Chapter 9

431 24 1
                                    

Nagalit si Isia noong nalaman na ako ang nagbigay ng number niya kay Basti. Nalaman na rin niya kung sino ang taong nasa likod ng mga salitang nagpapakilig yata sa kaniya. Nagalit nga lang matapos malaman na ako ang naging daan para makuha nito ang kaniyang numero.

Unang beses kong kabahan pagkatapos makita na hindi siya nagbibiro. Galit talaga. Kung paano niya nalaman, hindi ko alam. Baka sinabi ni Basti. Ang tanga naman pala ng taong iyon! Hindi ko in-expect na magagalit si Isia sa ginawa ko.

Akala ko kasi... okay lang. Pero hindi. Dapat pala nagsabi muna ako bago binigay ang number niya nang hindi niya alam. Ako pala ang tanga. Sinisi pa sa iba.

"Why did you share my personal number to someone I hated?" Unang mga salita na lumabas sa kaniyang bibig noong dumating sa classroom namin.

Kumunot ang noo ko, medyo hindi naintindihan ang tanong niya. "Baliw ka?" Kumislot ang ilong ko dahil ang weird naman niya masyado. May nakain yatang panis.

Nagsalubong ang kilay niya. "Ikaw ang crazy, Pumpkin. You gave my number to Basti and I hate you for doing that without asking for my permission first. The worst part is that... I had been sharing stuff about that random nameless guy tapos you acted like you didn't know him at all. When in fact..." Huminto siya sa pagsasalita para huminga nang malalim. Totoong hindi ako kaagad nakagalaw dahil sa labis na gulat. "You're the one who gave him my number."

Nakita ko si Carl na naroon lang sa kaniyang upuan. Tuwing nagkakaroon ng tampuhan sa pagitan namin ni Isia, hindi niya ugaling makisawsaw dahil ayaw niyang isipin namin na mayroon siyang pinapanigan. Hindi rin siya nagsasalita.

Tingin ko... magandang bagay iyon. Mas mabuti nga na ramdam namin na walang kinakampihan kaysa mayroon.

"Sorry," iyon lang ang nasabi ko. Hindi ko naman talaga akalain na magagalit siya at ayaw niya pala na i-share ko ang number niya kay Basti.

Narinig ko ang marahas niyang singhap. "Sorry? You think that would be enough? I'm not hating you right now for sharing my number sa guy na iyon. Galit ako dahil you played innocent when you're actually not. You've been telling me the possible guy behind the words yet you already knew who it actually was. Why did you play me for a fool, Pumpkin? You fooled me!"

Mukhang ganoon na nga ang ginawa ko. Hindi ko madepensahan ang sarili ko dahil tama naman siya at magmumukha lang akong siraulo kung ipaglalaban ko ang mali. Akala ko ayos lang ang ginawa ko dahil si Isia naman ito. Hindi pala. Mali ako sa naging desisyon ko. Ang tanging inisip ko lang ay ang aking sarili at ang benefit na makukuha ko.

"Hindi ko na uulitin, Isia. Sorry na. Nagkamali ako at huwag kang mag-alala, sasabihin ko kay Basti na huwag ka nang i-message."

She pointed me. "As youu should. I'm not going to entertain his kakulitan anymore." Mataray niyang inikot ang mga mata sa akin bago padabog na bumalik sa kaniyang upuan.

Umawang ang labi ko. Ang iilang kaklase ay nakatingin sa banda kung saan ako nakatayo. Ang iba ay sinundan pa ng tingin si Isia na parang biglang naging bulkan na nag-alboroto. Marahan akong huminga nang malalim at pumunta sa puwesto ko. Sakto namang dumating ang teacher namin para sa umagang klase.

Akala ko kapag nalaman niya na si Basti ang madalas kausap, magiging ayos lang sa kaniya. Hindi ko naman in-expect na malalim pala ang inis niya sa lalaking iyon para irapan pa ako ngayon. Hanggang dulo yata ng pacific ocean inis niya kay Basti.

Tiningnan ako ni Carl nang makaupo na. Si Isia ay kumuha ng pencil sa bag at nagsimulang gumuhit ng kung ano. Maya-maya pa naman magsisimula si Mrs. Oropo dahil aayusin pa ang visual aids niya.

"Tell that Basti to stop messaging Louisiana. He won't be a good help. Ang baliw mo naman kasi. Bakit mo binigay ang number nitong isa kahit walang pahintulot niya? Pinapahamak mo ang sarili mo, Pumpkin," mahina ang pagkakasabi niya sa bawat salita.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now