Chapter 15

470 26 0
                                    

Sinusubukan ko naman maging seryoso sa buhay ko pero hindi ko rin minsan mapigilan na gumawa ng kalokohan sa school. Iyon siguro ang hinding-hindi ko mababago. Pero unlike before, light na lang ang ginagawa ko ngayon. Hindi na kami nag-cutting ulit dahil baka magtampo na naman si itlog kapag ginawa naming tatlo iyon.

He was so mature tuwing kasama namin si Marian, girlfriend niya. Light talker at soft spoken pa rin pero ibang-iba ang aura ng Kuya mo Geometry kapag nariyan ang kanyang jowa. Pero kapag wala, goodness, para na naman akong nakakita ng makapit na pusa. Isip-bata at malambot.

Hindi naman kami nagkahiwalay tatlo. Nasa same section pa rin kami pero ngayon ay nasa top na. Iyon lang ang naiba, unlike before na nasa lower kami at minamaliit ng ibang estudyante. Sarap sampalin ng medal at certificate of recognition ng mga nang-judge sa amin noon. Ngayong nasa top section na kaming tatlo, kasama ang mga estudyanteng nang-maliit sa amin dati, gusto naming magpasikat bigla.

Tuwing recitation nagpapasiklab kami ni Carl. Nahihiya lang si Isia minsan pero kapag binabatukan ko at sinasabihan na ihahagis sa bangin kapag hindi gumaya sa amin ni Carl, kataka-taka na nagkakaroon siya bigla ng lakas ng loob. Sa huli, almost three weeks pa lang simula noong nag-start ang school year pero maganda na ang imahe naming tatlo. Walang iwanan, hindi namin pinababayaan ang isa't isa.

"Highest si Pumpkin," anunsyo ng class president matapos nilang i-check ang quiz namin kanina. Siya ang naka-toka para roon. Sandali niya akong binalingan ng tingin pero walang kangiti-ngiti sa mukha. "Congrats."

"Thanks, President." Nakangisi kong tinanggap ang papel ko.

Ang mata nina Julia at Morie ay nanlilisik sa amin. Paano, kaming dalawa ni Carl ang nangunguna. Highest ako sa score na forty-nine. He got forty-eight habang ang dalawang inggitera ay forty-five lang. Naliligaw yata ang utak ni Isia kaya forty-three ang nakuha. Mataas na rin naman iyon para sa akin.

"Baka naman nangodigo," dinig kong sinabi ni Julia mula sa unahang parte ng mga upuan. Doon kasi siya nakaupo. "Imposible na makakuha ng perfect score ang taong galing sa mababang section."

Nagkatinginan kami ni Carl. Walang pakialam si Isia dahil nagbabasa ng libro. Bagong bili niya lang iyon. International ang writer at base sa alam ko, limited edition ang book kaya importante sa kaniya na magkaroon ng sarili niyang copy.

"Baka hindi mo lang matanggap na ang katulad kong galing sa mababang section ay nauungusan ka na ngayon? Kapag inggit, pikit. Huwag nang magmulat kung hindi kayang makita ang pagiging mas magaling ko kaysa sa 'yo," prente ko iyong sinagot dahil gusto ko lang mang-asar.

Simula kasi noong naging kaklase ko sila, naging mas mataas ang hangarin ko na lagpasan ang dating ako. Kung last school year ay hindi ako ganoon ka-competitive, ngayon gusto kong ipa-mukha sa kanila na nagkamali sila ng minaliit noon. Kapag nasa lower section ka, awtomatikong bobo ang first impression sa 'yo ng ibang estudyante.

Naranasan ko talaga 'yong pinagtatawanan kami tuwing mayroong program sa school tapos wala na kaming space sa mga benches, so kailangan namin na maupo na lang sa sahig para hindi makaabala sa ibang estudyante kung tatayo kami. Ang baba ng tingin sa 'yo kapag nasa lower section ka at nangyayari ang ganoon sa Chowden. Nakaka-insulto lang.

"Pumpkin, you were just lucky today that you've defeated me. Next time, I won't let you have the spot that certainly belong to me," said Morie na nakaangat ang kilay. "Mas magaling pa rin ako sa 'yo."

Umirap ako sa kawalan. Wala talaga kaming kakampi sa classroom na ito. Magka-kaklase na sila simula first year kaya magkakadikit na halos ang bituka. Tingin nila sa amin ay outsiders na naligaw, walang space para sa room na ito. Ngayon nga ay halos lahat sila nakatingin sa banda namin. Ang president naman ay walang pakialam.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن