Chapter 19

419 25 2
                                    

Katanghaliang tapat at bored na bored na ako sa buhay ko. Katatapos ko lang basahin ang lecture namin kanina, inaral na rin kaya wala nang magawa ngayon. As usual, busy si Carl sa pakikipag-usap sa kaniyang jowa. Pluto ang pangalan and grade eleven na pala sa ibang school. Pinakilala na sa amin ni Carl at overall, wala naman akong masabing kakaiba.

Tahimik lang naman siya noong kasama namin, siguro nahihiya at nag-a-adjust pa sa maingay naming bunganga ni Alvie. Nagsabunutan pa nga kami at siyempre, siya ang unang sumuko dahil ang kapal naman ng mukha niya kung matatalo niya ako sa sabunutan.

Nakasubsob si Isia sa librong binabasa. Addiction na niya talaga iyan. Tuwing nagsasawa, nanonood naman ng music video. Hindi ko sigurado kung sasama ba ako sa Friday. Hanggang ngayon kasi ay pinipilit pa rin nila ako ni Marian.

Kinalbit ko si Alvie na nakikipaglaro kay Dina ng snake and ladders. Nang lumingon ay kaagad kong tinusok ang kaniyang pisngi. Nagsalubong ang kilay niya.

"Sakit 'yarn," aniya, ang tinutukoy ay ang kuko kong mahaba na siguradong masakit ang pagkakatusok sa kaniyang malambot na pisngi. "Tumigil ka nga, Pumpkin."

"Bored na ako." Tipid akong ngumuso. Ang tagal kasi sobra ng teacher namin.

"Punta ka sa harapan tapos hanapin mo pake ko." Binalik niya ang atensyon kay Dina. "Ako na, 'no?"

Snake and ladders na naman ang nilalaro nila. Ang childish. Iyon lang naman kasi ang madaling laruin. Saka inuuto ni Alvie si Dina. Kung sino ang matalo, manlilibre ng delight. Oo, ganyan kakapal ang mukha niyang hayop siya.

"Alvie, tanga ka ba?" Sumilip ako sa kaniya dahil bored na bored na talaga ako sa buhay ko.

"Bakit?" tunog tinatamad niyang sagot.

"Anong bakit? Tanga ka naman talaga, hindi ka aware?"

Hinarap ako ni Alvie para kaltukan nang malakas. Nakangiwi kong sinapo ang bandang sinaktan niya. Humagikhik si Dina, nakaramdam na malapit na naman kaming magbardagulan. Tinakpan pa niya ang bibig para pigilan ang umalpas na rin namang tawa.

"Ikaw ba ang saging sa turon? Kasi mukha kang unggoy," ani Alvie para bumawi ng pang-aasar.

"Ikaw ba ang gumalaw sa baso? Kasi mukha kang aso," sabay pinaulanan ng kotong ang bunbunan niya. Kahit saan na lang tumama. Hindi naman siya masasaktan dahil matigas ang ulo niya.

"Aray!" Malakas niyang hinawakan ang palad ko para pahintuin. "Tama na, Pumpkin. Nasasaktan mo na ako. Hindi ka ba naaawa sa poging tulad ko?"

Iw! Pogi? Saan banda? May nakikita ba siyang hindi ko nakikita?

Pabuntong hininga na tumayo ako saka hinawakan sa braso si Dina. "Samahan mo na lang nga ako sa banyo."

Ayaw ko namang abalahin si Isia na nakangiting nagbabasa kaya siya na lang ang isasama ko. Sure naman ako na hindi siya magrereklamo. Sasama lang siya sa akin.

At tama naman ako. Mabilis na sumunod patayo sa akin si Dina, malawak na nakangiti. Nilapag niya sa table ang dice bago nagpaalam kay Alvie. Sumimangot naman ito.

"Ano ba, Pumpkin, kita mo nang naglalaro kami. Mamaya na 'yang tae mo. Makakapaghintay 'yan," sabi niya habang matalim ang tingin sa akin.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now