BFTP 33

77.3K 1.1K 7
                                    

" Kanina ka pa tulala dyan? May problema ba? " tanong ko agad pagkalingon sa kanya. Hinawakan ko na din ang kamay nya. Kanina ay busy sya sa laptop nya. Nalingat lang ako saglit, tulala na sya.

" Dave.. " pagtawag ko uli. Hindi pa din kasi nya ako napapansin.

" Love.. " marahan ko syang kinalabit ko ng isang kamay ko. Mukhang bumalik na nga sya sa ulirat at lumingon sa akin.

" What are you saying? " kumunot pa ang noo na para bang nagtataka.

Mahina akong huminga. " Ang sabi ko kanina ka pa tulala, may problema ba? " pag-uulit ko sa kaninang sinabi.

Unti unti syang ngumiti, napapangisi tuloy ako. Ang cute nya na naman kasing tignan. Humarap na sya sa laptop nya habang hawak hawak pa din ang kamay ko.

" Sorry. I was just thinking of some things. " pansin ko namang mas lumaki ang ngiti nya.

" Huh? Like what? " inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya pero hindi pa din sya lumilingon.

" Hey! " pangungulit ko nang hindi pa din nya ako pansinin.

Humarap sya, yung mga mata nya parang nagniningning kulang na nga lang ay lagyan ng bituin. " Like marriage "

" Yan ka na naman " I pinch his nose

" What? Ayaw mo? " may pagkaseryoso na sya

" Hindi naman kaso.. " nag-iwas ako ng tingin. Should I tell him?

" Kaso? " wag na lang muna. Kelangan ko muna masigurado.

" Wala. Magtrabaho ka na nga lang dyan. "

Sinarado nya ang laptop at inilapag sa gilid. Nakatunganga lang ako, naghihintay kung anong susunod nyang gagawin o sasabihin.

" Let's just talk. Mas gusto kita kesa sa laptop ko. " napahagikhik naman ako sa sinabi nya. Dami na naman nitong kaalaman

Nagkatinginan kami kaya napatigil ako sa pagtawa.

" What? " tanong ko.

Hindi na sya sumagot at hinawakan nya na lang ang baba ko.. next thing I knew, hes kissing me passionately. Nspahawak na lang ako sa dibdib nya.

Sya na ang unang lumayo. Nauna akong nagbukas ng mga mata, kitang kita ko pa din na nakapikit sya as if dinadamdam nya yun.

Pagmulat nya ay mapupungay na tingin ang binigay nya sakin. Deym, he looks hotter and hotter everyday. Is my boyfriend one of the greek gods?

I still want to kiss him pero I guess tama na yun, mamaya may makakita pa samin.

" You're mine. I want everyone to know that. " medyo napakunot noo ako sa sinabi nya. What does he mean?

" Especially Mr. De Vera.. "

" What's with him? " kaibigan ko lang naman yung lalaking yu- well, ex suitor din actually..

" He likes you. " naiirita nyang sabi.

" And? He's just my friend " hindi na sya sumagot at naglipat ng tingin.

Hinawakan ko ang pisngi nya at ipinaharap sa akin.

" Look.. hindi naman kita ipagpapalit, kahit kanino. " ngumiti na din ako pagkatapos magsalita.

" Make sure of that, Ms. Llanes. " medyo uplift na ang itsura nya.

" Oo nga. " natatawa tuloy ako. Namiss ko yung pagiging seloso nya noon.

Hahalikan nya sana ulit ako nang pigilan ko sya.

" Tumigil ka na nga, mamaya may lumapit na flight attendant "

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon