BFTP 46

69K 915 8
                                    

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Isang panibagong araw na naman ang nadagdag ngayon. Imbis na pag-asa ko dapat ang bawat kinabukasan, tila kabaliktaran lamang ang nangyayari.

Pati sa pagmulat ng mga mata ay naninibago na ko, pakiramdam ko ay hindi ko na maimumulat ito. Natatakot ako sa bawat pag-iglip ko sa mga nakaraang araw baka kasi dumating yung oras na tuluyan ko ng hindi ito maimulat.

Araw araw nadadagdagan ang takot ko lalo na sa mga pabago bagong nangyayari sakin. Isa pa sa nagpapakaba sakin na baka malala na ito dahil noon naman hindi ako umabot sa ganitong punto.

Nakatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon, sinusubukan maaninag kung sino man ito. Nakailang beses akong pikit bago luminaw ang aking paningin.

" Good morning, friendship! Cheer up, it's another day! " nakangiti nyang sabi. Isang pekeng ngiti na naman ang aking naiganti.

Lumapit sya dun sa kabilang table, inayos ang laman ng isang malaking plastic. " So, ano? Kain ka na? Bumili si Dave mo ng almusal mo. " tumigil sya sa paghahalungkat dun at humarap saglit sakin.

" Kaya pala, he's not here kasi pinatawag sya ni Dra. mo " sabay balik sa kaninang ginagawa.

" Ahh. " ang tanging naisagot ko.

" Ano ba yan, friendship.. I'm trying to cheer you up oh tapos ang lamya naman ng boses mo. Wag ka naman ganyan. Ayoko ng umiyak e. " sabi nya pagkalapit dala ang pagkain.

" Oo na. " natatawa kong sabi.

Mga nakailang subo lang ako tapos ay umayaw na ko sa pagkain. Alam kong kelangan kong kumain ng madami pero di ko na talaga kaya, parang masusuka lang ako.

Hanggang ngayon ay sinisermunan na naman ako ni Tam dahil hindi ko daw inubos ung pagkain ko. Binili na nga daw ni Dave yung paborito ko para ganahan akong kumain tapos ganun lang.

" Hay nako Sofhina Kayla, last mo na yan ha! Next time, kelangan ubos lahat ng pagkain mo. " sabi nya habang nililigpit na ang pinagkainan ko.

May bigla naman akong naalala kaya nagtanong agad ako. " Tam, si Dave ba wala pa? Ang tagal naman ata niya? " nagtataka kong tanong.

" Baka kausap pa din ni Dra. Pagkagising mo, kakalabas nya lng e. "

" Ano? Punta tayo dun sa mini garden? " tanong nya pagkatapos mag-ayos.

" Sige. " pagsang-ayon ko. Tutal wala din naman akong gagawin dito.

Sinamahan kami ng nurse ihatid dito sa garden.

Pinagmamasdan ko ang paligid. May mga taong nakawheel chair din tulad ko na mukhang mas malala na ang sakit pero nagagawa pa ding ngumiti at tumawa.

Pero alam kong deep inside, natatakot din sila tulad ko.

" Ohh.. di ba? Look at them, friendship! " napalingon tuloy ako sa babaeng nasa likod ko.

" Tam, hinaan mo naman boses mo. " alam kong hindi ganun kalakas yung pagkasabi niya pero masakit talaga sa tenga kapag medyo matining.

" Ito naman. Di kaya ganun kalakas. Pero di nga, tignan mo ang saya pa din nila di ba? Tignan mo yun " sabay turo dun sa babaeng parang nakabalot yung ulo. Siguro ay may cancer siya at nagkichemo. " Ngiting ngiti oh.. "

Sa isip ko naman, gusto kong sabihin sa kanya na kung alam mo lang.. alam kong nahihirapan na din yun at pinipilit na lang ngumiti.

" Teka, I'll get some water ha? " umalis na nga sya. Tumingin pa ko sa paligid. May isang batang kalbo na may kalaro din  na ibang bata. Ang saya saya nya, yun na lang siguro yung nakakapawi ng takot sa sarili nya.

Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko.

