Chapter 21

451 27 5
                                    

Tulala ako habang nasa loob ng van. Sinundo nila ako kanina para sapilitang isama sa concert. Gabi talaga kaya hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa mundo ngayon. May concert ba na gabi ginaganap? Ngayon ko lang nalaman na mayroon pala. Hindi naman ako nagpupunta o minsang nakapunta sa ganoon kaya wala akong alam.

Maingay sina Alvie at Isia. Magkatabi kami ni Dina sa upuan at bahagyang nakapatong ang ulo ko sa kaniyang balikat. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang pag-uusap namin ni itlog kanina, at hanggang ngayon din ay hindi pa rin napapawi ang paninikip ng dibdib ko. Halos wala na nga akong maintindihan sa pinag-uusapan ng mga kasama ko.

Nag-iisip ako ng magandang gawin. Maangas na desisyon ang gusto kong pagtuunan ng atensyon dahil pakiramdam ko, pagkatapos kong sagutin ng ganoon si Ashton, isang pagkakamali iyon. Gagamitin ko siya at alam kong mali. Napangunahan ako ng takot kanina kaya hindi nakapag-isip ng maayos.

Mabigat sa dibdib. Sobrang mabigat na halos hindi ko na kayang huminga nang maayos. Hindi ko alam kung nasaktan ko ba si itlog sa pag-iwas ko sa kaniya. I'm sure I did. The thought of him feeling hurt is hunting me until now.

Dati, noong wala pa si Marian, nayayakap ko siya tuwing nae-excite ako. Kini-kiss ko pa siya minsan sa pisngi. Malapit kaming dalawa sa isa't-isa at parati akong nasa tabi niya. Opposite ang personality namin pero hindi naman iyon naging hadlang.

Madalas nga lang na hindi kami nagkakasundo dahil sa mga bagay na magkaiba kami ng tingin. Masyado akong pasaway habang siya ay seryoso lagi sa buhay, hindi kayang gumawa ng kasamaan o kalokohan man lang. Best friend ang turing ko sa kaniya na hindi ko pinapansin ang maaaring isipin ng iba, ang mahalaga close kami.

Pero noong pumasok na si Marian sa eksena, hindi na kami puwedeng maging katulad ng dati ni Geometry dahil pinagseselosan pala niya ako na hindi ko naman agad napansin. Siyempre, naiintindihan ko naman na nakaka-offend kapag nakita mo ang boyfriend mo na malapit sa ibang babae.

Nauunawaan ko si Marian. Noong bahagya akong lumayo, saka naman si Geometry naging vocal sa napupuna niya sa pagiging distant naming dalawa. Nalulungkot din ako pero ano ba ang dapat kong gawin? Naiipit ako sa kanilang dalawa ni Marian.

"Bakit ka malungkot?" si Dina na bumasag sa malalim kong pag-iisip.

Bahagyang kumislot ang ilong ko. "Hindi ako malungkot. May iniisip lang ako."

"Your usual self is not as silent as this, Pumpkin. Look, you're not fighting with Alvie, which is very rare dahil you guys always fight. You seem not okay."

Nakita ko si Alvie na sinusuklayan si Isia. Nililikot ang buhok nito at iniipit sa suklay para hindi matanggal. Naiirita ang isa, kinukurot si Alvie habang si Marian ay natatawa lang. My favorite scenery ay tuwing magkakasama kaming lahat at nagkakagulo. Mga kaibigan na lang ang mayroon ako, ayaw ko silang mawala.

Kahit paano ay tinuturing ko na rin namang kaibigan si Marian. Mabait siya sa lahat at iyon ang isa sa nagustuhan ko sa kaniya. Kung magpapatuloy ako sa closeness namin ni itlog na binibigyan nila ng ibang meaning, baka magalit pa siya sa akin. Ayaw kong mangyari ang bagay na iyon dahil kaibigan na siya para sa akin. In order to make her feel assured, I needed to avoid Geometry.

Hays. Kapag ba malungkot, required mag English?

Tipid akong ngumiti. "Okay lang ako. Huwag ka nang mag-alala, Dina." Ayaw  kong pag-usapan ang iniisip ko.

"Okay, if you really don't want to tell me. I should respect that." Masuyo siyang ngumiti sa akin. Ginawa ko pabalik para makasiguro siya na ayos lang naman ako.

Maraming tao sa venue. Maingay at hindi magkamayaw ang fan girls. Kahit si Isia ay hindi na nga rin mapakali. Hindi ito ang unang beses na naka-attend siya sa concert pero paulit-ulit niyang sinasabi na walang nagbabago sa excitement na nararamdaman niya. Nakasabit sa leeg ko ang camera, hinanda para kuhanan ang bawat moment.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now