Chapter 33

568 31 7
                                    

Tulala ako kinabukasan. Nasa coffee shop na ako kasama ang mga kaibigan pero ang diwa ko ay naliligaw pa. Hindi na nga ako nakaligo dahil ginising ako ni Morie, nagmamadali at sinabing aalis na kami. Alas dos na rin noong nakatulog kaming tatlo.

Bangag pa rin si Isia sa isang tabi. Panay ang hawak niya sa sumasakit na ulo. Pagdating nga ni Alvie ay nakuha pa niya kaming sermunan. Hindi na naawa sa sumasakit naming ulo. Dahil ito sa alak.

Nagkaroon ng pagpupulong ngayon para ipahayag ni Morie ang mga inamin ni Marian kagabi. Tahimik akong nakikinig habang inaalala ang nangyari. Gulat na gulat sina Alvie at Carl sa kanilang mga narinig. Hindi rin nila inasahan na kayang gawin ni Marian ang bagay na ganoon.

"Ginawa ni Marian iyon? Grabe, I never thought she could do that," sapo ni Alvie ang labi. "Kawawa naman si Geometry. Sobrang sakit noon sa part niya." Naiiling pa siya.

"She was so pure to everyone. Who would've imagined na dangerous pala siya? Hindi ako makapaniwala. Niloko niya si fafa Geometry ng hindi lang isang beses, dalawa pa," nasa tono ni Carl ang nanunuot na gulat. "Huli siya sa mga inaasahan kong makagagawa ng ganoong bagay. Imagine, na-witness natin kung gaano siya kamahal ni fafa Geometry. Nasaksihan natin lahat ng effort and love na nilaan para sa kaniya, tapos lolokohin lang niya? Hindi valid ang reason na masyado nang desperate na makalaya. Cheating is a choice talaga."

"Niloko niya si Geometry," inulit-ulit na lang ni Isia iyon. "I was really shocked last night when she started saying horrific revelation. Hindi rin ako makapaniwala."

"Lahat tayo gulat, Louisiana. Habang pinakikinggan ko si Marian, some part of me understand her situation. Pero kahit saang anggulo mo tingnan, hindi pa rin tama ang way na naisip niya para makalaya kay Geometry. May ibang daan pa, pinili niya lang 'yong makakasakit siya ng sobra," wika ni Morie. "Nakaka-dismaya lang."

"Actually, may kasalanan din si Geometry pero--"

"Pareho silang may kasalanan, Alvie, and that's final. Naging sobrang toxic ni Geometry to the point na nasasakal na niya ang kanyang girlfriend. Hindi niya kayang makita na mawala si Marian sa buhay niya kaya ganoon. Masyadong nagpakalunod si Geometry sa pagmamahal niya," mabilis kong pinutol ang sasabihin ni Alvie.

Sigurado kasi ako na madudugtungan iyon ng pagtatanggol sa naloko. Habang tulala kaninang madaling araw, naisip ko na malaki naman talaga ang ambag ni Geometry sa desisyon ni Marian na magloko. He even tolerate her, tinanggap kahit niloko na siya ng isang beses hanggang sa naulit pa. Mali rin si Geometry dahil gumawa siya ng desisyon na hindi naging mabuti para sa kanilang dalawa ni Marian. I'm not tolerating cheating or what. Ang sa akin lang naman, hindi dapat puro kay Marian ang disappointment. Kahit mismo si Geometry ay nakaka-dismaya. We should also acknowledge his fault. Victim siya ng panloloko pero bakit nga ba nangyari iyon ng dalawang beses? Desisyon niyang tanggapin si Marian kahit may red flag na.

"Teka, bakit parang hindi ka na pumapanig kay Geometry? Samantalang sinampal mo pa si Marian kagabi," ani Morie.

Napatingin sa akin sina Carl at Alvie, sabay na namilog ang mga mata. Dire-diretso akong nagbaba ng tingin. Reckless decision ang sampalin si Marian. Hindi ko naman sinadya.

"Sinampal mo siya, Pumpkin?"

"Bigla kong nagawa. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Basta nasampal ko siya bigla," pagsasabi ko ng totoo.

"She deserves it anyway." Umirap si Carl sa kawalan. "Cheater ng taon. Nakakapagsisi na naawa ako sa kaniya after I heard about their break-up. Iyon naman pala ay blessing pa na matatawag ang paghihiwalay nila."

Reason kung bakit ayaw kong i-share ang nasa isip ko ay dahil magkakaiba kami ng perspective sa nangyari. Silang apat ay against kay Marian dahil sa panloloko nito. Aware sila sa fault ni Geometry but seems like hindi iyon mahalaga dahil siya ang tinuturing na biktima. Para naman sa akin ay importante rin na tingnan ang kasalanan ni Geometry.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now