Special Chapter: Get Married

1.2K 55 7
                                    

"Who are you dating?" Shenna asked while putting red lipstick on her pouty lips.

Tahimik ko siyang pinapanood na ayusin ang sarili. Out there are our nursing department batchmates who also came tonight for our reunion. Pagkatapos ng nakakapagod na chikahan about sa mga nangyari sa amin, ngayon lang ako nakalabas.

I was attentive kanina sa pakikinig habang nagku-kwento ang bawat isa. May naging katulad ko na registered nurse na ngayon, may hindi nakapasa at hindi makapasa-pasa sa exam, at mayroong grumaduate pero iba ang pinasukang trabaho. Ang iba pa nga ay nag-trabaho na lang sa kompanya nila. Just like that.

I was also thinking na ma-suwerte ako dahil napunta ako sa kung nasaan ako ngayon. Totoo na napagod ako ng ilang ulit sa pag-aaral, ngunit hindi sumuko dahil aware ako sa pangarap ko. Hindi rin madali ang naging umpisa ko bilang nurse, halos hindi ko pa nga kayanin ang makukulit at pasaway na pasyente. Kailangan lang talaga ng dedikasyon at tiyaga dahil trabaho ng nurse na alagaan ang pasyente nila. Sa huli ay nasanay na rin ako sa iba't ibang uri ng nakakasalamuhang pasyente sa loob ng ospital hanggang sa balewala na ang mga pasaway.

I was still lucky because I am now here.

"Hindi ka maniniwala," I told Shenna.

Funny to think na sa tagal ng pagiging magkaibigan namin ni Geometry, walang sumi-seryoso tuwing nababanggit sa iba na magjowa na kami. Nasanay ang halos lahat ng nakakakilala na magkaibigan lang kaming dalawa. Even his other friends didn't believe it. Hindi ko sila masisisi.

Natawa si Shenna, pinasok sa loob ng purse ang lipstick saka inayos ang mahabang buhok. Sa isang private hospital siya nagta-trabaho, unlike sa akin na sa public. Hindi ko rin inasahan na magkakausap kami ngayon. Noong college kasi ay madalas ko siyang isnabin dahil hindi naman kami close. Iba ang circle niya habang ako ay laging si Morie ang kasangga.

"We don't follow each other on Instagram kaya I don't know who have you been dating. Noong college tayo ay wala naman akong nabalitaang boyfriend mo," aniya.

I fake my laugh. "Hindi naman ako nagkaroon ng boyfriend noong college. Masyado na akong stress para humanap pa ng jowa."

We both know the struggle of each other. Siyempre, lalo na noong nagkaroon na kami ng duty sa clinic at ospital. Ubos na ang energy sa duty, may lesson pa na kailangan attend-an sa university. Malas talaga kapag umaga ang duty tapos tanghali ang klase. Sobrang hassle. Napapasabi na lang talaga ako ng 'sana sinaksak niyo na lang ako gamit tinidor'.

"Baka wala lang talagang nanliligaw sa 'yo," she teased, or maybe she meant that.

Napahawi ako bigla sa buhok ko. "Sa ganda kong ito? Ha! Kung alam mo lang, Shenna." Sabay iling pa.

"O, sino nga ang dini-date mo ngayon?"

Ngumisi ako at sumandal sa pader ng comfort room. I could only imagine Geometry's bright face right now. Miss ko na siya agad kahit wala pang dalawang oras simula noong maghiwalay kami. Hinatid niya ako rito kanina tapos umalis din agad. Morie couldn't make it tonight dahil busy sa sarili niyang life. Ang ending ay mag-isa ako, mabuti na lamang at kinakausap ng iba.

Ewan ba, biglaan din naman kasi talaga ang event na ito. I wasn't actually looking forward to it. Kung sino man ang nag-set, isa siyang malaking hatdog. Bigla na lang namin nalaman na mayroon palang ganitong kaartehan.

"My boyfriend is an Engineer," hindi ko maitatanggi na proud ako sa parteng iyon. I haven't dreamed of dating one anyway. Gusto ko lang dati si Geometry. "Huwag kang mainggit, Shenna," nagbibiro lamang ako.

Namimilog ang kanyang mata. "Why would I feel that way? Anyway, who's this guy? I mustn't have heard about his name before."

"Huwag na, baka ipagkalat mo pa."

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now