BFTP 47

66.4K 907 8
                                    

Pagbukas ng pinto ng kwarto ko ay nakita ko agad na nakatayo si Dave sa glass wall at hawak ang cellphone niya.

" Kayla! " nagmamadali syang lumapit nang makita ako.

" Joyance, where did you bring her? What if something happens? Kaya mo ba sya? " mahahalatang nagpipigil ng galit ang tumataas nyang boses.

" Si-sir Dave, nilabas ko lang naman sya sa garden. " parang ninerbyos ata si Tam.

Sinubukan kong tumayo sa wheel chair pero bigla lang akong napaupo ulit. Mabilis namang napalapit si Dave, pati si Tam ay nagulat.

Dinaan ko sa unting pagtawa kahit na sa totoo lang ay nasaktan ako sa mahinang pagbagsak. Baka masobrahan na naman sa pag-aalala itong dalawa lalo na si Dave.

" Love, what are you thinking? Oh please you're hurting yourself. " naiinis na nag-aalala sya.

" Love naman kasi.. wag ka ng magalit kay Tamara. Ginusto ko din naman pumunta dun. "

Huminga sya ng malalim bago nagsalita.

" Let me help you go back to bed. You have to rest. " at inalalayan na nga nya ako.

" Sige na, friendship. Pahinga ka na muna. Nandito naman na si Dave. " sabi ko pagkaupo sa kama.

" Sigurado ka, friendship? Kaya mo na din? " pagtatanong nya muna.

Bago pa ko magsalita ay nauna nang sumagot si Dave. " I'll take care of her. Go ahead, Ms. Joyance. "

" Ah. O-oh sige po. " Kinuha nya na muna ang shoulder bag nya sa sofa bago nagpaalam na sa amin.

Inalalayan na ko ni Dave mahiga bago sya tuluyang umupo sa gilid ng kama ko.

He caress my left cheek. I look directly into his eyes. " Love, wag ka ng ganun ha. Natakot ata sayo si Tam e. " ngumiti ako ng bahagya.

" Worried is the word, my love. I just don't know what to do if ever something bad happens to you. Kayla, you know how much I love you, and I don't want to see you in pain. " he's now holding my hand.

" I'm already in pain, Dave.. and you literally know that. " mahina kong sabi.

Naging seryoso ang tinginan namin. Binalot kami ng katahimikan. Totoo naman e. I'm literally in pain.

Ang dami na namang pumapasok sa isip ko. I think I'm about to cry. I can't help it.

" Dave, honestly I'm scared. I'm really scared. " sabi ko sabay ang matinding paghikbi.

" Hush now, baby. We have to be strong.. you have to fight. We both know you can survive, love. " umiiyak lang ako pero sya pinapatahan ako.

" Dave, what if?.. " hikbi lamang ako ng hikbi.

" Stop with that what if's. Kayla please promise me, you won't lose this battle, okay? " pinipigilan ko na ang patuloy kong pag-iyak.

Tumango tango ako. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi. " Say it. I want to hear it from you. "

" Promise.. "

" That's a promise you have to keep, my love. " sabay pahid nya sa mga luha ko. " Now, let us seal it with a kiss. " bago pa ako makapagreact ay hinalikan nya na agad ako.

After few seconds ay may biglang kumatok sa pintuan. Nagmadali tuloy akong itulak syang palayo.

" Kayla? " para syang naiirita dahil nabitin.

" Eh may tao. " hindi ata 'to marunong mahiya.

I heard him whispered some curses. Napailing na lang ako.

Pumasok naman na ang kaninang kumatok.

Sila Shevi and Tita lang pala. " Mom? What are you doing here? " tanong naman ni Dave.

" Why? Ikaw lang ba pwede bumisita dito? " pamimilosopo ng Mommy nya.

Humirit naman si Shevi. " Baka kasi busy sila, Mom. " sabay halakhak.

I almost roll my eyes. Crazy. Batang 'to talaga.

" Shut up, Shandra Devi. " pagsaway naman ni Dave sa nakababatang kapatid.

" K. " sagot nya sa kuya nya at lumapit na sa akin.

" Hi, Ate! How are you na? " masigla nyang tanong.

" Feeling better? " pagsisinungaling ko. Nahuli ko naman ang pagtitig sakin ni Dave, alam nyang hindi totoo iyon.

" That's good. " sabi naman ni Tita habang inaayos nya ang paglalagay ng bulaklak sa vase.

" Anyway.. you know what, Ate? " biglang naging malungkot ang aura nya.

" Nung papunta kami dito sa floor mo. May nakita kaming nurses at doctor na nagtatakbuhan. Nasilip ko nga yung room na pinasukan nila. And ang sad ate kasi yung girl namatay na. Mukhang nagchemo yun kasi talagang nakabalot na yung head nya. "

Halos tumaas ang mga balahibo ko. Am I thinking right? Sya kaya yun? Para akong kinilabutan.

" D-do you know her name? " napalunok pa ko. Sana hindi naman sya.

" As what I've heard sabi nung ibang nurse na lumabas ng room, kawawa daw si Ms. Oliv- yah right, Olivia! Olivia is her name. Medyo nakangiti pa nga daw bago mamatay. " nabuhayan sya ng maalala yung name sabay nalungkot ulit.

Tuluyan na nga akong kinilabutan. I was just talking to her earlier.

Para akong nanghina. Napansin ata nila.

" Oh what's with the sad face, ija? Do you know her? " tanong ni Tita. Nakatingin lang din sa akin sila Dave.

I nodded. " Friend? " tanong ni Shevi

" Yes. Nakilala ko sya kanina lang. "

" Woooaaah.. " mahinang bulong nya.

" Can I see her? " tumingin ako kay Dave. Baka walang pumunta sa kanya. Nakakaawa naman.

" But.. " tututol pa sana sya nang sawayin sya ni Tita.

Si Dave na ang sumama sa akin. Nakasakay ako sa wheel chair nang makaramdam ako ng matinding pagsakit sa bandang kanan ng tyan ko.

Binalewala ko lang yun dahil saglit lang naman at baka katulad lang sa mga nakaraang araw na dahil sa mga pinapainom na gamot sa akin kaya sumasakit ang tyan ko. Mag-iisang linggo na din naman akong nagttreatment.

Pasakay na kami ng elevator ng makaramdam ako ng matinding sakit. Hindi ko alam kung saan banda, pakiramdam ko buong katawan ko ay parang tinutusok.

Namilipit ako sa sakit. Halos mataranta na din si Dave. Binuhat nya agad ako galing sa wheel chair at nagmadali sa pagtakbo. May dumaang mga nurse kaya tinulungan na nila kami.

Pakiramdam ko katapusan ko na, hindi pa din tumitigil ang matinding sakit...

Ayoko nang mahirapan...

My Boss is My ExOnde as histórias ganham vida. Descobre agora