BFTP 39

62.8K 864 15
                                    

8 missed calls? 6 from Dave and two from Tam, she also texted me.

From: Tammy ( 10:30 am )
Friendship, hindi ko naman know na aabsent ka. Hinanap ka sakin ni Sir, baka pupunta sya dyan mamaya. Ingats :*

Huh? Baka pumunta sya? Tumayo na agad ako at nagmadaling maglakad. Kelangan ko na makauwi, mag-aalasyete na.

Pagkauwi ko ay nadatnan kong nakaupo at seryosong nag-uusap sila Dave at Tamara. May kaunting ilangan pa nga. Para akong natigilan, baka isipin nyang nagsisinungaling ako.

Tumayo agad si Joyance " Friendship, nag-alala ako sayo. Saan ka ba galing? " Sumunod na din sa pagtayo si Dave, seryoso ang mga titig nya sakin. Napaawang ng bahagya ang labi ko, hindi ko alam ang sasabihin.

" Ayy, kanina pa pala dito si Sir. Nauna pa nga sa akin. Nag-aalala nga din. " hinawakan nya ang batok nya. " Hehe. Si-sige, iwan ko muna kayo. Talk to you later. " at yumuko pa sya habang umeexit.

Para kaming estatwa ni Dave, nakatayo lang kami. Ramdam kong binibigyan nya ako ng matatalim na tingin kahit wala sa kanya ang atensyon ko.

Di ko alam kung dapat bang mauna na akong magsalita. A-anong idadahilan ko nito?

" You told me na hindi ka papasok because you're going to pack up some of your things. I never thought na magsisinungaling ka. " yung boses nya parang malamig na nakakatakot. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.

Sinubukan kong magsalita pero hindi ko kaya. Napapalunok na lang ako ng ilang beses. Humakbang sya ng ilang kaunti palapit sa akin.

Mag-isip ka Kayla!

" D-dave, an-ano kasi.. " sabihin ko kayang nag-ayos naman talaga ako kaso nung pumunta sya umalis na ko?

" Simula kaninang umaga wala ka na. " paano nya nalaman? Nanginginig na ang mga kalamnan ko.

" Don't you dare lie to me. Tinanong ko si Manang. Now tell me your reason, Kayla! " para syang nangigigil sa pagpipigil ng galit.

Buti na lang hindi ko agad sinabi ung naisip ko kanina kung hindi mas magagalit sya sakin dahil nagsisinungaling na nga ako.

" Dave, a-ano kasi.. " dahan dahan na akong lumilingon sa kanya. Kailangan kong magpanggap na totoo nga ang mga sasabihin ko. Kaya ko ito.

" Dumating yung kaibigan ko from States. I wasn't able to inform you and Tam kasi low bat na talaga ako. I'm really sorry kung hindi agad ako nakapagsabi, medyo naexcite din kasi akong imeet sya kaya nagmadali na ako. " Thank gosh nasabi ko ng hindi nauutal at nakatingin ng diretso sa mga mata nya.

Pinagmamasdan nya lang ako. Wala pa ding nagbabago sa reaksyon nya. Tinatansya nya kung totoo ang mga sinasabi ko.

" Who's that friend? " pinagpapawisan na ata ako ng malamig. Anong isasagot ko?

" Huh? A-ahm, si Harper.. actually kaklase ko sya nung high school tapos nagmeet kami ulit sa States. " dagdag pa sa kasinungalingan! Sorry, Dave.. I love you but I really need to lie. This are only white lies, love.

Tinitignan ko lang din sya. Wala talaga akong makita na kahit anong ekspresyon. It's quite hard to know his real reaction about this.

I moved closer to him. I think I should really be the one to approach him. My fault.

" Love, I'm really sorry.. hindi ko naman gustong pag-alalahanin ka. " hinawakan ko sya sa maskulado nyang braso. I feel so sorry for him. How I wish masabi ko na lang lahat.

Ganun pa din ang itsura nya. Bahagya nga akong nagulat ng hawakan nya ang pisngi ko. Mukhang alam ko na ang susunod nyang gagawin pero teka naman baka may makaki..

At ginawa nya na nga. Hindi ko alam pero iba ang dating ng halik nya sa akin. Parang nakakalasing. Nalulunod ako sa paghalik nya. Masyado kaming sabik na sabik sa isa't isa, kahit na isang araw pa lang kami na hindi nagkikita.

Nabigla ako ng putulin nya iyon, parang gusto kong habulin ang labi nyang inilayo sa akin. Tinignan nya ako ng mabuti. Mata sa mata.

" Next time, tell me everything. Everything, Kayla. Understand? " Sana nga..

Tumango ako. Naramdaman ko ang pagngisi nya nang ako na ang humalik ulit sa kanya.

Medyo nakahinga na ako ng maluwag nang umalis si Dave na maayos kami pero mabigat pa din sa pakiramdam ko ang ginawa ko. Hangga't hindi pa sigurado, wala na syang dapat malaman pa.

" Hey, oh ano? Tapos ka na mag-explain sa boyfriend mo. Ako naman! Dali. I need an explanation. I need an acceprable reason. " napairap naman ako, baliw!

Sinabayan nya na ako sa paglalakad habang naglalakad paakyat sa hagdan.

Kinuwento ko din sa kanya katulad ng mga sinabi ko kay Dave. Mas matindi nga ito dahil mas madami ang tanong nya buti na nga lang ay agad kong nalulusutan.

---

Short UD. Sensya naman
Yaaan na!!! Magfo40 na!!!
ILANG CHAPTERS NA LANG..
HAPPY OR TRAGIC!?

P.S. Nasa Pinas na ko ;)

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now