BFTP 43

68.2K 978 31
                                    

Tahimik lang na nakaupo sila Tamara samantalang nakatulog naman si Xander. Kadarating lang ni Dave at bakas pa din sa mukha niya ang galit at lungkot. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Tinititigan niya lamang ako. Hindi ko na siya mabasa ngayon dahil naging blanko ang itsura niya.

Sinubukan ko siyang kausapin. " D-dave.. " parang gusto kong maiyak ngayon.

Hinawakan niya ang kamay ko, pakiramdam ko ay nagpipigil sya sa pag-iyak pero ayaw nyang ipakita kaya isang blankong emosyon ang inihaharap nya sakin.

" Ak-akala ko.. " napapahikbi na ako. " iniwan mo na ako " agad nyang pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi.

" I won't leave you. Never.. Remember that. " niyakap nya ako. Pinipigilan ko na ang pag-iyak. Kailangan kong lumaban. Hindi ko dapat ipakita na ako mismo ay nanghihina sa mga nangyayaring ito.

" I love you.. " I whispered. Hinalikan nya lang ang gilid ng tenga ko   na natatabunan ng nakalugay kong buhok.

Eksakto nang maghiwalay na kami ng yakap ay kakapasok lang ni Dr. Grace sa kwarto.

" Good Afternoon.. " lumapit na sya sa gilid ng kama ko.

" Doc. " sabi ko at ngumiti na din ng bahagya bilang pagbati.

Tahimik na ang lahat at nakatingin sa amin, para bang naghihintay na lang sa mga sasabihin ni doktora.

" This is what I'm worrying about nang malaman ko ang results sa test mo nung isang araw. Kayla, bumalik nga ang sakit mo. "

Napalingon kaming lahat nang biglang nagsalita si Dave.

" Sorry but what did you say? Noon? " kunot noo nyang tanong. Nagdududa at mukhang nagsisimula ng magalit ang tono ng boses nya. Tinignan nya ako sandali at ibinalik din agad kay doktora.

" Yes, ijo. Didn't you know about it? " gusto ko ulit atang mahimatay.

Nahuli ng mga mata ko ang pagkuyom ng isang kamay ni Dave.

Huminga muna ng malalim si doktora bago inayos ang coat niya. " Okay, so your subtype is Pre-T A L L. There are approximately 5 to 10 percent of cases. We still have to do some tests to know more about your condition because it looks more serious than before. " pagpapatuloy na sa pagpapaliwanag ni doktora. Pakiramdam ko nabawasan ang lakas ng loob ko para lumaban lalo na ng marinig o na mas malala ang ngayong kondisyon ko kaysa noon.

" Kelangan din muna naming alamin kung anong mas magandang gawin na treatment for you. " hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin kay Dave. Alam kong mas nasasaktan siya sa mga nalalaman niya ngayon. Mukhang sa galit nya pa madadaan ang nararamdaman.

" For now, you have to take some rest. Maiwan ko muna ho kayo. " pagpapaalam nya sa amin.

Paglabas nya ng pinto ay tyka ko lamang napagtanto na umiiyak na pala si Tamara at si Tita Sandra.

" Walanjo ka naman, friendship e. Bakit hindi mo man lang ako nainform? " halos hindi nya na masabi ng maayos ang mga salitang binitawan dahil sa paghihikbi.

" Ija naman.. " maluha luha na nga talaga si Tita.

Si Shevi ay malungkot ang tingin sa akin. Si Xander naman ay nakayuko at nakadikit lamang sa kanyang ama.

" Mabuti pa, iwan muna natin sila. " sabi ni Tito sa kanila. Napansin nya siguro ang tensyon sa pagitan namin ni Dave dahil panay tinginan na lamang kami.

Pagkalabas na pagkalabas nila ay sinipa ni Dave ng malakas ang upuan sa gilid ng kama ko. Maski ako ay nagulat pero hindi ko sya masisisi.

" S***! Deym it! " Pinunasan nya ng dalawang kamay ang mukha nya at tumingala. Mabibigat na buntong hininga ang sunod sunod nyang pinapakawalan.

Nagsimula na naman akong mapahikbi. Nasasaktan ako sa mga reaksyon niya. Pinagmamasdan ko lamang sya.

Nang magtama ang aming mga tingin at tumitig na sya ng diretso sa akin ay nakita ko ang naluluha nyang mga mata.

" Kayla, why? " nanggigigil nyang tanong.

" Bakit mo nilihim lahat 'to sakin? " hindi ko na napigilan ang maiyak muli.

He stepped closer. " Noon? Noon pa pala. Tell me, is this the reason why you left me before? " pulang pula na ang mga mata niya at sa tingin ko ay parehas na kami.

" Ano? " tumango tango ako. Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ako makapagsalita, para akong napipipi. Di ko kaya.

He silently cursed before he turned around. Inilagay nya ang dalawang kamay sa bewang. Mabilis ang pagtaas baba ng kanyang mga balikat.

" Then what? You didn't even tell me na nagpatest ka.. dahil ano? Naghihinala ka ng bumalik yang sakit mo na inilihim mo sakin noon! " hindi pa din sya lumilingon pero nanggigigil na naman ang boses nya.

" Dave, sorry.. sorry, sorry. Natakot kasi ako noon, natakot akong maiwan mo o baka mamatay ako. Ang daming pumapasok sa isip ko nun, ni hindi ko na alam ang gagawin kaya- "

Humarap siya at pinutol ang mga sasabihin ko pa. " Iniwan mo ko? That's a stupid idea, Kayla! "

" Alam ko, kaya nga nagsisisi ako.. " humahagulgol na talaga ako. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Sumasakit na naman ang ulo ko.

" Dapat ba iiwan mo ulit ako ngayon without even saying a word? You'll do the same thing before, huh!? "

" N-no, no! Of course not, kaya ako nagpatest dahil gusto kong masigurado kung meron nga akong sakit o wala. And whatever the result is, sasabihin at sasabihin ko talaga sayo. "

" Dave, I love you. I love you so much, ayoko lang na mag-alala ka o magalit kapag nalaman mo agad ang tungkol dito. "

Lumapit sya sain at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nag-aalab pa din ang mga tingin nya at kahit may halong galit o lungkot ang boses nya.. " I love you too more than you'll ever know. And I'll do anything for you, you know that. We will fight this battle together. Just like what I always say, I will never ever leave you. " at isang malalim na halik binigay nya sakin. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang manggaling mismo sa kanya na hindi nya ako iiwan.

Parang bawat segundo ng mga halik namin ay mahalaga, parang bawat oras na magkasama kami ay importante, parang bawat oras ay huling sandali...



---

Last UD for this week?

Let's see kung makakapag-update ako sa pasukan.

#TeamDayla

Keep safe everyone, lalo na sa mga tagaMetro Manila..

Have a nice day ahead! God Bless :))


My Boss is My ExWhere stories live. Discover now