Chapter 13

445 28 0
                                    

May klase pa si Marian kaya kailangan namin maghintay sa sentro. Ililibre kami ni itlog sa bagong bukas na doughnut shop malapit lang dito sa Chowden. Si Isia ang nag-aya at dahil crush ni Geometry si Marian, sinabi kong isama na. Hindi pinansin ni Carl dahil obviously moved on na siya sa nangyari last week.

Katabi ko si Isia sa upuan. Nasa ibaba sina Carl at itlog habang nakapatong ang dalawa kong paa sa kaniyang likuran. Nakatalikod naman siya sa akin kaya ayos lang, hindi masisilipan. Hindi rin naman siya 'yong tipong manyakis. Good boy ang Geometry na iyan.

"Ako naman muna ang gagamit kay Beatrix." Nakanguso kong sinabi habang naghihintay sa mga players na makakalaban namin. "Pakitaan ko kayo ng malupitang savage."

Completed na ang team namin. Need na lang mag-enter ng dalawa para makapasok na kami. Binubuhat kami ni itlog sa larong Mobile Legends. Actually kaming dalawa lang ni Isia dahil malakas na rin naman si Carl, smurf account na lang ang gamit ngayon katulad ni Geometry.

"Miya's mine." Kumindat si Isia at nagpa-cute at muntik akong ma-cringe. "I'll master her soon."

Ibinaba ko ang mga paa para silipin si itlog sa aking harapan. Pinatong ko ang baba ko sa kaniyang balikat. "Sinong hero ang gagamitin mo?"

"Chou," tipid niyang sinabi at sinulyapan si Carl sa tabi niya. Halos wala naman itong reaksyon. "Use Chang'e as your hero, Carl."

Nag-inarte si Carl. "Switch tayo, fafa Geometry. I don't know how to use Chang'e. Akin na lang si Chou."

"Okay," walang nagawa si itlog, hindi rin naman siya mukhang galit sa pakikipagpalit ng hero kay Carl. Matagal na siyang player kaya magaling na. Kahit sino yatang gamitin niya ay ayos lang. Marunong siya mag-adjust.

"Rank ba ito?" Parang lumilipad na lang palagi ang utak ni Isia.

Sinapok ko nga para matauhan. "Boba ka. Kanina pa sinabing oo, 'di ba?" Nauubusan na agad ako ng pasensiya sa kaniya. Ang kulit niya kasi, lutang ang isip.

Mabilis akong nilingon ni itlog. Nai-zipper ko ang bibig ng wala sa oras. Hindi nga pala pu-puwedeng magmura at magsalita ng hindi maganda kapag kasama siya. Ewan ko kung kailan nag-start, pero namalayan ko na lang na bad words are not allowed na raw.

"Don't say that again," mahina at mababa ang boses niyang sita sa akin.  Napanguso lang ako dahil ako na naman ang masama.

Tumawa si Isia at hinawi ang kaniyang malagong buhok. Bahagya pa siyang bumaba para idikit kay itlog ang pisngi. "Thanks for defending me, Daddy Jo."

Sinamaan ko siya nang tingin. Assuming! Hindi naman siya pinagtanggol ni itlog. Pinagsabihan lang niya ako! Pero kung saan masaya si Isia, roon lang din ako. Sino ba naman ako para pumalag pa, e, gusto niya iyan.

"Sure ako na wala kayong mapapatay na kalaban kaya mag-push na lang kayo ng tore." Umirap si Carl sa aming dalawa ni Isia. Sa sunod-sunod na laban magmula pa noong nakaraan, puro kami ni Isia ang napapatay. Malakas silang bumuhat ni itlog kaya nagkakaroon pa rin ng star kahit tonta kami maglaro. "Nakasalalay star ko rito."

"Arte mo. Parang star lang 'yan."

"It's not easy to get a star, Pumpkin. If you want your rank to get higher, you have to be brave yourself because at the end of the day, you can't always depend on your teammates."

Hindi ko pinansin. Naaya lang naman nila akong maglaro nito kaya ako sumasali ngayon, kahit nitong mga nakaraan. Sinabi ni Geometry na bubuhatin niya kaming dalawa ni Isia. Saktong turok pala si Carl sa larong ito, ayon naging dalawa silang tagabuhat namin.

Desisyon naman nila iyan, walang pumilit sa kanila at nag-death threat. Hindi ako marunong maglaro at nag-aaral pa rin. Hindi naman puwedeng magaling agad ako.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now