BFTP 9

89.9K 1.5K 35
                                    

Isang malamig na tingin ang kanyang binigay sa akin pagkalingon niya. Bigla naman akong nailang sa inasal nya. I don't think that now is the right time to talk about it. Napasinghap naman ako saglit at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

" N-nothing.. S-sir " sabay bahagyang yumuko at binaling ko ang aking paningin sa dagat, nakita ko naman sa aking peripheral vision na muli na syang tumalikod at tuluyan ng lumakad palayo.

Napabuntong hininga naman ako. It's been a long day I think I better go back in my room, gusto ko na din muna magpahinga at panandaliang makalimutan ang mga iniisip ko.

---

Nagising naman ako nang dahil sa alarm clock ko, 7:30 am pa lamang dapat mamaya pa kong 9 magigising para maghanda pero dahil gusto ko munang lumibot ay inagahan ko na ang gising ko.

Nakaayos na ako ngayon, white short and purple hanging sleeveless shirt kung saan nakasabit ang shades ko. Messy bun naman ang ginawa ko sa buhok ko. Kinuha ko na ang phone ko sa side table malapit sa bed then naglakad na ako palabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng room ay bahagya naman akong nagulat dahil kalalabas lang din ni Dave, his wearing board shorts and a white v-neck shirt. Well, I have to admit that he looks hot right now even though simple lang ang porma nya. Nagulat naman ako ng tumikhim sya. Kanina pa pala ata ako nakatitig sa kanya. Ano ba ito, nakakahiya.

" Done checking me? You can now lock your door. " walang buhay nyang sabi.

" Ohh, sorry.. Ahm, ang a-aga mo naman ata magising, Mr. Villarueva? " naiilang kong sabi habang nilalock ang pinto.

" I just want to walk around. " pagkasabi nya nun ay umalis na sya agad.

Haaay! Kung sa susunod ay may pagkakataon ako magbakasyon, nanaisin kong bumalik dito, nakakarelax lang talaga ang lugar na ito.

I walk along the seashore then nung may nakita na akong magandang pwesto kung saan wala masyadong tao ay umupo na ako sa buhanginan.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang lugar na ito at naalala ko yung araw na pumunta kami sa isa ding beach resort with his cousins. Oo, close ako sa family nya even with his relatives. Nawalan nga lng ng communication nung naghiwalay na kami. Kinuha ko mula sa bulsa ng short ko ang cellphone ko at nagpatugtog saglit, mas nakakagaan kasi ng mood kapag nakikinig ka sa kanta habang nakamasid sa isang magandang lugar tulad neto.

Sakto namang nakita ko yung summer paradise sa playlist ko, tanda ko pa nung kinakanta namin 'to noon.. ayun na lamang ang pinatugtog ko.

..But someday
I will find my way back
To where your name
Is written in the sand..

Cause I remember every sunset
I remember every word you said..
napasabay naman ako bigla sa isang linya ng kanta

We were 'never gonna say goodbye'... mapait naman akong napangiti habang nakatingin sa malayo.

Habang nagmumuni muni ako ay may lumapit naman sa aking lalaki..

" Excuse me Miss, but you look so damn hot sitting her.. mind if I sit beside you? " ang yabang ng pagkakasabi nya at mukhang manyakis kaya bigla akong tumayo..

" Yeah, you can sit there *sabay turo ko malapit sa pinag-upuan ko* I have to go. " mataray kong pagkakasabi.

Tumalikod na ako at akmang maglalakad na paalis nang magulat ako dahil hinawakan nya ako sa braso. Mabilis ko namang pinilit tanggalin ang braso mula sa pagkakahawak nya kaso sadyang napakalakas nya para makawala ako.

" Hey, not so fast dear. I just want to have some chitchat with you and maybe we co--- " bigla ko namang pinutol ang sasabihin nya.

" I don't have enough time to talk with a stranger.. and ano ba, bitawan mo nga ako! " sabi ko habang pilit na kumakalas sa kanya.

" Alam mo masyado kang pakipot " sabay hatak sa akin.

Nataranta naman ako..

" Let go of m- " may biglang nagsalita sa likod ko.

" Let go of her. Back off maniac. " isang nakakatakot na boses ang narinig ko at alam ko kung sino ang nagmamay ari nun.

Agad namang napalingon ung lalaki sa taong nasa likuran ko.

" Sino ka naman? This is none of your business, girlfriend ko sya. " sabi nitong lalaki. aba! baliw 'to ah..

" Really? I don't think so.. " sabay hinila ako ni Dave. Medyo nasaktan ako dahil mahigpit ang pagkakahawak nya sakin tapos hinila pa ko.

" Bakit ka ba nangingielam!? " sabay akmang susuntok yung lalaki kaso biglang nahawakan ni Dave ung kamay nya at sa isang iglap ay bumagsak yung lalaki sa buhangin.

" Again. Back. Off. " matigas nyang sabi at muli na naman nya akong hinila.

Nang makalayo na kami ay bigla nya na kong binitawan at lumingon sa akin.

" S-salam--" magpapasalamat pa lang sana ako kaso inunahan nya akong magsalita. Tinignan nya ako ng mata sa mata. I don't get it. Galit at pagkairata ang una kong nakita ngunit biglang naging blanko, parang walang kwenta syang nakatingin na lang sa akin.

" Sa susunod kung may balak kang makipaglandian, not here. You can do whatever you want pero piliin mo kung saan mo pwedeng gawin yun. " nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya..

" A-ano? Yun ba ang tingin mo sa akin? I was just sitting there nang biglang lumapit yung manyakis na lalaking yun. " may halong galit kong sinabi sa kanya sabay turo ko sa bandang likod ko pero nararamdaman ko na any minute ay maiiyak na ako dito sa harap niya.

" I don't need your explanation. I don't care kung ano man ang reasoning mo but just like what I've said wag dito.. " Tatalikod na sana sya kaso muli syang lumingon sa akin..

" And about your last question, YES ganun nga ang tingin ko sayo. " Iniwan nya akong tulala dito. Ilang minuto bago ako bumalik sa katinuan, maluha luha na ako sa mga sinabi nya sakin.

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now