BFTP 7

96K 1.6K 20
                                    

Alam kong haggard na ang pagmumukha ko ngayon at mukhang mas matindi pa ang itsura ko mamaya kung hindi pa ako mag-aayos ngayon. Kaya dumaan muna ako sa cr para magretouch ng kaunti.

Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ni Maxine para sabihin na hinihintay na ako ni Dave sa taas nitong building.

Para namang nasayang ang pag-aayos ko dahil pagkadating ko dito ay pababa pa lamang ang helicopter at tuluyan na nga nilipad ng hangin ang buhok ko. Agad ko naman itong hinawakan upang hindi na magulo ng tuluyan. Kinuha ng isang lalaki ang mga bitbit kong kakailanganin ng magaling na boss. Sinusundan ko ng tingin ang lalaki nang biglang may lumapit sa akin na isa pa at inalalayan na akong makaakyat at makapasok.

Pagkaupo ko ay muli akong tumingin sa labas habang kinakabit ng lalaking umalalay sa akin ang seat belt. Hinahanap ko kasi si Dav- I mean Sir. Ano ba ito dapat masanay na akong Sir ang tawag sa kanya baka kapag nag usap kami ay bigla ko na lang siyang matawag sa pangalan niya. Nawala naman ang tingin ko sa labas nang may kumuha ng atensyon ko. Isang lalaki at iniaabot lang pala sa akin ang mga bitbit ko kanina.

Pakiramdam ko naman ay may kanina pang nakatingin sa akin. Iginala ko agad ang aking mga mata sa loob ng helicopter at hindi nga ako nagkakamali nang mapatingin ako sa harapan. Si 'Sir Villarueva' ay nakatitig sa akin. He's sitting beside the pilot. Agad naman siyang nag iwas ng tingin at nagsalita.

"Did you bring everything I need?"

"Yes, Sir" sagot ko naman.

Buong byahe ay tahimik lamang. Alangang iexpect ko pang makipagkuwentuhan sa akin ang boss ko. Actually, hindi ako mapakali dahil takot ako sa matataas. Halos hindi ako makasilip sa bintana o makatingin man sa harap dahil pakiramdam ko ay mahuhulog na ako. Panay naman ang pagtingin ni Dave sa akin. Alam niya naman kasing takot ako sa mataas pero ako pa din ang isinama. Wala ba talaga syang pake kung biglaan akong mawalan ng malay?

Napapikit na ako ng madiin dahil feeling ko talaga ano mang oras ay mahihimatay na ako. Bigla naman sya nagsalita. Siguro ay napansin niya ang itsura ko sa kakalingon ba naman niya.

"Are you fine?" bakas sa tono ng kanyang pananalita ang pag-aalala pero mas pinangibabaw niya ang pagkaformal nito.

Napamulat naman kaagad ako.

"Ahh. O-opo Sir." ayoko naman magmukhang ewan na para bang may magagawa naman kami kung sabihin kong 'Oo'

"No, you're not." madiin niyang saad. See? alam naman pala niya. Nagtanong pa!

"I'm really fi-"

"Don't worry. Malapit na tayo." pinal nyang pagkasabi.

Ideny ko pa sana kaso di nya na ako pinatapos magsalita kaya nanahimik na lamang ako.

Pagkalapag ng helicopter sa isang malawak na lote ay nauna na syang bumaba. Inalalayan naman ako ng isang lalaki na mukhang nag abang sa pagdating namin. Nang tuluyan na ako nakalabas ay may nag assist sa akin na babae papasok sa kotse. Nakita kong nauna nang umalis ang isang kotseng sinakyan ni 'Sir Villarueva'

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isang resort. And I can say that this place is one of the best. Pagpasok ko pa lang ay isang magandang view agad ang sumalubong sa akin. May mga pool, kaunti lang ang mga tao. Mukhang mayayaman nga lang ang makakapunta dito. Ang pinakanakaagaw ng atensyon ko ay ang dalampasigan. I really admire this beautiful place. It feels like nasa paradise ako. How I wish I could stay here forever.

Muling lumapit sa akin ang babaeng kasama ko kanina. Umalis kasi sya sandali para kuhanin ang susi ng tutuluyan kong room. Hinatid nya na ako sa magiging kuwarto ko. Bago siya lumabas ay hindi ko na napigilang magtanong.

"Excuse me, Miss. Where is Mr. Villarueva?"

"He's in the next room po. Anyway, I'll go ahead Ma'am. If you need anything you can call me." at tuluyan na nga syang umalis.

I look at my watch, 2:12 pm pa lang and mamaya pang 4 ang meeting. Guess, I'll just take some rest first.

Nakapagpahinga lang ako ng 30 minutes. Nakatayo ako ngayon sa veranda nitong kuwarto ko at ang ganda ng view mula dito. Napaisip tuloy ako kung nakita na din kaya nya ito. Napalingon agad ako sa kabilang veranda at nakita ko siyang nakaupo doon. Mukhang malalim ang iniisip. Napaatras ako ng bahagya para hindi niya ko makita. Ano kayang iniisip nya?

Pumasok na ako sa loob nang may kumatok sa pinto. Hinatid lamang ang mirienda. Hindi muna ako kumain dahil mas gusto ko muna magquick shower ngayon.

3:45 pm na at nakahanda na ako. May kumatok na namang muli at agad ko itong pinagbuksan.

"Ma'am inaantay na po kayo ni Mr. Villarueva." bungad ng babaeng naghatid sa akin dito.

"Okay." pumasok muna ako saglit para kuhanin ang gamit ko at sumunod na sa kanya.

Sa hindi kalayuan ay nakikita ko na si Dave. Paglapit namin ay umalis na ang babae at sakto namang bumukas ang elevator. Katahimikan lamang ang namamayani ngayon. Nakatayo lang siya ng diretso sa harap ko. Nakayuko ako at hindi na muna ako lumingon sa kanya dahil salamin itong elevator, baka mahuli nya akong nakatingin sa kanya.

"We're staying here for 3 days." pagbasag nya sa kayahimikan.

"W-what? But I didn't bri-" bakit ba hindi nya ko lagi pinapatapos sa mga sasabihin ko?!

"May inutusan na akong bumili ng mga damit at iba pa para sa'yo. I'm sure pagbalik mo nasa kwarto mo na ang mga yon."

Tumango na lamang ako. What the heck? Bakit di ko man lang alam?

Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na muna kami sa kanya kanyang room upang magpalit. Tonight, we'll have dinner together.

Perfect. the only word I can use for now to describe everything here. Nasa tapat kami ng dagat. May candles din sa paligid. Napakaromantic ng lugar na ito. May iilan ding naghahapunan sa di kalayuan. Nasa buhanginang parte kami. Kung nasa ibang pagkakataon ay iisipin kong nagdadate kami ngayon kaso nga lang ay hindi.

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now