BFTP 25

84.8K 1.2K 14
                                    

Nasa front seat si Dave kaya tumuloy na kaming umupo ni Maxine sa back seat. May pagkaawkward na naman sa sobrang tahimik. Siguro para kay Max ay wala lang ito pero kung alam nya lamang ang sitwasyon namin. Susme!

" Have you two had your breakfast? " tanong ni Dave sa amin nang hindi man lumilingon nung pumasok na si Manong sa sasakyan.

Tumingin ako sa katabi ko kaya sya na ang nagsalita. " Tapos na po ko, Sir pero si Ms. Kayla po hindi pa po. " malumanay nyang sagot. Medyo nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Talaga itong babaeng 'to, sana hindi nya na sinabi.

He turned around to face me. " Hindi ka kumain? " disappointed yung itsura nya. Bakit parang apektado sya? Ano naman ba ngayon kung hinde?

" Here. Nagpabili na ako ng breakfast nyo lalo ka na, kapag madaliang alis hindi ka na kumakain. " pagtutukoy nya sa akin pagkaabot ng pagkain. Parang wala lang ang pagkakasabi nya. Nanlaki tuloy ang mga mata ko. Nasisiraan na ba 'to? Naririnig sya ng mga kasama namin.

Nakita kong napakunot noo si Max pero nawala din agad at nagbaliwala na lamang. Akala nya siguro connected yung sinabi ni Dave kapag umaalis kami para sa mga meeting.

Ilang na ilang na naman ako, sa kahabaan din kasi ng byahe ay panay ang tingin nya sa akin sa salamin. Yan na naman sya e. Kumakain ako kaya mas nakakailang.

Buti na lang at tumunog ngayon ang phone nya kaya doon na nabaling ang atensyon nya. Malapit na kami sa airport.

" Hello- Yes- That's all?- Ok, fine- Ikaw na muna ang bahala dito. You know what to do- " at ibinaba nya na nga ang tawag.

Pagkatapos nun ay nagsalita ulit sya, sa amin. " Maxine, you have to stay here. Mas madami daw ang aasikasuhin dito. You'll help Gregor for a while. " Gregor? Ayun yung kaibigan nya na kasosyo nya din e. Mukhang nabigo ang itsura ni Max. Excited pa naman sya kanina na makapuntang Dubai.

Maiiwan din kaya ako? Naghintay ako saglit baka sabihin nyang dito lang din ako, na sya na lang ang aalis.

Nabasa ata ni Dave ang iniisip ko kaya humarap sya ulit samin. " Ikaw ang sasama sa akin, Ms. Llanes. Mas madami kasing alam si Maxine sa company. And by the way Ms. San Diego pakibigay ng mga schedule ko for this week sa kanya. " hindi na sya nagsalita ulit after that.

Nataranta naman ako ng kinapa ko ung bag ko, nako parang nakalimutan ko pa yung passport ko.

" What's wrong? " mapapatalon ako lagi ako sa gulat kada susulpot sa tabi ko itong si Dave. Kakaalis lang nila Manong.

" A-ahh. Yung passport ko kasi. Wait, I'm sure nandito lang yun. "

" Let me help you find it. " Ha? Wag na! Baka ano pang makita nya sa luggage ko.

" N-no. Kaya ko na 'to. Saglit lang. " pumwesto ako sa gilid kung saan pwede maupo at nagmadali na sa paghahanap.

Nakahinga agad ako ng maluwag nang makita ko yun. Oh gosh, salamat!

Inaasahan ko na ito na malamang ay sa business class ang pwesto namin. Ang ganda. Kahit papaano ay namangha ako, ngayon nalang ako ulit nakasakay dito. Isang beses kasi nung sinama kami ni Tam nung boss namin sa States papuntang Brazil.

" Nakatulog ka ba ng maayos? " tanong nya sa akin bago lumipad ang eroplano.

" Yes. " nag-iwas na ako ng tingin. Mga tanong nya na naman kasi e.

" Hindi na kita tinawagan kanina para sabihing aalis tayo ngayon. I'm sure nagpapahinga ka. " okay. So, anong dapat sabihin ko. Thank you? Argh.

Tumango na lang ako at ngumiti.

Nakaharap lang sya sa laptop nya habang ako nanonood sa mini tv dito. Inaantok na nga ako e pero pinipigilan ko lang.

Bahagya akong napamulat ng maramdaman kong may nakaakbay sa akin at humahaplos sa kabila kong balikad. Ewan ko pero parang naging kumportable ako ngayon. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa kung sino man ang kasama ko at hindi na nag-atubiling tignan pa. Natulog na lang ulit ako.

" Kayla, wake up. We're here. " malumanay na boses ni Dave ang naririnig ko ngayon at hinahaplos haplos nya pa ang buhok ko.

Teka, sya ba talaga 'to? Bakit ang lambing nya? Nagmulat na ako ng mga mata at isang malaperpektong mukha ang bumungad sa akin.

Nakakalusaw na naman yung mga titig nya ngayon. Ilang beses ba ko dapat mainlove sa lalaking ito?

Nag-ayos na ako ng upo. Nakakahiya naman.

Hindi ko maitago ang tuwang nararamdaman ko ngayon nang makababa na kami ng eroplano. Gabi na dito. Ang laki lang naman ng ngiti ko. First time ko lang kasi makapunta dito sa Dubai. Ang lawak ng airport, feeling ko nga maliligaw ako.

Nagpaalam muna ako kay Dave na magccr lang ako saglit. Hindi kasi ako masyadong nakapag-ayos kanina dahil kailangan na namin bumaba.

Isang sasakyan na pala ang nakaabang sa amin. Magkatabi kami sa back seat ni Dave. Hindi ko muna sya pinansin ngayon dahil busy pa ako sa pagtingin sa mga nadadaanan namin.

Sa sikat na Burj Al Arab kami nagcheck in. Napakaganda dito, madami kang gold na makikita. Paniguradong sobrang mamahalin lahat ng bagay dito.

Nagulat ako na sa isang kwarto lang kami pumunta.

" Sir, d-dito din po ba ako? " nanginginig ko pang tanong. Hindi ko naman kasi ito expected.

" Yes, don't worry malaki ito. May mga kwarto pa din sa loob. " tumuloy na sya sa paglalakad papasok.

" Schedule for this week " agad ko namang tinignan yung schedule nya binigay sa akin ni Max.

" Ahm.. On thursday you have a meeting with Mr. Rashid and Mr. Hudson, 8 in the morning then later in the afternoon at 2 pm with Mrs. Nasr. On saturday, lunch with Mr. Rashid and his wife. And lastly signing of contract on sunday 10 am. "

"Saan mo gusto pumunta bukas? " umupo sya ng maayos sa kabilang dulo nitong sofa na inuupuan ko.

"

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now