Chapter 17

447 30 0
                                    

Puro kalandian si Carl nitong mga nakaraang linggo. Minsan ay nauungusan na siya nina Morie at Julia sa klase. Hindi na masyadong focus dahil nga mayroong ibang pinagkakaabalahan. Ako na lang tuloy halos mag-isa ang nakikipag-talo sa recitation.

Nakakatunog na ako pero mas pinipiling huwag na lang munang magsalita hangga't hindi siya nagsasabi ng tungkol doon. Nagiging secretive si pabebe gay, parati pang kinikilig sa harap ng kaniyang cellphone. Kung alam niya lang na mukha siyang clown sa parteng iyon.

Nagkaroon pa nga ako ng cheerleader sa katauhan ng anak ni Satanas; Alvie. Todo cheer kapag sasagot na ako sa recitation at aaminin ko na ang sarap niyang saktan dahil nao-oa-han sa kaniya ang teacher namin.

Umagang-umaga at maingay na sa group chat namin. Kasalukuyan pa akong nagluluto ng breakfast ko habang binabasa ang mga chat nila sa Messenger. Kasali na rin si Alvie rito, si Carl ang nag-add. Simula noon ay lagi nang seen si itlog. Hindi na siya nagc-chat.

Kunwari na lang ay hindi ko alam ang dahilan. Ang sakit kasi sa ulo kung iisipin ko pa ang issue nila ni Alvie sa isa't-isa. Sa isa ay wala naman na, pero sa kaniya, mukhang hanggang ilalim ng bulkan ang inis kay Alvie.

Anak ni Satanas:

Magdadala ako ng extra sandwich para kakain tayo kapag nagutom mamaya. Ang layo naman kasi ng canteen.

Pabebe Gay:

Good decision. Ginugutom talaga ako tuwing klase na ni Ma'am Miranda. Grr.

Pabebe One:

I'm gonna bring extra juice na lang din. Any flavor? You can request dahil I have bagong set of tumbler. Ibibigay ko sa inyo kasi super cute nila.

Pabebe Gay:

Arte, may pag-flavor pang nalalaman. Kahit ano na lang sa akin, gora na.

Anak ni Sanatas:

Guava flavor akin. Tapos apple kay lods. Huwag na juice kay lodi @Geometry Saavedra. Yakult na lang para everyday okay. HAHAHAHA. Need niya 'yarn.

Ako:

Hindi siya belong @Alvie Celcedo kasi nasa ibang building 'yan.

Pabebe Boy:

You can't eat inside the classroom while the discussion is on-going.

Ako:

Hindi naman kinakain ang juice.

Nag-send ng meme si Alvie. Yakult na mayroong mukha ni Geometry. Napahalakhak talaga ako habang nagpi-prito ng itlog. Sigurado akong hindi lang ako ang natawa sa ginawa ng anak ni Satanas.

Pabebe Boy:

Do you think you're funny?

Anak ni Satanas:

Need mo yakult lodi para everyday okay ka. Ampogi mo riyan. Nag-effort akong i-edit ka. Heart reaction naman please.

Pabebe Boy:

Aren't you cyber bullying me? You are using my photo to be laughed of.

Napabuntong hininga ako. Ayan na siya!

Ako:

Delete mo na 'yong picture tapos 'wag mo nang ulitin @Alvie Celcedo

Kapag si Alvie ang nagbiro, hindi puwede. Mainit talaga ang dugo sa kaniya ni itlog. Nabawasan naman ang pagiging mayabang pero lagi naman siyang kinukulit at inaasar kaya hindi rin gumanda ang mood niya rito. Mukhang enjoy na enjoy naman si Alvie na mang-asar kay Geometry kahit halatang pikon na pikon ito sa kaniya.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now