Chapter 4

671 40 4
                                    

Confirmed, Geometry is indeed living a luxury life. Pakiramdam ko ay kumikinang sa ganda ang mataas at malawak nilang bahay. Sobrang linis at dahil hindi pa ako minsan nakaapak sa ganitong kagandang tirahan.

Para bang wala akong maipipintas sa interior design. The architect must've paid hundred percent attention sa bawat detalye ng bahay. Literal na nakanganga ako habang maingat na naglalakad sa makintab sa sahig.

Nakakatakot dumihan 'yon. Ang kapal naman ng mukha ko kung mag-iiwan ako ng alikabok, o kahit maliit na putik sa sahig.

"Ang ganda ng bahay mo," hindi ko napigilang sabihin habang namamangha pa rin.

Nilingon ako ni Geometry. Isang babaeng nakasuot ng maid uniform ang lumapit sa kaniya, may sinabi pero hindi ko masyadong naintindihan dahil focus ang atensyon sa ibang bagay. Umalis din siya agad pagkatapos.

Nagkibit balikat si Geometry nang tumingin sa akin. "This was my parent's, not mine."

Lumapit ako sa nakitang frame na nasa wall. Family portrait at mayroon din namang single. Namilog ang mata ko matapos makita ang siguradong parents ni itlog.

Tinuro ko ang babaeng seryosong nakatingin sa kumuha ng larawan. "Mother mo?" Sabay lingon sa kaniya dahil sumunod naman siya sa akin.

Bata pa roon si Geometry. Maybe ten or otherwise. Ang isa pang bata ay mas maliit sa kaniya. Nakangiti, bungi sa harapan pero maganda pa rin ang ngiti sa camera.

"Yes. This is my Dad." Itinuro niya ang isa pang lalaki.

"Obviously!" Inirapan ko siya dahil ang clear naman na father niya iyon. Wala namang ibang lalaki bukod sa kanila ng kapatid niya. Minsan stupid din itong si itlog. "Ganda ng Mommy mo, a? Tingin mo ba magugustuhan niya akong maging frennywap mo?"

Mukha kasing strict. Sa litrato ko pa lang nakikita pero kakaiba na ang hatid sa akin ng kaniyang mukha, lalo na ng mga mata niya. Para bang noong kabataan ay nagsusungit parati at walang nakakasundo.

Matalas din ang kaniyang mata katulad ng mataas niyang ilong. Ang expression niua ay very unlikely sa father ni Geometry na nakangiti. Gwapo. Puwedeng maging sugar daddy. Joke. Baka isumpa ako ni Geometry.

"She has less care of my friends, Pumpkin. She doesn't pay attention to other people, unless close to her," aniya.

Umawang ang labi ko. Kung ganoon ay masungit pala ang mother niya? Kinabahan ako bigla. Pero ang magandang katulad ko ay hindi dapat natatakot.

Mula sa mataas na hagdan ay pababa ang dalawang batang lalaki. Ang isa ay mayroong dalang iPad. Ang isa naman ay nagmamadali sa pagbaba. Iyon na marahil ang isa pang itlog.

"Kuya!" Tumalon at yumakap sa kapatid niya. Iyong isang nahuhuli ay ngumiti at nagmamadali na rin sa paglapit.

"Where did Resin bite you?"

Tinulak ko si Geometry gamit ang puwit ko. Tumalsik siya kaya ako ang pumalit sa kaniyang pwesto. Malawak kong ngitian si Algebra. "Hi, cutie! Ako nga pala si Ate Pumpkin, but you can call me Ate Pretty instead. Friendship kami nitong itlog mong kapatid. Ang gwapo mo, 'no?" Kinurot ko ang magkabila niyang pisngi. Diretsong nakatitig sa akin ang bilugan at maganda niyang mata.

Ano kayang klaseng lahi mayroon sila? Ang gwapo ng ama, puwedeng maging sugar daddy. Ang Mommy ay maganda at dalawang itlog na artistahin ang pagmumukha.

Ngumiwi si Algebra, hinawakan ang pareho kong kamay na pumipisil sa kaniyang pisngi at umingit. "Painful," aniya sa malambot na Ingles. Kasing lambot ng palad niya ang boses. Bata pa pero sobra nang mabango.

Binitiwan ko siya at tiningnan si Geometry na bumabawi pa yata sa pagkakatulak ko. Sa totoo lang kasi ay patusok ang puwit ko kaya siguradong nasaktan ang kaniyang binti, kung saan ko tinamaan.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now