BFTP 4

102K 1.8K 17
                                    

Malapit na ang lunch break kaya pumunta na muna ako sa comfort room. Ofcourse, I have to fix myself, kailangan ko rin naman maging kaaya aya kahit papaano. Habang naglalagay ako ng lipstick ay saglit akong napatitig sa repleksyon ko sa salamin. Bakit ba ganito na lang ang kabang nararamdaman ko? Is there something wrong that'll happen? I've got no any idea, basta kinakabahan lang ako ng ganito.

Pagkabalik ko sa desk ay nagchichismisan pa din sila Tamara, Jack at Lea. First day pa lang ganyan na sila kaclick sa isa't isa pano pa kaya kapag ilang linggo na? Malamang matindi pa dito ang kadaldalan nila. Ang tindi nila parang wala na atang balak tumayo. Sa bagay, mukhang wala naman nang ginagawa ang dalawa at si Tam naman ay kanina pa nakapag-ayos dahil naexcite ata nung sinabi nila Jack na gwapo, macho, matalino, mayaman, hot na hot na hot daw ang boss namin. Teka, hindi ako ang OA magdescribe dito, sadyang iyon lang talaga ang description ni Jack sa aming CEO. At dahil nga doon ay nagkolorete ng matindi ang magaling kong kaibigan.

Hinila ko ang upuan ko at pumwesto sa tabi nila. Wala ako masyadong interes sa pinag-uusapan nila kaya kinalikot ko na lamang ang phone ko. Napanguso ako nang makitang full memory na ito. Nagpunta agad ako sa gallery upang pumili ng mabubura. Scroll down, delete, scroll down, delete. Puro selfie pala ni Tam ang nandito. Ang hilig talagang mangielam ng phone nun. Medyo nalibang na din ako habang nagbubura, malapit na ako sa hulian. Tinitignan ko na din ang ilan sa mga pictures ko and memories are flashing back until one pic catches my attention.

Nakasave pa din pala sa memory card ang picture na iyon. It was me and the man that I loved years ago. Hindi lang isa kundi halos labing limang litrato pa din pala ang pinagkakaingatan ko. Paulit ulit ko lang lahat itong tinitignan at inaalala ang mga pangyayari.

Nagulat ako nang biglang tumapik si Blesh at umupo sa tabi ko.

 "Anong tinitignan mo diyan?" mabilis ko namang naibaba ang phone ko.

"Lalaki yun ha? Sino yun? Patingin ng itsura?" inoff ko na ang phone ko.

"Wala, kaibigan ko lang yun." maikli kong tugon.

"Aww K." mukhang hindi naman siya naniwala pero mas pinili na lamang nya ang manahimik dahil siguro'y nahalata nya na nawala ang sigla sa boses ko.

Nasa loob  na kami ng elevator pero hindi pa din ito nagsasara. Hindi ko naman alam kung bakit. Kinakalikot ko ang bag ko dahil kanina ko pa hinahanap ang mini mirror ko nang biglang malaglag ang mga pang make up ko. Dinampot ko pa ito isa isa. Nagulat na lamang ako nang mapatili ang maharot na baklang kasama namin. Napatingala tuloy agad ako.

"OMG! Gosh. Best day na itech! pero I need some oxygen muna please." para siyang kinikiliti na ewan.

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo? Bigla bigla ka na lang nagkakaganyan?" takang tanong ni Blesh.

"Di mo ba nakita? Huh! Di nyo nakita? Shems. Ang pinakamamahal nating boss papasok sana dito kung hindi lang lumapit yung secretary niya. Impaktang yon. Sayang."

"Hey, Lea. How about you? Are you okay? What's the problem?" medyo maarte na worried na tanong ni Tamara.

Napabaling naman kami ng tingin kay Lea na kanina pa ata nakatulala. Nakaawang pa nang bahagya ang kanyang bibig. Hindi siya agad nakasagot kay Tam pero kasabay ng pagsara ng elevator ay ang pagbabalik ata niya sa mundong ibabaw, bigla na lamang siyang tumili at nagsalita.

"Waaahhh! Overload hotness." sabay paypay pa ng mga kamay sa sarili na para bang umaakto na hindi makahinga.

Ganun ba kaewan yung boss namin para magkaganyan sila? Pinagpatuloy ko na lang ang pagdamot ng mga nahulog kong gamit at tumayo na nang tuluyan pagkatapos.

"Sayang di ko man lang nakita" biglang sabi ni Blesh. Nako. May tinatago din pa lang pagnanasa.

"Aww. Me too. Nakakainis naman. I want to see him na eh."

Sumabat naman si Jack, "Kung sana ay hindi kayo tumitingin kung saan saan, eh di sana nakita nyo siya mga ateng. Jusme!"

Nagsalitang muli si Lea na tila lumilipad na naman ang isipan dahil nakatulala.

"Kaya pala hindi agad sumara itong elevator dahil papasok sana ang boss nating hot." Napapailing na lamang ako sa mga reaksyon nila.

Hindi na ako sumali sa pinag-uusapan nila. Nang bumukas ang elevator ay lumabas na kami at humiwalay na kami ni Tam sa kanila. Sa isang restaurant ang lunch meeting namin with the CEO.

Habang papasok kami sa sinabing restaurant kanina ni Maxine ay ang siya namang unti unting pagbilis ng tibok ng aking puso.

"We're here to meet someone. Ahm, the CEO of VilCorp." sabi ng kasama ko sa isang waiter. Tila kilala naman niya agad ang tinutukoy namin kaya inassist niya na kami papunta sa pwesto.

Papalapit na kami. May nakikita na akong lalaki na nakatalikod sa gawi namin. Mukhang tama nga ang description nila Jack dahil likod pa lang talaga nakakanganga na. Pumasok naman agad sa isip ko ang isang tao na mas lalong nagpapakaba sa akin ngayon. Imposible naman siguro.

Nilapitan ito ng waiter na naghatid sa amin at saglit na kinausap. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko at tila bumabagal ang lahat sa paligid na pati ang paglingon nito sa amin ay dahan dahan.

Tila tumigil naman ang pagtibok ng puso ko at ang pag-ikot ng mundo nang tuluyan nang makalingon ang lalaking nasa harapan ko. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko dahil ang taong kaharap ko ngayon ay ang lalaking minahal ko ng lubusan.

He's staring at me, wearing his unknown devilish smile.

Napabulong na lang ako sa aking sarili.

"Alexander David Villarueva."

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExDonde viven las historias. Descúbrelo ahora