Chapter 3

817 35 2
                                    

Kinikilayan ko si Ericka nang dumating si Geometry sa shed. Nilapag niya sa ibabaw ang plastic bag na siguradong naglalaman ng lunch. Pagkatapos noon ay naupo sa tabi ko at nagsimulang panoorin ang ginagawa ko sa kaklase na handang magbayad mapaganda ko lang ang kanyang kilay.

"What are you doing?" lagi talagang curious ang taong ito.

"Fixing her kilay para lalo siyang gumanda," sinabi ko. "Huwag kang malikot," nang nawala si Ericka sa focus dahil sa presensya ng dumating. "Magmumukha kang jejemon kung hindi ka aayos."

Kinuha ko ang cotton buds na nasa kit para sana burahin ang kumalat. Hinampas ko pa ang kamay ni Geometry nang nakita na ang eyeliner ko ay pinapaikot niya sa kaniyang palad. Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan na lang talaga siya.

"Won't that be done?" he asked, staring at me. "I'm already starving."

"Matatapos na ito. Kung gusto mo, umalis ka na para makakain sa canteen," hindi na nag-alala dahil dinalahan na rin naman niya ako ng lunch.

Mabait si Geometry. Sa totoo lang, ang sama ko dahil inaabuso ko iyon. Pero aware naman siya, hindi naman nagrereklamo. Tatlong buwan pa lang simula noong naging friendship kami tapos niregaluhan na niya ako at ang dalawa ko pang kaibigan ng closed shoes.

Tuwing physical education ang subject namin ay iyon ang sinusuot namin tatlo. Grabehan maging frennywap si Geometry, namimigay ng branded shoes! Impressive.

"That's too thick," hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Why kilay is so important to you? With or without, you're still beautiful,” aniya kay Ericka.

Umirap ako sa hangin. Balak pa yata ng isang ito na sirain ang katatayo ko pa lang na negosyo. Sasaksakin ko siya ng eyeliner kapag hindi na nagpakilay sa akin si Ericka. Mamaya ay maniwala na maganda siya with or without kilay.

"Tumahimik ka nga! Wala kang alam sa aming mga babae kaya itikom mo ang bunganga mo, Geometry."

He shrugged and put his palm under his chin. "I'm serious, Pumpkin. We, guys, are very much aware which one to consider beautiful and whoever we shouldn't. She doesn't need to draw out her eyebrows-"

"Tumahimik ka sinabi. Kakagatin ko ulo mo kapag hindi ka nanahimik diyan, itlog ka."

Tumawa siya at bahagyang tinulak ang noo ko. "Are you a dog?"

Hinarap ko kay Ericka ang salamin noong natapos na ako. Pagkakataon ko naman iyon para sapakin si Geometry. Mukha tuloy hindi masaya ang customer ko. Nagdalawang isip na yatang magpakilay pagkatapos ng sinabi ng itlog sa tabi ko.

"Mas bagay sa 'yo kapag defined ang kilay mo. Masyado kasi siyang manipis kanina tapos hindi pa maganda kaya kinailangan kong ahitan 'yong mga wala sa linya," sinabi ko para kahit paano ay mabalik ang kagustuhan niyang tangkilin muli ang aking serbisyo. "Gumanda ka lalo, Ericka."

"Really?" Habang kinakapa ang sariling kilay.

"You are already beautiful with-" Hinampas ko ang batok ni egg bago pa matapos ang gagawing paninira sa negosyo ko. "Ouch!"

Inambahan ko siya ng suntok. "Tumahimik ka na, Geometry. Naiinis na ako sa 'yo.”

Nakangiwing tumayo si Ericka. Humugot siya ng pera sa malaking wallet at inabutan ako ng one hundred. Ngumisi ako sa kaniya bago pinasok sa loob ng makeup pouch ang pera. Five hundred na agad ang kinikita ko hindi pa man natatapos ang araw.

"Thank you, Pumpkin," nasa tono ang pag-aalala. Naging apektado marahil sa sinabi ni Geometry.

Nang umalis ay saka ko lang hinarap ng maayos si itlog. Halos matawa ako nang makitang binabalot na niya ng palad ang batok, pino-protektahan laban sa akin. Ang ulo naman ay tinatakpan gamit ang dalang laptop.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon