Chapter 11

464 28 3
                                    

Hindi ako nagsumbong kay itlog sa ginawa ni Salatiel. Sinusuntok ko na lang siya sa isipan ko tuwing naaalala ang ginawa niyang walang hustisya. Nagkita kami isang araw sa school. Nakasimangot siya habang naglalakad pero matapos makita na matalim ang binabato kong tingin sa kaniya, awtomatikong kumurba ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. Sumaludo at kumindat, pinaikot pa ang dila sa labi.

Aaminin ko na mukha talaga siyang manyak tuwing ginagawa niya iyon. No, scratch that, manyak na pala talaga siyang peste siyang animal siya. Gigil na gigil ako sa pagmumukha niyang hindot siya!

Napapailing na lang ako kapag naaalala na naging crush ko siya dati. Gusto ko pang ilakad ako ni itlog sa kaniya. Nagpabulag ako sa mukha niya. Iyon naman pala ay hindi siya dapat pumasa sa taste ko. Baka kung naging kalandian ko pa siya, hindi lang halik ang gawin niya sa akin. Naiisip ko pa lang na hahawakan niya ako sa iba't-ibang parte ng katawan ko ay talagang nandidiri na ako.

"Virgin pa kaya si Salatiel?" tinanong iyon ni Carl matapos namin siyang makita na may kasamang babae, papasok ng canteen habang nakaakbay pa ang walanghiya.

"Hindi na. Obvious na ang sagot diyan dahil kahit sino naman yata ay pinapatos niya. Basta may butas, pasok agad," nasabi ko. Babaero naman siya talaga, bakit ko ba nagustuhan? Kadiri.

"Very opposite of Daddy Jo. He was very nice and soft. I don't think he would touch a girl without permission." Nagtaas nang kilay si Isia. "I really dislike Salatiel kasi mahilig siyang magpaasa ng girls. He doesn't deserve heaven, hell for sure."

Napapaisip tuloy ako kung darating kaya iyong time na may babae siyang seseryosohin? Parang napaka-imposibleng bagay naman niyon. At kung mangyari man, sana ay iparamdam nito kay Salatiel na hindi lahat ay gusto siya.

"Don't compare fafa Geometry to someone else. He is different from everyone at sa totoo lang, I really love him," sumabak na naman si Carl sa kalandian niya.

Umirap ako sa hangin. "Tina-trato niya tayo bilang kaibigan, Carl. Huwag mo ngang isingit ang kaharutan mo. Nakaka-stress mga pinagsasabi mo."

Sumagot pa siya pero hindi ko na pinansin. Nag-aral akong muli, binabasa ang notes na sinulat kahapon para sa discussion ngayong araw. Kung katulad pa rin ako ng iniwan kong Pumpkin, hindi ako mag-aabala na magbasa ngayon. Tinatamad na ako panigurado tapos wala pang sulat.

Pero dahil change life na, nag-aaral akong mabuti. Nangako si itlog na kapag nakasali kaming tatlo sa honor list 'til last quarter, pagbibigyan niya lahat ng gusto namin. Nag-iipon na nga siya kaya pinipigilan na maging magastos.

Hindi ko rin naman masyadong sineryoso ang kamanyakan ni Salatiel. Nakalimutan ko rin eventually at hindi siya pinapansin kapag nagsasalubong ang landas naming dalawa. Wala akong pakialam sa kaniya, kahit pa iuntog niya ang ulo niya sa sahig.

Dumating ang Chowden's day. Hindi ako sumali sa booth dahil tiring iyon at ma-trabaho. Dinaanan ako ni Isia sa apartment ko para sabay kaming pupunta sa school. Denim overall ang suot ko. Puting tee for inner at sneakers sa ibaba. Nag-usap kami na iyong binigay ni itlog na sapatos ang isusuot namin para pare-pareho kami.

Magandang-maganda si Isia sa kaniyang culottes jumpsuit. Pareho kaming maganda, lalo na noong tinirintas ko ang mahaba niyang buhok at ganoon din ang ginawa niya sa akin.

"Picture-an mo kami, itlog!" Iyon kaagad ang sinabi ko pagdating sa school. Maraming tao dahil kahit sino ay puwedeng magpunta ngayon dito.

Halos mapuno na ang gallery ni Isia sa litrato naming dalawa kanina kaya ngayon ay iyong kay itlog naman ang pupunuin namin. Wala pa si Carl. Nagmamaganda na naman iyon kaya feeling special ang pagdating.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now