Chapter 25

463 22 1
                                    

Hindi ko alam kung ilang balde ng luha ang nilabas ko sa gabing iyon. Iyak ako nang iyak habang yakap-yakap si Mama ng mahigpit. Hindi ko maipagkakaila na nangulila rin ako sa kaniya kahit paano. Kahit may galit sa puso ko, mahal ko pa rin siya pagkatapos ng lahat. Siyempre, ina ko siya at walang magbaba roon. Tipong kahit gaano man niya ako sinasaktan, sa kaniya pa rin ako uuwi.

Magdamag kaming nagyakapan. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa akin, sa mga nagawa niya, sa pagiging mahina niya. Umaagos ang luha ko habang isa-isang tinatanggap ang kanyang mga sinasabi.

Nabanggit niya na matagal na niyang tinigilan ang pagiging kabit ng iba't ibang lalaki. Simula noong pumunta siya sa school para ayusin ang gusot na ginawa ko, after naming magkasagutan sa mismong banyo ng school, nag-desisyon na siyang magbago. Matagal na niyang tinigilan ang kanyang trabaho, naghihintay na lang na tanggapin ko siyang muli at nang gabing iyon nga nangyari ang pinapangarap ni Mama. And somehow, naramdaman kong kaya ko na siyang pagbigyan pagkatapos ng lahat.

Kinwento niya sa akin na nagta-trabaho siya ngayon sa isang parlor. Nag-iipon ng pera para sa pang-college ko. Hindi ko in-expect na may plano pala si Mama na pag-aralin ako ng kolehiyo. Akala ko kasi all these years ay wala siyang pakialam sa akin. Binabayaran niya lang ang tuition fee ko sa Chowden at hanggang doon lang. Though, hindi ako tumatanggap ng pera galing sa kaniya dahil nagw-work naman ako during weekends.

Kinabukasan nga ay hindi ako nakapasok dahil mas gusto kong bumawi sa kaniya. Nagpaalam ako sa group chat namin ng mga kaibigan ko. During break time nga ay nakipag video call pa silang lahat sa akin. Magkakasama sila at ako lang ang kulang. Naroon din si Marian pero hindi niya ako kinausap. Ayos lang naman sa akin. Baka kailangan pa niya ng time, ibibigay ko naman. Kung kailan siya magiging handang kausapin ako, ayos lang sa akin.

"Sino 'yang kausap mo?" si Mama na galing sa kusina. Tapos na ang tawag. Twenty minutes lang din naman kasi ang break time sa Chowden. Isang oras naman tuwing lunch.

"Mga kaibigan ko. Pinipilit nila akong pumasok kahit half day." Tumulis ang nguso ko sa sinabi.

Nagtaas si Mama ng kilay. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko na siya ngayon ng malapitan. Maga pa rin pareho ang mata namin. Pinangako kong babawi ako sa kaniya.

"Papuntahin mo na lang sila dito mamaya. Gusto ko silang makilala, Pumpkin," malalim ang kanyang buntong hininga. "Matagal ko nang gusto. Nakikita kong masaya ka tuwing kasama sila."

Nabura ang ngiti sa labi ko. Gusto niyang makilala ang mga kaibigan ko. Handa na ba akong ipakilala sa kanila si Mama? May kaonting doubt man, alam kong deserve nila. Hindi ko na ikakahiya si Mama at dito ako unang babawi sa kaniya.

Inimporma ko kaagad sila sa bagay na iyon. Pero siyempre, hindi ko binanggit na si Mama ang nagsabi. Isa pa sa nalaman ko ay sinusubaybayan pala ako ni Mama nang hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam na pinapanood niya ako lagi mula sa malayo. Sinisigurado niya na araw-araw niyang makikita ang paglabas ko sa Chowden tuwing uwian. Maagang gumigising naman para hintayin ang pagdating ko sa school. Ginagawa niya ang mga iyon nang hindi ko nalalaman.

Kahit kasi nagpupunta siya sa Chowden dati para harapin ang teacher na nagrereklamo, hindi siya ni minsan nakilala nina Isia at Carl. Sobrang sama ko siguro kapag inamin kong ayaw kong makilala nila si Mama dahil kinakahiya ko siya.

Nagkwentuhan kami about so many things. Ang huling sinilip ni Mama ay ang folder ko na punong-puno ng mga litrato.

"Gusto mo ang pagkuha ng litrato?" mahina niyang tinanong habang hinahaplos ang isa kung saan kitang-kita ang mukha ko.

Malawak akong nakangiti roon. Nakasulat ang pangalan ni Isia sa ibaba dahil siya ang kumuha ng litratong iyon sa akin.

"Hindi ko gusto dati, Mama. Pero there's this someone na na-discover ang talent ko sa photography. Mas una pa niyang nalaman na may talento ako kaysa mismo sa akin. Niregaluhan niya ako ng camera at sinabing papasok kami sa college," tanda ko pa rin ang part na iyon. "Binigyan niya ako ng pangarap na hindi ko pa dati nadadalaw."

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now