BFTP 8

95.3K 1.5K 11
                                    

Kung ano ang syang ikinaaliwalas at ikinaganda ng lugar dito ay sya namang kabaligtaran ng kasama ko. I don't know pero parang nakakailang na kaharap siya ngayon. Kanina pa ko may gustong itanong sa kanya kaso- bahala na nga.

"Are we waiting for someone, Sir?" paano ba naman kasi kanina pa kami dito at nakailang balik na din ata yung waiter pero puro mamaya at mamaya ang sinasagot niya. So, may inaantay nga ba kami? Kanina din kasi nung papunta kami dito ay may kausap sya sa kanyang telepono. Hindi ko nga lang gaano marinig dahil medyo malayo sya sa akin non at hindi naman kalakasan ang pakikipag-usap niya.

"Why? Are you hungry?" Aba, ako nga itong nagtatanong tapos tanong din ang binalik sa akin!

"N-no, not yet." Woah! bakit nagstammer ako?

"Kung gutom ka na, you can order now." sabi nya sabay senyas sa malapit na waiter. Hala? Sinabi ko na nga na hindi pa. Pero ayos na din siguro dahil nagsisimula na ako makaramdam ng gutom ngayon.

Pagkasabi ko ng order ay umalis na din agad ang waiter. At muli, nagbalik ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang mahihinang usapan ng mga tao sa paligid at ang tunog ng dagat na gawa ng alon.

Pagkabalik ko sa room kanina pagkatapos ng meeting ay nagulat ako sa mga damit at sapatos na nakalapag na sa ibabaw ng kama ko. Masyadong madami para bang hindi pangtatlong araw na gamit ito. These are all beautiful. Gusto ko sanang pumunta sa kabilang kwarto kung nasaan si Dave para sabihin na mukhang napadami ata ang mga gamit na naibili para sa akin pero bandang huli ay napagpasyahan ko na lang din na huwag na. Baka masabihan pa kong madaming reklamo, binilhan na nga.

Medyo nahirapan ako pumili ng isusuot kanina. At nang sumagi sa isipan ko na wala naman akong dapat paghandaan ay minabuti ko na lamang pumili ng isang simple ngunit may pagkaelegante na damit. Naglagay lang ako ng kaunting make up at ayos na.

Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang ulo ko ngayon dahil hindi na ako komportable dito. Ang awkward talaga ng atmosphere. Minutes later ay may babaeng dumating. Agad naman syang humalik sa pisngi ni Dave. She's beautiful. Pareho kaming mistisa. Maganda ang pakakaalon ng ibabang bahagi ng kanyang buhok. May katangkaran. Sa isang tingin ko pa lamang ay mukha na itong mataray.

"I'm sorry. May mga inasikaso lang kasi ako. Have you been waiting for so long?" sabi nya agad kay Dave.

"Take a seat, first. No." walang buhay niyang tugon.

Tila ngayon lamang ako napansin ng babae nang maupo na siya.

"Oh, I'm sorry. Di kita napansin. And you are?" sopistikada nyang tanong. May kaunting accent ang pagtatagalog niya kaya mapaghahalataan mong mukhang bihira lang sya magsalita nito.

"It's okay. I'm Sofhina Kayla Llanes. Sir Dave's personal assistant."

"Excuse me?! You're K-Kayla L- Llanes?" may halong pagkagulat ang tono nya. Anong problema? Mas lalong tumaray ang pagkakatingin nya sa akin.

"Yes." maikli kong sagot.

"So, ikaw pal- Wait!" medyo matining na ang boses nya. "Personal Assistant?" Is she deaf? Kelangan talaga paulit ulit kami dito?

"Enough, Audrey." seryosong pagkakasabi ni Dave sa malalim na boses.

Bigla naman dumating ang waiter dala ang pagkain ko. Pagkalapag nya ay nagsalita sya. "Excuse me, Ma'am. What is your order?" magalang nyang tanong.

Nagtataka pa din ako sa reaksyon ni Audrey. Anong meron? Seems like she knows me. She also sound bitter.

Parang mainit ang dugo ng babaeng ito sa akin samantalang ngayon pa lang naman kami nagkita. Tila gusto nya pa magsalita sa akin ngunit napapansin kong sa tuwing magtitinginan sila ni Dave ay para bang pinipigilan sya nito.

Hindi na muna ako kakain, hihintayin ko na lang din na dumating yung sa kanila. Nakakahiya naman kasi.

"This place is so romantic. Parang pangcouple lang talaga, right Kayla?" Seryoso? Kinakausap niya pa talaga ako?

"Yes." medyo walang gana kong sagot para kasing ang sarcastic niya.

"And just like what I've said, 'couple'. Dalawang tao lamang." muli niyang sabi habang hawak ang baso ng wine niya sabay taas ng kilay sa akin. Ano naman gusto ipahiwatig neto. Teka, sila ba?

"Ohh, sorry? Girlfriend ka ba ni Sir Villarueva?" kailangan ko ng itanong.

Sasagot na sana siya nang bahagyang tumikhim si Dave at nagsalita.

"No." his baritone voice echoed in my head.

Nagsalita naman agad si Audrey.

"Soon." para bang wala lang sa kanya ang pagsagot ni Dave. "And by the way, I'm Marie Audrey Santos."

"You're the daughter of Mr. Roberto Santos?" though a bit shocked I still managed to maintain my formality.

"Yeah." medyo mayabang na ang dating niya ngayon.

"I didn't see you earlier sa meeting, Ms. Santos."

"Well, unfortunately may kinailangan akong asikasuhin saglit sa Manila."

Ngumiti na lamang ako. Ayoko na magtanong masyado. Dumating na din naman agad ang pagkain nila.

Tahimik lamang ako dito. Katapat ko si Dave samantalang nasa gilid naman namin si Audrey.

"How was the meeting? Di ko pa nakakausap si Dad. Is everything okay?"

"Fine." seriously? ang tipid niyang sumagot dito.

Hindi na muling nagsalita si 'Ms. Santos'. Nagtataka naman ako. Hindi daw sila magkasintahan. So friends lang ganon? Agh. Ano naman kung sila at di lang nila sinasabi sa akin pero wait- Sabi kanina ni Audrey 'soon' does it mean, nililigawan sya ni Dave? Hay. Tama na nga baka mabaliw pa ako ng maaga kakaisip nito.

Pagkatapos magdinner ay agad nagpaalam si Audrey dahil kadarating lang ulit ni Mr. Santos, and they have something to talk about pa daw kaya kailangan niya na agad umalis. Well, pumahabol pa siya at sinabing 'See you tomorrow' sabay kindat kay Dave. Psh.

Naglalakad ako ngayon sa seashore nang biglang lumapit si Dave.

"Ms. Llanes, we'll have lunch tomorrow with my business partners and few friends. Wear something nice."

"Okay, Sir." tanging sagot ko na lamang.

Ngayon ko lang siya napagmasdan ng maayos habang nauuna syang maglakad. Kanina kasi ay halos hindi ako makatingin sa kanya. Kahit nakatalikod, talagang di ka magdadalawang isip na pinagpala siya sa itsura kapag humarap. Naalala ko na naman tuloy ang dating 'kami'. Ngayon ko lang ito naramdam. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, marahil para gumaan ang loob ko dahil at least maipapaliwanag ko nang maayos ang totoong nangyari nung mga panahong iyon o dahil umaasa pa ako na baka kapag napakinggan niya ang eksplenasyon ko ay mapatawad niya ako at baka sakaling magkaroon ng isa pang pagkakataon ang pagmamahalan namin.

"Dave-" bigla kong pagtawag sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at lumingon na sa akin.

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now