" Hi, I'm Olivia. " teka, sya ung babaeng kanina lang ay itinuro ni Tam. Inabot nya ang kamay nya..

" Kayla " sabi ko at nakipagkamay din sa kanya.

Ang aliwalas talaga ng mukha nya parang walang dinadamdam. Kahit na parang namumutla ay nangingibabaw pa din ang kagandahan niya. Ang haba nga ng mga pilik mata nya, matangos ang ilong. Manipis ang labi na nawawalan na din ng kulay. May pagkamistisa rin sya.

" Anong sakit mo? " seryoso ba sya? Parang wala lang ang tanong nya.

At dahil nag-aabangan sya sa sagot ko ay nagsalita na ako. " Leukemia. I-ikaw? "

" Colon Cancer " parang natatawa pa sya sa sagot nya. Napapakunot noo na talaga ako.

Magsasalita na sana ako nang mauna sya. " Nagtataka noh? Kung bakit ganito kasaya? Eh halos kalbo na nga ako at malala na ang sakit ko. "

Tumango ako ng isang beses at nakatingin na lang sa kanya.

Tumingin sya sa malayo. " Simple lang.. Kasi hindi mo naman kelangan maging malungkot. Lahat ng ito ay may dahilan. Hindi man natin alam kung bakit, but of course lahat nakaplano na kay God. Hindi ko man alam kung makakasurvive pa ko dito o hindi na, at least hanggang sa kahuli hulian alam kong nakangiti pa din ako. Hindi dapat ang mga sakit natin ang maging hahadlang sa kaligayahan na dapat nating maramdaman. " few seconds din syang nakatitig sa malayo while still smiling pagkatapos magsalita sabay lumingon na sakin.

" Buti ka pa. Ako kahit anong pampalakas loob ang isipin ko, di ko pa din kaya. " malungkot kong saad.

" Wag mo na kasing masyadong isipin, just go with the flow. Just keep smiling and I know maybe not today or tomorrow but someday.. someday you will see yourself smiling, ung abot hanggang tenga. "

Ngumiti na lang ako sa kanya. Siguro tama nga sya.

" Teka, nasaan na ung kausap mo kanina? Kapatid mo ba yun? Hindi ka ba niya hinahanap? " may kausap kasi sya kanina nung tinitignan namin sya ni Tam.

" Ahh. Si Rhea? May sakit din yun pero early stage pa lang kaya ganun, mukha pang healthy. " natawa naman sya ng bahagya.

" Pero nasaan pamilya mo? boyfriend? o kaibigan man lang? " tanong ko na naman.

" Wala. Once a week lang ako binibisita ng pamilya ko. Inaantay na lang ata akong mawala. Wala naman silang pake e, minsan nga tinatamad lang bumisita yung mga kapatid ko. Parents ko matagal ng sumakabilang buhay.  Boyfriend? Ayun hiniwalayan ako, nung malaman pa lang na may sakit ako. Friends? Nawala ng parang mga bula. " mas lalo akong nalungkot para sa kanya. Ganun na ang sitwasyon nya pero nagagawa nya pa ding maging masaya. Nabibilib ako.

" Alam mo mga ilang beses na din kitang nakita dito sa ospital. Boyfriend mo ba yung kasama mo? "

" Oo. His family and ilang sa mga kaibigan ko na lang ang kasama ko. Wala na din ang parents ko. Only child lang ako. "

" See? Mas maswerte ka pa sakin kaya dapat mas masaya ka kesa sakin. I know, you'll survive. Madaming nagmamahal sayo. "

" Friendship, here's your water na- " napatigil sya ng mapatingin kay Olivia.

Nagsalita naman agad si Olivia, " Sige, I'll go ahead. Nice meeting you, Kayla. Smile lang ha. "

" Ok, Thank you. You will also survive, keep on praying. " at pinaandar nya na nga yung wheel chair nya. Sa di kalayuan ay inassist na sya ng isang nurse.

" Grabe, tinuro ko lang kanina. Kinausap mo na agad? " pagbibiro ni Tam.

" Sira. Halika na nga, baka nandun na si Dave. " pag-aaya ko sa kanya.

My Boss is My ExHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin