Chapter 30

561 24 3
                                    

Maaga akong pumasok sa sumunod na araw para manood ng practice. Araw-araw iyon sa gym. Seven-thirty ang start ng first class ko pero six pa lang ng umaga ay nasa school na ako. Pinakita ko lang sandali sa guard ang identity card ko at pinapasok ako kaagad.

"Varsity players lang ang maagang pumupuntang school, ah?" aniya.

Tipid akong ngumisi. "Manonood po ako ng drill, Kuya. Anong oras po ba usually nagsisimula?"

"Hindi ko alam. Five pa lang kasi ay nandito na ang mga iyon. Nahuhuli lang ang coach pero maaga ang players."

Sobrang agad naman ng five para sa practice nila. Sabagay, kailangan nilang mag-practice ng ganoong oras dahil may klase na ng seven, depende pa rin sa schedule ng bawat player.

Dumiretso na ako sa gym. Malayo pa lang ako ay rinig ko na ang maingay na pagkiskis ng sapatos sa sahig, talbog ng bola at malalalim na boses. Isang beses din na tumunog ng malakas ang ring na nasundan ng maingay na singhapan.

Pumasok ako sa loob. Walang ibang tao bukod sa mga taong nasa gitna ng gym, lalaking nakaupo sa bench habang ang atensyon ay nasa clipboard. Ang isa pang lalaki ay kasalukuyan namang inaayos ang mga cone na ginagamit ata bago magsimula ang laro. Sila lamang at ako.

Napunta sa akin ang atensyon ng lahat. Masyado nga namang maaga ang pagdating ko sa school. Nagkibit ako ng balikat saka nagpunta sa malapit na bench. Inayos ko ang bag bago naupo.

Nakita ko si Geometry na hinihingal. Nakakapit sa parehong tuhod habang nakatanaw sa akin. Nanliit ang mata niya, nagtataka marahil na makita ako ng ganito kaaga. Ako ang pinaka tamad manood ng basketball. Tuwing importante ang laro niya ay saka lamang ako nagpapakita. But usually wala sa laban ang atensyon ko. Tinatamad akong manood kaya tulala ako madalas sa upuan. Alam na alam ni Geometry na wala akong interest sa panonood ng pawisang mga lalaki na pabalik-balik sa loob ng court.

Natapos din kaagad pagdating ko. Mukhang kanina pa sila nagsimula. Kumuha muna ng tubig si Geometry bago ako pinuntahan. Tumayo siya sa harapan ko habang tumutulo pa ang pawis sa gilid ng noo. Basang-basa ang suot niyang white jersey.

He tapped his shoes sa sahig. "Strange to see you here. I almost thought you were a basketball basher," aniya.

Payapa akong umirap. "Hindi ako basher ng basketball. Player ang bina-bash ko dahil hindi magaling lumaro. Paano ka naging star player dati kung hindi ka naman magaling?"

Namilog ang mata niya. Binaba niya ang iniinom na tubig. "I play well, Pumpkin. You probably haven't seen me dunk the ball. Just like everyone's been telling me, I'm a very good player."

Normal lang naman kung titingnan siya ngayon. Walang bakas ng lungkot. Sobrang galing niya lang siguro talagang magtago ng nararamdaman. Deep down, sigurado akong nasasaktan pa rin siya. Aware ako kung gaano niya kamahal si Marian. Hindi enough ang three months para makalimot.

"Ang yabang mo naman, Saavedra. Hindi 'yan makakatulong para mag-improve ka."

Tumawa siya ng mahina. Sinilip ko ang mga kasama niya at lahat sila ay nawala na sa court. Alam ko may locker room sila rito. Imposibleng wala.

"It is now your obligation to watch practice every day so you can see how good I am, miss."

"Huwag kang abusado sa oras ko, Geometry. Ngayon lang ako manonood. Wala nang bukas, susunod o uulitin." Pairap kong iniwas sa kaniya ang paningin.

Kaya lang kinabukasan ay mas maaga na ako kaysa sa kahapon. Nabanggit niya na 4:30 am siya nagpupunta sa school kaya ganoong oras din ako pumunta. Madilim at malamig pagbaba ko sa taxi. Pumasok kaagad ako sa gate. Sa tapat ng guard ko nakita si Geometry. Nandito na siya!

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now