BFTP 19

86.6K 1.3K 20
                                    

Kanina pa pabalik balik ang tingin ko sa relo ko at sa pagkaing natanggap ko kaninang umaga pagpasok, ano na naman ba kasing ipapagawa ng magaling na boss ko. Pagkadating na pagkadating ko dito sa loob ng opisina nya, imbis na may free 10 mins. muna ako, eh agad agad  syang may ipinaasikaso sa akin. Natapos ko na kanina yung tatlong folders na ang daming papers, halos 4 hours ako nagkakandaugagang asikasuhin yun dahil kelangan na nga bukas. Maglalunch na pero may ipapagawa pa daw sya saken. He also said that I can't have a break kapag hindi ko natapos yung ipapagawa nya. Seriously? Abuso na yun eh.

Mga 15 mins. na simula nung lumabas sya, at ganun din katagal akong nag-aantay. Ano ba kasing kinuha nya at natatagalan sya ng ganito. Pwede naman nyang iutos sa iba.

Halos malaglag ang panga ko sa pagkagulat nang pumasok sya, may kasama syang isang babae sa likuran nya. May hawak syang dalawang folders, samantalang yung babae may bitbit na papers na umaabot na hanggang baba nya.

Di ko na napilan ang magtanong pa. " A-ano yan?.. ahm, Sir? " halos napatunganga na talaga ako at napako ang tingin ko sa dami ng bitbit nung babae.

Nahuli naman ng mata ko ang mabilisan nyang pagngisi. Lumakad na sya papunta sa desk nya then the girl behind her starts walking towards me.

Pagkalapag nung babae sa table ko ay tumayo ito sa gilid ko sabay namang nagsalita si Dave. " Just like what I've said minutes ago, you have to finish that before you can have your lunch break. " seryoso lang syang nakatingin sa akin, para bang hinihintay kung anong reaction ko or kung may sasabihin pa ko.

Ang tanging tanong na nagregister sa utak ko ay 'Bakit?' Bakit ako? Gusto kong mahimatay, nagugutom na ako p-pero pero pero.. Ugh, pero bakit ang sama ng ugali nya. Lahat ba ito?

" All? Are you crazy? " napansin ko namang napalingon sa akin itong katabi kong babae, malamang ay nagulat sa paraan nang pagsasalita ko sa boss namin. Kahit ako din naman ay bahagyang nagulat pero totoo naman kasi, baliw na sya. Gusto ko pa ngang sabihin na ' Nahihibang ka na! '. Ayoko naman mawalan agad ng trabaho kaya minabuti kong huwag na lamang dagdagan pa.

Muli akong nagsalita but of course hindi ko nga tinuloy yung huli kong naisip. " Sir, ang dami po nito. Hindi naman na ata tama na ipapatapos nyo sa akin ang gantong katabing papeles. And even though I start now, baka bukas pa ho ako matapos. Tyka kelangan ko din magbreak. " hinihingal pa ko dahil dire diretso kong sinabi yun kaya medyo tumataas baba pa ang balikat ko.

Lumingon ako sa katabi ko nang magsalita ito. " Miss, actually I'm here to - " huminto sya sa pagsasalita nang senyasan sya ni Dave na tumigil.

Naglakad papunta sa upuan nya si 'Mr. Villarueva'. Pagkaupo nya ay pinagkrus nya ang mga braso nya at aba ang taray nang tingin.

" Ms. Llanes, pwede ka namang magtanong nang maayos lalo na at kung ang kausap mo ay ang boss mo. " he placed his hands on the desk before he speaks again. " Did I say all? Hati hatiin mo yan, then you can do the rest later after your break and kung hindi mo pa matatapos you still have some time tomorrow morning. " muli nyang pinagcross ang mga braso nya at huminga ng malalim.

My Boss is My ExTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang