BFTP 1

164K 2.2K 28
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---

"Friendship, it's been like what?" masigla niyang sabi pero humina ang boses niya nang magsalita muli "5 years since you know?"

Nasa counter kami ngayon ng kitchen, katatapos lamang magbreakfast. Umagang umaga tumatalak na naman itong kasama ko, nakakabingi na nga ang lakas ng boses pero ngayon lang humina nang mabanggit niya ang huli.

"JOYANCE!" may bakas ng iritasyon sa aking tono.

"Okay okay. Sorry, naalala ko lang kasi. Relax, Sofhina. Ang puso mo girl!" medyo pabiro pero halata ang paghingi ng pasensya.

Mabuti naman at tumigil na siya, alam niya kasing magagalit na ako kapag pinagpatuloy niya pa iyon. Ayaw ko nang binabanggit pa ang tungkol doon dahil ayoko ng balikan. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa high stool at dumiretso sa lababo, hinugasan ko na lamang ang pinagkainan namin kanina.

Pagkatapos maghugas ay papunta na sana ako sa aking kwarto nang may biglang magdoorbell. At dahil mukhang naliligo pa ang kaibigan ko, ako na ang siyang nagbukas ng pintuan. Akala ko naman kung sino, mailman pala. Pagkatapos niyang iabot ang envelope na hawak ay pumirma na ako at umalis na din siya. Umupo ako saglit sa sofa at binuksan ito, nang makita ko ang laman, muli ko na namang naalaala na sa isang araw na nga pala ang alis namin. Ang muling pagbabalik ko sa Pilipinas matapos ang halos limang taon.

Nasa sofa na kami ngayon at nanonood ng 'The Notebook' prenteng prete kaming nakaupo dito.

"Friend, can we at least talk about it na? Naiintriga pa rin ako eh!" napaayos naman ako ng upo, heto na naman ba kami? Kahit kelan talaga ay hindi na ako tinantanan ng babaeng ito tungkol dito.

I gave her my death glare. She chuckled. "No, seriously." Hay. Sige na nga sa bagay matagal na din naman iyon.

"Okay, fine. Ano ba kasing nakakaintriga doon para sayo?" halos mapangiwi ako sa tanong.

"I just want to know your true feelings about what happened years ago." she calmly said. "Since babalik tayo ng Philippines. Curious lang ako. Are you ready to see him again? I-i mean syempre di naman imposible na hindi kayo magkita. Kung sakali lang naman."

Napaisip tuloy ako sa mga sinabi niya. Bigla kong natanong ang sarili ko kung talagang handa na nga ba ako? Kakayanin ko bang malaman at makita na may iba na siyang mahal? Na masaya na siya sa piling ng iba?

"I don't know." Mga salitang iyon lamang ang lumabas sa aking bibig. Naguguluhan ako.

"You still love him, noh?"

Gusto ko mang ideny pero parang hindi ko kaya. Kahit ilang taon na ang nakalipas. Siya pa din ang laman ng puso't isip ko.

"Y-yes, I still do!" mahina kong sagot, hindi ko inaasahang masasabi ko iyon marahil sa iyon talaga ang tunay kong nararamdaman sa ngayon.

After ko siyang sagutin. Tumahimik na lamang siya, nagkibit balikat at bumalik sa panonood. Tumayo na ako dahil gusto ko biglang mapag-isa kaya naisipan kong pumunta muna sa kwarto at mag-ayos na lamang ng mga gamit dahil the day after tomorrow ang flight namin.

Nakailang hakbang na ako nang magsalita si Tamara.

"Be ready. I know magkikita at magkikita kayo." napatigil ako sandali ngunit hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Mga ilang segundo din ay tumuloy na ako sa paglalakad patungo sa kwarto ko.

Habang inaayos ko ang mga damit ko sa maleta ay isa isa ko namang naaalala ang mga pinagsamahan namin, ang unang pagkikita, ang mga pagtatalo, ang mga lambingan. Kung hindi ko kaya siya iniwan noon at nagpakatatag na lang ako siguro'y magkasama pa din kami ngayon.

Kamusta na kaya siya? May iba na bang nagpapatibok ng puso niya? Ano na kayang itsura niya? Ang dami pang mga tanong ang rumerehistro sa utak ko pero natawa na lang ako. Hanggang ngayon, siya at siya pa din talaga.

May nag-abot sa akin ng panyo kaya napatingin naman agad ako.

"Wag kang magdrama, ateng! Ginusto mo yan e!" medyo sarkastiko pero may halong awa at lungkot na pagkakasabi ni Tam.

Hindi ko man lang namalayan na pumasok siya dito sa kwarto ko at mas lalong hindi ko napansin na ang kaninang nagbabadyang mga luha ay tuluyan nang nakalabas at malayang bumabagsak sa aking dalawang pisngi.

"Alam ko." ang tangi kong nasagot sa kaibigan.

I wish I could turn back time and be with him once again. Hindi ko naman pinagsisisihan ang desisyon ko dahil kung sakaling nangyari nga ang kinakatakot ko noon malamang mas lalo ko siyang masasaktan. Talagang nakakapanghinayang lamang ang relasyong nabuo namin na sana hanggang ngayon ay mayroon pa.

I just stared out the window, reminiscing the past.

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now