Chapter 37

697 33 11
                                    

"Mukha ka namang matino rito." Tinuro ko kay Geometry ang picture niya noong high school kami.

Ako ang kumuha habang nakahinto siya sa field, nakahawak sa tuhod habang hinihingal. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang araw na inaya siyang maglaro ng soccer ng iba niyang kaibigan.

Sumama kami dahil tapos na ang klase. Hindi kasi siya makatanggi sa kanila kaya kami na nila Carl ang nag-adjust. I really love taking photos, especially sa mga moments na alam kong magandang balikan kapag napunta na kami sa edad kung nasaan kami ngayon.

Nakaka-miss ang high school life. Less stress and when everything's not as serious as now. Ngayon kasi ay subsob na subsob ako sa trabaho. Hindi ko minsan maiwan ang ospital.

"Am I frequently not?" Kumunot ang noo ni Geometry.

Bahagya ko siyang sinulyapan. Lagi naman siyang matino. May pagkakataon lang na literal siyang nakakapikon. Hindi niya lang alam na nakakapikon din talaga siya.

Ngumisi ako at nilipat ang pahina ng photo album. Nasa folder ko ang mga litratong ito dati. Ngunit pagkatapos ma-realize na I'm not going to pursue photography in college, nagsimula na akong ilipat sila sa isang maganda at malaking album.

Inaalagaan ko sila ng sobra. Compilation kasi ito ng litrato namin noong highschool pa kami. Iba pa during college, and now that we've grown up. Siniguro ko na sa magkakaibang photo album sila naka-compile.

"Ang ganda ko naman dito," nasabi ko matapos makita ang picture kong nakasuot ng blue jersey. Short and fitted top na mayroong section namin noong grade ten at surname sa likod. Nakatali ang buhok ko habang nakanguso sa kumukuha ng litrato. "Intrams 'to, e."

Nakatingin si Geometry roon hanggang sa mga sumunod pang litrato. Lahat ay nakayakap na si Isia. Mayroon pang nag-apir kami. Magandang-maganda ang kuha ni Carl kahit nalipasan na 'yon ng panahon.

"You were always beautiful, Pumpkin. Inside and out," aniya.

"Thanks."

Ang totoo ay hanggang ngayon wala pa rin akong naitatanong sa kaniya pagkatapos ng kanyang birthday. Kinabukasan kasi ay may trabaho na ulit siya. At isa pa, hindi ako nagkaroon ng chance na makausap siya through phone call dahil naging busy ako sa ospital.

May operasyon kasi noon na tumagal ng walong oras kaya pagod na pagod na ako noong nakauwi. Diretso tulog agad, ni hindi na nga nakakain.

Sa schedule naming dalawa ni Geometry, posible na hindi kami makapag-usap sa loob ng isang linggo. May malaking project sila sa Bulacan at hindi siya umuuwi araw-araw. Napaka imposible naman noon. He stays near the site at kaninang madaling araw lang nakauwi para tulungan kami ni Mama sa paglilipat.

Laging napupurnada ang plano naming ito dahil sa random reason. Ngayon lang talaga nagkaroon ng sapat na oras para magawa na ito.

Masarap sa pakiramdam na makita ang bunga ng ilang taon kong pakikipag sapalaran sa ospital. Lahat ng pagod at puyat ay naging worth it matapos kong makita ang pinagawa kong bahay para sa amin ni Mama.

Simple ngunit sapat na para masabing may sarili na kami. Buong buhay ko kasi ay nasa apartment kami. Hindi na umalis doon kaya napaka-laking bagay sa akin ang nakamit ngayon. I was so happy that I made it.

Hindi ako halos makapaniwala. Para lamang akong nananaginip. Totoo na kung gusto mo, makukuha mo kung magti-tiyaga ka lamang. Lahat ng pagod at effort ay nasusuklian ng magandang resulta. Ang hiling ko na lang ngayon ay mahabang buhay para kay Mama.

"I'm so happy, Geometry," maya-maya ay nasabi ko.

Tiniklop ko ang album saka dahan-dahang tumayo. Maingay si Mama at Alec sa labas ng living room, kung saan kami nakatambay ni Geometry. Kahapon pa nalinis ang buong bahay, ngayon lang naglipat ng gamit. Nagpa-plano rin si Mama na pabasbasan muna bago kami tuluyang lumipat dito.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now