Chapter 28

430 21 2
                                    

I celebrated my 18th birthday with the most important people in my life. Walang naganap na bonggang party, hindi naman kasi namin afford ni Mama. Almost summer na rin kaya napag-isipan namin na mag-swimming na lang. Siyempre, inimbita ko si Alec at Nectarine dahil kahit paano ay naging mabuti naman sila sa amin ni Mama.

Private resort ang pinili ni Mama. Kumuha rin siya ng malaking cottage dahil request iyon ng mga kaibigan kong hindi pumasok sa school para lang makapunta. Ako rin naman. Ayaw ko kasing i-celebrate the other day dahil hindi ko na ramdam na birthday ko talaga.

"Happy birthday, baby!" Yumakap si Morie ng sobrang higpit. "I love you always kahit madalas tayong enemy sa classroom." Sabay halik sa aking pisngi. Kadiri.

Tinulak ko siya palayo saka maarteng pinunasan ang banda kung saan niya dinampian ng halik. Pinanliitan niya ako ng mata.

"Kadiri ka. Dati ka bang hatdog?"

"Duh! Ang arte, hindi mo bagay!" Sabay irap at padabog akong iniwan para bumati kay Mama.

Pinanood ko siyang mag-inarte. Nilapag niya ang dalawang bag sa ibabaw ng sun lounger, katabi ni Isia. Bale ang hinihintay na lang ay sina Geometry at Marian. Mahuhuli si Alvie dahil isasama niya raw si Cattleya para ipakilala sa aming lahat. Nakaka-excite.

"Nasaan ang gift niyo sa akin?" Naupo ako sa lounger ni Carl. Ang bakla, nakasuot pa ng shade para nga naman feel na feel ang moment. Panay din ang kuha ng litrato.

"Later na, Pumpkin. Don't be too excited," ani Isia.

Sumimangot ako. Wala pa akong gift na natatanggap bukod kay Mama. Malapit na akong magtampo. Feeling ko kasi wala talaga silang gift for me. That's unfair.

Humiga ako sa dibdib ni Carl para makisali sa picture. Mabilis umarte ang bakla. "Huwag ka ngang umakto na parabg jowabels kita," aniya sa tonong nandidiri.

Nakita kong tumawa si Mama habang inaayos ang mga pagkain. May videoke pero hindi pa binubuksan. Hinampas ko si Carl. Kung makapag-inarte naman ay parang napaka-special niya.

"Grabe, ang haba talaga ng hair mo, Pumpkin. Look, pati si Jeron ay binati ka sa Instagram story niya. Hanep, bilib na bilib talaga ako sa ganda mo!" Nagulat ako noong hinila ni Morie ang buhok ko para maipakita sa akin ang kanyang cellphone. "Happy legality, miss," basa niya sa caption ni Jeron.

Siyempre kinilig din ako kahit paano. Instant sikat din ako sa Chowden dahil marami akong school activity na sinasalihan. Nakilala ko si Jeron noong time na naging opponent kami sa English quiz bee. Ako ang winner habang siya ay first. Actually maraming activity na naging magkalaban kami.

"Ano naman? Medyo close rin kasi kami," pagsasabi ko ng totoo. "Normal lang na batiin niya ako."

"Ang swerte mo lang talaga, iyon 'yon. Tapos ang partner mo pa noong promenade natin ay si Zen. Lahat na lang ng pogi sa 'yo na."

Malalim kong tiningnan si Morie habang natatawa. Sa totoo lang ay marami na ang nagsabi sa akin na swerte ako. Kahit nga si Carl ay nainggit noong naging partner ko si Zen. Paano, crush na crush nila ang lalaking iyon. Pero para sa akin ay wala namang espesyal sa kaniya.

Natigilan ako matapos makita ang paparating. Si Alec at Nectarine. Mabilis akong tumayo para salubungin silang dalawa. Puting hanging polo ang suot nilang dalawa at khaki short.

"Hi," maligaya kong bati.

"Happy birthday!" Yumakap kaagad si Alec, medyo feeling close. Charot. Close pala talaga kami.

"Thank you, Alec. Nasaan ang gift mo sa akin?" Iyon kaagad ang hinanap ko dahil gusto ko nang malaman ang panibagong bagay na pahahalagahan ko. "Ibigay mo na dali."

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن