Chapter 23

487 32 6
                                    

Bawat araw na lumilipas pakiramdam ko napaka-bagal ng pag-usad. Nakikipag-usap ako sa tatlo pero hindi gaanong pinapansin si Isia. Dapat si Geometry lang ang iniiwasan ko pero nadadamay ang iba. Ramdam na ramdam ko tuloy na nai-stress si Alvie sa sitwasyon. Hindi naman siya sobrang tonta para hindi mapansin na may mali sa amin. May nangyayaring hindi niya alam.

Nagtatanong siya sa akin ngunit pinipili kong huwag magsalita. Ayaw ko na kasing mag-usap sa takot na baka maging pareho lang sila ni Isia ng view sa nangyayari sa amin ni Marian. Baka sa huli ay nasa akin na lahat ng sisi, which is ayaw ko naman mangyari dahil masakit sa puso ang ganoon.

Hindi ko naman kailangan ng kakampi. Ang tanging gusto ko lang ay iyong maiintindihan din ang kinatatayuan ko, bagay na hindi ginawa ni Isia para sa akin. Sinabi niyang naiintindihan niya ako pero during our talk, posisyon lang ni Marian ang pinaglaban niya. Nakalimutan niya ang parte ko.

"Karaoke us after class, Alvie," alam ko rin na pilit pinagagaan ni Isia ang atmosphere sa pagitan naming lahat kapag nasa classroom. Paano, dito na lang nila ako nakakasama. Halos kay Ashton ko na nilalaan ang oras ko during lunch, si Morie naman ang kasama tuwing uwian. Sinisikap kong huwag magkaroon ng bakanteng oras para sa kanila dahil alam ko namang hindi nila magugustuhan kapag nagkasama kami ni Geometry, especially when Marian is also around. "Everyone can join."

Sinusulat ko ang note sa notebook pero ang tainga ay nakikinig sa kanila. Ganoon na lang ang nagagawa ko.

"Sasama ka ba, Pumpkin?"

Gulat na tiningnan ko si Alvie, hindi inasahan na ako ang tatanungin niya. Alam ko na rin naman agad ang sagot.

"Hindi, kayo na lang. Final touches na kasi ang gagawin sa presentation namin ni Morie. Bukas na iyon, Alvie."

Pinanliitan niya ako ng mata. Maraming beses ko na siyang tinanggihan sa mga paanyaya niya. Thank God nariyan si Morie para gawin kong panangga. Totoo naman ang sinasabi ko about sa final touches ng presentation namin.

"Pass muna ako, Louisiana. Ayaw ko kasing lumabas kapag kulang tayo, hindi masaya." Prente niyang sinandal ang likod sa backrest ng sarili niyang upuan.

"We can go out without Pumpkin, Alvie," marahang sinabi ni Dina. Awtomatikong lumipat sa kaniya ang paningin ng kausap. Nagbaba siya ng tingin. "I mean she doesn't want to come and you should just respect her decision-"

"Kayo na lang kung gusto niyo. Hindi muna ako sasama."

"N-next time, then," ani Isia.

"Ano ba ang problema mo, Pumpkin?" namutawi ang boses ni Carl. Nilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng table. "Nag-iinarte ka? Gusto mo suyuin ka para sumama ka? Gusto mo importante ka? Nitong mga nakaraan pa ako naiirita sa kaartehan mo."

Gulat ko siyang tiningnan. Ako, nag-iinarte? Ako pa ang nag-iinarte samantalang ginagawa ko lang naman ang gusto nilang gawin ko. Sure ako na kasama si Geometry mamaya including Marian. Dapat ba pumayag akong sumama kahit masisira ko lang ang atmosphere?

"Kasama si Geometry mamaya, 'di ba? So, bakit ako sasama? Sinusunod ko gusto niyo, ano pa ba ang kulang? Ngayong umiiwas, nag-iinarte na ako sa paningin mo? Saan pala ako lulugar, Carl?"

Nakakatawa na sila sa totoo lang. Hindi ko maintindihan ang gusto nilang mangyari ngayon.

Nagtaas si Carl ng kilay. Hindi siya usually talakerang bakla pero nitong mga nakaraan ay mabilis siyang mawalan ng kontrol sa kanyang sarili. Hindi ko lang alam kung bakit o dahil saan.

"Ang sinabi lang ay umiwas ka sa pagiging malapit mo kay Geometry, hindi iwasan mo pati kami. Magkaiba ang dalawang iyon, Pumpkin."

Literal na akong natawa. Naririnig ba niya ang sinasabi niya? Noong una akala ko rin enough ang pagbawas ng closeness with Geometry, pero napagtanto kong hindi pala. Maybe nakalimutan ni Carl iyong mga araw na sinasabi niya pa rin sa akin na nagseselos si Marian kahit malayo na ako kay Geometry.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now