BFTP 3

109K 1.6K 23
                                    

Papasok na kami ngayon sa VilCorp.

"Good Morning Ma'am!" Maligayang bati sa amin ng guard, ngiti na lamang ang iginanti ko, si Tamara naman ay kung saan saan nakatingin. Hindi na ata napansin ang pagbati ng guwardya sa amin. I'm sure naghahanap lang ito ng gwapo at magpapacute.

Naiilang ako dahil habang naglalakad ay halos lahat ng mata'y nakatingin sa amin, specifically sa akin. Naconscious agad ako. Aba malay ko ba kung mayroong dumi sa aking mukha pero dahil alam ko namang wala mukhang alam ko na kung bakit. Hindi naman kasi sa nagmamayabang pero alam ko namang kahit papaano ay may taglay akong kagandahan, sa States pa nga lang ay naaagaw ko na ang atensyon sa department namin kahit lagi naman kaming nagkikita kita. So medyo sanay na ako kaso minsan nga lang nakakailang talaga. Marahil nakadagdag pansin na rin ang aking kasuotan ngayon. Napayuko na lang ako ng bahagya.

Kung ako ay naiilang dito. Pwes ang kasama ko ay hindi. Confident na confident pa nga, nauuna pa ng kaunti. Yes, maganda nga itong kaibigan ko. Pareho kaming mistisa, mas matangkad nga lang ako ng kaunti sa kanya. Brown ang kulay ng buhok niya samantalang sa akin ay black dahil ayoko talagang nagpapakulay ng buhok. At dahil nga alam niyang maganda siya at pinaniniwalaan niya nga ito. Ayan, at taas noong rumarampa. Kahit medyo nagmamadali na kami nagagawa pa ding kumaway ni Tamara sa mga nadadaanan naming empleyado. Nasobrahan ata ito sa pagkafriendly.

Nang makarating kami sa reception ay hindi pa man din kami nakakapagsalita, ay agad nang may lumapit sa aming babae.

"Good Morning. Ms. Llanes and Ms. Sarmiento, right? I'm Maxine, ako po ang mag-aassist sa inyo." nakangiti nitong bati. Mukhang mas bata siya kaysa sa amin.

"Ohh. Hi, Maxine. Call me Tam na lang" tugon ni Tamara.

"You can call me Kayla na lang din." dagdag ko naman.

"Shall we?" tanong ni Maxine at nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod na kami.

Nang makarating na kami sa department namin ay itinuro agad niya ang table para sa amin, bago naman niya kami iwan ay nagsalita muna ito.

"Later po, you'll both have a lunch meeting with our CEO. I'll inform you po mamaya kung anong oras. Have a nice first day Ms. Llanes and Ms. Sarmiento. I'll go ahead."

Pagkaalis niya ay may mga lumapit naman sa aming dalawang babae at isang bakla? At dahil wala naman kaming gagawin sa ngayon ni Joyance ay nakipag-usap na kami.

"Morning, I'm Lea. Ang ganda nyo! What's the secret?" masiglang sabi sa amin ng isang babaeng morena na may maikling buhok hanggang balikat. Halatang masayahin siya.

"Hello mga atey! Kaya nga why so pretty? I'm like so inggit, ya know? Ayy, I'm Jack pala pero Rose naman sa gabi. Hihihi." sunod namang sabi nung bakla. Natutuwa ako sa kanila. Friendly pala ang mga tao dito.

"Hi, ako naman si Blesh. Pagpasensyahan niyo na itong dalawang abno, ganyan talaga sila." medyo mistisa naman itong huling babae na nagpakilala sa amin.

"Hay nako atey. Wag ka ngang ano! You always make pakelam samin. Inggit ka lang. Tse!" Ang kukulit nila. Siguradong makakaclose namin sila.

Natawa muna ang kaibigan ko bago nakapagsalita. "Nakakatuwa kayo. I'm Joyance Tamara, call me Tam." sabay baling naman niya kila Lea at Jack. "Later, I'm gonna tell you both, my secret." sabay kindat niya sa dalawa. Seems like magkakasundo ng bongga itong tatlo.

"Aaayyy. Omg! Omg! I like you na!" Gusto ko yan, gosh!" tili ng dalawa.

"Hoy, ang ingay nyo!" sita naman ni Blesh sa kanila.

"Kj!" singhal naman nung dalawa. Natawa na lamang si Tam at ako.

"Ahh. I'm Sofhina Kayla. Call me Kay na lang." pagpapakilala ko.

"Wow, bagay sayo name mo. Ang ganda na cute. Hihi." pagpuri ni Lea.

"Thank You!" sagot ko naman.

"I do believe na office hour ngayon. So, you all better work. Now!" napatigil kami sa pag-uusap nang may nagsalita. Nasa bandang may pintuan siya. Ang sungit naman nito. Medyo nasa 30's na babae, mukhang ito ang head ng department namin, siguro meron ito ngayon kaya ganyan. Bumalik naman agad sa mga pwesto nila sila Jack. Umalis naman na yung boss naming ewan.

Inayos ko na lang ang table ko at ganoon din naman ang ginawa ni Tam. Napalingon ako sa gawi niya nang may bumato sa akin ng crumpled paper. "Impakta ata yun." she mouthed at me. Napailing na lamang ako. Mas mabilis mainis itong si Joyance sa mga ganoon ang ugali lalo na kung kakakilala pa lang. Sa bagay, sino ba namang hindi maiinis. First day namin tapos ganon, malamang alam naman niyang may mga bagong empleyado pero hindi man lang uso sa kanya ang pagwewelcome. Psh!

Binuksan ko na ang computer sa harapan ko at nagkakakalikot na lamang doon. Sabay napaisip ako, ano kaya ang itsura ng boss namin? Aaminin ko kagabi ay medyo ninerbyos ako nang sabihin ni Tamara na itong pangalan ng company na ay mula ata sa surname ng CEO. Napaisip ako kung siya kaya iyon pero hindi naman siguro pero kasi nga posible din. Ewan! Sana hindi talaga. Tila kinakabog ang dibdib ko ngayon. Parang kinakabahan akong makilala ang may ari ng kompanyang ito.

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now