Chapter 39

700 32 1
                                    

"Hirap talaga kapag walang kalandian, 'no?" Sumipsip si Morie sa kanyang buko juice, nakakaasar na nakatingin sa akin. "Boring," dagdag niya.

Paasik na iniwas ko ang paningin saka inangat ang suot na shade papunta sa ulo. Kung alam ko lang na magiging boring ang araw na ito, sana ay hindi na lamang ako sumama at nag-stay na lang sa ospital. Mas pinili ko sanang huwag na mag-day off kung ganito lang din ang mangyayari sa akin.

Every summer naman talaga ay nagkakaroon kami ng bakasyon. Automatic na nangyayari ang ganoon. Ang pagkakaiba lang ngayon hindi namin kasama sina Carl at Geometry. Ang isa ay pumuntang Japan for business matter, ang isa naman ay nasa Bulacan.

"Tumahimik ka na lang, Morie," nasabi ko.

Palibhasa kasama niya si Alliet kaya gustong mang-asar. Ito ang unang bakasyon na kasama namin siya. Iba na ngayon dahil siyempre, sinama na siya ni Morie. Hindi katulad noon na palagi niyang tinataboy para hindi humabol. Everything has changed, and finally, they are now engaged.

Ang totoo nakakaawa si Alliet dati. Grabe naman kasi si Morie kung ipagtabuyan siya.  May pagkakataon na inaaway niya pa huwag lang maging makulit sa pagsama. Gustong-gusto ni Alliet na mapabilang sa amin, ayaw lang talaga ni Morie. Ang reason niya ay kailangan daw si Alliet sa ospital kahit ito na mismo ang nagsabi na bakasyon na niya. Buti nga nabuntis na, nakakaawa na rin si Alliet.

"Are you sad?" Hinimas niya ang tiyan.

Nasa lounger kami. Mula sa kinauupuan ay kitang-kita ko ang kalandian ng ibang kaibigan malapit sa dagat. Naglalaro sila ng volleyball. Isia and Basti, kasama ang mag-asawang Cattleya at Alvie.

"Bakit naman ako malulungkot?"

"Ikaw lang ang walang partner!" Sabay tawa ng malakas.

Gusto kong ihampas sa kaniya ang tsinelas na suot. Pasmado lagi ang bruhang ito. Alam ko naman iyon, pero kailangan ba na ipamukha pa?

"Ano naman ang pakialam ko? Naiintindihan ko naman sa busy si Geometry, hindi siya araw-araw available."

"Paano kung sa ibang bagay na pala siya busy?"

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tumalim ang tingin ko sa kaniya.

Last week pinagupitan niya ang mahabang buhok. Hanggang leeg na lamang ngayon. Bagay naman sa kaniya. Tingin ko nga ay mas lalo lamang siyang gumanda sa ganoong hair style. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit baliw sa kaniya si Alliet. Pero tuwing nakikita ko ang magandang mukha ni Morie at mabuting side ng pag-uugali, nalalaman ko rin agad ang dahilan.

Pumitik ang mata niya papikit. "Baka busy sa ibang babae."

Namilog ang mata ko kasabay ng pagtawa. Naririnig ba niya ang kanyang sarili? Kasi kung oo, sigurado na ba siya riyan?

Hinawi ko ang buhok papunta sa likod ng balikat. Ginagawa ko iyong cover sa dibdib kanina. Ngumisi ako saka dahan-dahang kinuha ang watermelon juice. "Tingin mo ba kayang gawin iyon ni Geometry? Hindi niya ako kayang lokohin. And if nangyari nga, itatanong ko sa kaniya ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa sa akin."

"Kaloka, Pumpkin, green flag lang ang nakikita ko kay Geometry. Friendly naman siya sa all pero alam mo 'yon, hindi tipong malandi." Hinilig niya ang ulo sa aking balikat. Sabay naming pinagmasdan ang mga taong naliligo sa dagat. "Sana lang ay kayo na ang nakatadhana para sa isa't isa. Ang sakit kaya kapag 'yong taong mahal na mahal mo ngayon nakatadhana pala sa iba. Tipong experience ka lang, iba ang future niya."

Hindi naman namin maaaring itanggi na may ganoon talaga sa reality. Hindi lahat ng first love ay nagiging hanggang dulo. Maaaring ang taong mahal na mahal mo ngayon ay hindi pala ang taong nakalaan para sa 'yo. Reality could be really painful. May tao kang dapat palayain dahil hindi siya ang binigay ni God sa 'yo.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now