taong iyon.

Hindi naman mabilis mag-enroll, lalo pa at freshman ako. Mabilis lang siya dahil second year na. Hangga't maaari ay gusto kong maaga kami para mauna sa pila. Madami ang mag-e-enroll mamaya at hindi ko gustong maghintay ng matagal sa pila! Kung alam ko lang na ganito, sana ay noong sinabi niyang sabay kaming mag-enroll, hindi ako pumayag.

Imposibleng makasabay ko sina Isia at Carl dahil sa ibang university na sila mag-aaral, doon sa maganda ang offer ng kukuhanin nilang course. Magkikita na lang kami ni Morie sa school mamaya. Si Alvie naman ay siyempre, late mag-e-enroll dahil ine-enjoy pa ata ang bakasyon with Cattleya.

Sa huli ay nag-desisyon akong puntahan na lang si Geometry sa kanila. May kutob ako kaya hindi niya sinasagot mga tawag at messages ko. Baka tama ako.

Bumaba ako ng taxi habang pinapagpag ang pantalon. Bahagya kong nasilip ang gate at nakita si Algebra na tumatakbo sa front yard, hinahabol ng aso. If I am not mistaken, ang pangalan noon ay Green. Hanggang ngayon ay mahilig pa rin siyang makipaglaro sa mga kamukha niya.

Pinindot ko ang doorbell. Patay talaga sa akin ang Geometry na iyon kapag wala siya rito. I'm gonna kick his ball. Indian-in niya na lahat huwag lang ako dahil sasabog talaga itlog niya sa akin.

"Ate," si Algebra ang nagbukas para sa akin.

Ngumiti ako at kumaway. "Hi. Nasaan Kuya mo?"

Nagsalubong ang kanyang kilay. "English only."

"Gusto mong mamanhid 'yang face mo sa sampal ko?" Dami niyang arte!

Tumawa si Algebra bago humawi para makadaan ako. Malapit na rin siyang magbinata. Fourteen na siya ngayon. Alam ko dahil kada birthday niya ay lagi niya akong pinapapunta para makikain ng handa niya.

"Joke lang, Ate. Kuya Geometry hasn't come out of his room yet."

Namewang na talaga ako. Kapal ng mukha noon kalimutan ang enrollment ngayon. Pinaalala ko na sa kaniya kahapon pero mukhang nakalimutan.

"Alas onse na, ah? Hindi pa siya nagb-breakfast?"

Diretso niyang tinango ang ulo habang dahan-dahang sinasara ang gate. Noong tumabi siya sa akin ay nalaman kong malapit na rin niya akong matangkaran. Ano ba 'yan! Unfair! Kaonti na lang mas tall na siya kaysa sa akin.

"Hindi pa. I eat with Ate Jennelyn and her company dahil nga tulog pa si Kuya. Will you wake him?"

"Wala akong choice."

Ang sama ko naman kung iiwanan ko siya. Nandito naman na ako, so bakit hindi ko sisirain tulog niya, 'di ba? Mas importante ang enrolment kaysa sa tulog niyang hanggang afternoon pa ata.

Hindi na ako sinamahan ni Algebra sa 'taas dahil kilala ko na naman ang buong bahay. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Geometry, pinihit ang door knob pero locked sa loob. Nilakasan ko ang katok para magising ang katawang lupa niya.

Napapamura ako sa bawat mabibigat kong katok sa pintuan. Pakiramdam ko nga mamamaga ang buto sa kamay ko pagkatapos nito. Sasampalin ko talaga siya. Bakit naman kasi nasa Milan pa rin si Marian hanggang ngayon? Nasa school na sana ako ngayon, naghihintay magsimula.

Ilang sandali ay bumukas ang pintuan. Inipon ko na ang hininga ko para sa mga sasabihin. Imposibleng tahimik kong tatanggapin ang panggayaring ito.

"Anong oras na ba? One ang start ng enrolment kaya bakit natutulog ka pa rin? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo kahapon na dapat maaga tayo ngayon? Paano ako mauuna sa pila kung 'yong kasama ko ay natutulog pa rin hanggang ngayon? Bakit mo ba kinakalimutan lagi ang time na binibigay ko sa 'yo, Esrom Geometry?!" with gigil effect kong sigaw.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now