Chapter 6

556 27 0
                                    

Katatapos lang ng exam namin at pakiramdam ko sumasakit ng sobra ang aking ulo. Mabigat at alam kong hindi maganda sa pakiramdam. Gusto kong sisihin si itlog at the same time gustong magpasalamat dahil talagang naipasa ko ang periodical exam. Hindi ko naiwasang isipin ang nangyari sa nagdaang buwan.

"The examination will be next month," habang nagbabasa siya ng report niya sa folder. Naghahanda na para roon dahil mamaya na raw. Tumingin siya sa akin kaya huminto ako sandali sa pagkain ng burger. "I will be tutoring the three of you." Binato kanila Carl at Isia ang paningin.

"Joke ka ba?" hindi ko napigilang maging sarkastiko. "Hirap kaya mag-study."

Gumawa ng check si Isia sa hangin, ginagalaw ang ulo. "Fact only, Daddy Jo. Studying is talagang nakakatamad at super boring pa."

Inumang ko ang palad sa kaniyang harapan. Kinuha kaagad ni Isia ang apir na gusto ko. Sabay kaming nagtawanan habang mahigpit ang kapit sa kamay ng isa't-isa.

Kinagatan ko ang burger. "Mas gusto namin maglaro ng mahjong," sinabi ko.

"Gambling is life," wika niya at nagyakapan kami. "No to study, yes to sugal."

"So, kayo lang? Kayo lang ang magkaibigan na mahilig mag-sugal sa klase? Kayo lang talaga?" si Carl na parang nagseselos at gustong maki-belong.

Sinabunutan ko siya at hinila palapit sa amin ni Isia. Nagselos pa ang pabebe gay. Sarap din suntukin sa bituka.

Kumurap-kurap si Isia kay Geometry. "Sorry, but we don't really like studying, Daddy Jo."

Nakatitig sa amin si pabebe boy na para bang nawe-weirduhan na siya at napapatanong sa sarili kung paano siya napabilang sa amin. Dahil seryoso, madalas siyang nahuhuli sa usapan at parang out of the world lagi.

Lumapit ako sa kaniya at umakbay. "Ikaw na lang ang mag-aral mag-isa mo. Kaya mo na iyan, pabebe boy. Nandito lang kami para suportahan ka." Tinapik ko ang kaniyang balikat at mabilis na kinuha ang burger para sumibat.

"Go, fafa Geometry. You can do that alone, hindi mo na kami need. Tutor yourself, okay? Babush!"

Kaya lang hindi naging nice sa amin si itlog kinabukasan. Tumakas pa kami sa first class namin noong umaga para manood ng practice game ng Sherlan against the other team from other school. Kami lang ang naroon bukod sa mga players. May dalang confetti si Carl dahil sure na raw siya na ang team namin ang mananalo.

O, 'di ba? Lakas ng confidence niya!

"Go, Geometry!" sabay pa na nag-cheer ang dalawa habang ako ay kay Salatiel nakatingin. Focus sa goal. 

Ang guwapo niya talaga tuwing jersey lang ang suot. Matangkad at moreno, hindi katulad ni itlog na mas flawless at milky skin pa kaysa sa aming tatlo nina Carl at Isia. Para talaga siyang babae dahil kaunting kurot lang din sa kaniya ay magkakaroon na ng red marks ang balat after a couple of minutes.

"Salatiel," tila nangangarap kong sinapo ang magkabilang pisngi ko. Deserve niyang maging kapitan dahil magaling siya at napapasunod lahat ng players. "Marry me, Salatiel."

"Gaga!" Binatukan ako ni Carl. "Landi nito, gusto pa ng basketball player. Hindi ka papatulan niyan ni Salatiel kaya huwag ka nang mangarap."

Sinamaan ko siya ng tingin. Bubukas pa lang ang bibig ko nang bigla naman siyang sinampal ni Isia. Nasapo ko ang bibig para pigilan ang halakhak.

"Don't you trust Pumpkin's ganda, Carla? Pretty naman ang kaibigan natin kaya I can see that she has a big chance kay Salatiel. Let's not just talk about her brain kasi wala naman siya noon."

"Isia!" Naiirita kong hinila ang kaniyang buhok. "Need mo ba talaga na ipamukha na wala akong utak? Alam ko naman iyon pero maging considerate ka. Ganito, 'sobrang ganda ni Pumpkin pero 'yong brain niya, let's not mention na lang'." Ginaya ko pa talaga ang way ng kaniyang pananalita at kaartehan.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now