Chapter 32

545 30 3
                                    

Nagpunta ako sa malapit na computer shop para i-print ang assignment sa isang major subject. Katatapos ko lang magbayad at kasalukuyan nang binubuksan ang payong na gagawing panangga sa init noong napansin ang kulay pulang sasakyan na huminto sa gilid ng Chowden.

Hindi ko sana papansin kung hindi napansin ang babaeng bumaba mula sa passenger. May hawak na folder at nakasabit na sa likod ang bag. Bahagyang umawang ang labi ko nang sunod na makita ang lalaking bumaba naman galing sa driver's seat. Matangkad at hindi ko kilala. What surprise me more is noong lumapit sa kaniya ang babae at marahang humalik sa labi.

Gulat na inangat ko ang payong upang hindi nila mapansin, just in case. Pinanood kong umalis ang kotse, nakaawang pa rin ang labi. Saka pa lamang ako nakabawi noong nakita na naglalakad na si Marian papunta sa Chowden. Mabilis akong sumunod.

Five months simula noong naghiwalay sila ni Geometry. Medyo matagal na rin iyon at kung nakahanap na siya ng bago, labas na ako roon. Wala akong pakialam kung pinalitan na niya si Geometry.

"Marian," mahina kong tawag. Huminto siya dahil pinakita sa guard ang identity card.

Gulat niya akong nilingon. "H-hey," sa tonong hindi mapakali. Tumaas ang kilay ko sa naging reaksyon niya. Weird.

"Maluwag na ba ang schedule mo?"

"M-medyo," hindi pa rin siya mapakali.

Napansin kong napapatingin siya sa labas. Ngumiti ako at umabante. "Sama ka sa amin next time. Hindi ka na namin nakakasama. Kung hindi ka komportable kay Geometry, sasabihin ko na ngayon na hindi siya sumasama tuwing girl's day."

Bahagya siyang kumalma at kitang-kita ko iyon. Siguro ay kabado siya na baka nakita ko ang eksena niya kanina sa labas. Huwag siyang mag-alala, wala akong balak makialam sa buhay niya. Gusto ko lang na sumama naman siya sa amin paminsan-minsan. Lagi niya kasing dinadahilan na masikip pa ang kanyang schedule.

"Alright, try ko next time. Message me na lang kung kailan, Pumpkin."

Umasa ako sa sinabi niyang iyon. Ginawa ko ang schedule ng hangout naming mga babae. Siyempre, tinanong ko muna sila kung free day nila iyon. Sumagot kaagad sina Isia at Morie. Pinaalam ko kay Marian ang schedule and she said yes immediately.

Umiikot lang naman ang araw ko sa school, pag-aaral at pagtuturo kay Algebra tuwing hapon. Isang araw ay dumaan ako sa parlor ni Alec para magdala ng cookies na binili ko. Naabutan ko si Nectarine na may ginagawa sa laptop habang ang customer na babae ni Mama ay panay ang sulyap sa kaniya.

"Pa-cut ka na ng hair," hinaplos ni Alec ang mahaba ko nang buhok.

Inirapan ko siya. "Tantanan mo, Alec. The last time na pinakialaman ni Mama ang buhok ko, nagmukha akong Dora."

"Hanggang dito lang naman. Bagay iyon sa 'yo, Pumpkin. Libre na para sa 'yo."

"Ayaw ko. Next time na lang kapag napagtripan ko. Babalik ako agad sa Chowden, dinala ko lang 'to rito."

May klase pa ako ng 10:30. Hindi ko talaga planong magtagal ngayon dito. May session kami ni Algebra mamayang hapon kaya kailangan ko nang gawin ang ibang assignment ko para matutulog na lang ako pag-uwi.

"Talaga? Sumabay ka na kay Nectarine, paalis na rin ito," nasulyapan ko na naman ang ngiti ni Alec na nilalabas niya lang tuwing pinaglalapit kami ng pamangkin niyang asar talo. "May klase ka na, 'di ba?"

Tila pagod na bumuntong hininga si Nectarine. Diretso pa rin ang tingin sa laptop ngunit awtomatiko nang huminto ang daliri sa pagt-type.

"Mamaya pa, Tito," mahina niyang sinabi.

"Hindi, e. Alam ko may klase ka na. Sige na, Nessi, isabay mo na si Pumpkin."

Nessi? Iyon ba ang nickname niya? Ang cute naman. May pang-asar na naman ako sa kaniya. Pikon kasi 'yan lagi.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang