Chapter 34

574 23 3
                                    

Masama ang loob at pagalit kong hinawi pasara ang pinto ng sasakyan pagbaba. Hindi na ako halos nakapag breakfast sa inis kay Geometry. Tuwing nakikita ko ang mukha niya ay para akong mahihimatay sa hiya at kaba, reason kung bakit masama ang loob ko ngayon. Hindi ko matanggap na nakakaramdam na ako ng mga ganoon sa kaniya. May nagbago sa akin.

Maaga ang first class ko ngayong araw. Mabuti na lang tumila na ang ulan. Hindi nag-practice si Geometry ngayon, hindi ko alam ang dahilan. Hindi na rin naman ako nagtanong dahil ayaw ko siyang makausap.

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan habang nagmamartsa ako palayo. Ilang sandali ay hinawakan na ni Geometry ang siko ko para maawat sa paglalakad.

"Sorry na, Pumpkin. Promise, I didn't do that on purpose."

Uminit ang mukha ko. Pagkatapos ng accident kiss namin kagabi ay hindi na ako nakatulog halos. Gulat at hindi ko pa alam ang dapat kong i-react noong tumakbo na si Geometry palabas, pulang-pula ang mukha siguro sa kahihiyan. Naiintindihan ko naman ang naging reaction niya.

"Okay lang, Geometry. You are forgiven. We both know naman na hindi mo iyon intensyon. Aksidente lang ang nangyari at..." Iniwan ko ang paningin. "Kalimutan natin na nangyari iyon. You know, we're friends and awkward kung iisipin natin na we... kissed."

"Are you mad?"

"Siyempre hindi, ano ka ba!"

"Are you sure?" Pinanliitan niya ako ng mata noong muli ko siyang sinulyapan. "Are you really not feeling upset?"

Mabilis akong umiling. "Hindi talaga promise."

Ngumiti siya. "Okay, then. Let's go inside."

I was trying not to feel the awkwardness between us. Hindi naman kami magkadikit habang naglalakad, pero ang takbo ng puso ko ay hindi natural. Siguro sobrang gusto ko na siya nang hindi ko namamalayan. Para bang nagising na lang ako isang araw na ayon na, malalim na ang feelings ko para sa kaniya.

Nilalabas ko ang card noong napansin ang babaeng nakatambay sa hallway. Mataas na nakatali ang buhok at tila ba walang sapat na tulog nitong nagdaang araw. Bigla akong napasulyap kay Geometry na tahimik habang inaayos ang logbook ni Kuya. Hindi yata inayos ng naunang estudyante kaya siya na ang gumawa.

"Good morning, Kuya," binati niya pa ang guard, tipid na ngumiti.

Hindi ko pinansin si Marian. Hindi ko rin sigurado kung nakita niya ba kami. Naisip ko na apektado pa rin si Geometry sa nangyari kaya baka masaktan siya kapag nakita ngayon si Marian.

"Gusto mo ng coffee?" biglang lumabas sa bibig ko.

Napatingin siya sa akin. "My class will start in a minutes."

"Oh, okay."

Noong tiningnan ang tinambayan ni Marian ay nakita kong umalis na siya kasama ang dalawang babae. Nakahinga ako ng maluwag. Mukha namang hindi niya kami nakita ni Geometry. Hindi rin siya nakita nito.

"Bakit, gusto mo ba?" Binalik niya sa akin ang tanong.

"Hindi. Malapit na rin mag-start ang first class ko."

Hindi ko masabi kay Morie ang nangyari kagabi. Hindi naman sa kailangan kong sabihin sa kaniya. Pakiramdam ko gagaan ang loob ko kapag naikwento ko sa iba ang tungkol doon. Maganda rin naman na secret na lang iyon sa pagitan naming dalawa ni Geometry.

Sa araw na iyon ay lunch break lang ang naging free time namin. Apat na oras sa isang major subject kaya pagod na pagod ang utak ko. Hindi ako nakapag advance study kagabi kaya sa recitation ay hindi ako naging sigurado sa sagot ko. Tinapik ni Morie ang balikat ko pagkaupo.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now