BFTP 36

72.9K 1.1K 19
                                    

Isang oras ng wala si Dave at ganun katagal na din akong walang ginagawa. Wala talaga syang iniwan na trabaho sakin, ang sabi nya ay magpahinga lang daw ako dito, umangal ako pero wala na akong nagawa.

Mag-aalas dose na pero nasa meeting pa din sya, si Maxine ang kasama nya.

Gusto ko sana syang makasabay maglunch kaso busy talaga ang schedule nya ngayon kaya hindi na lang ako mang-iistorbo.

Tutal malapit ng maglunch break, at wala naman akong ginagawa lalabas na muna ako nang makakain na.

May bagong tayo na restaurant malapit sa kompanya. Matry nga. Pagkain muna ang iisipin ko, ayoko na munang problemahin ang ibang mga bagay kahit isang oras lang.

" Ahm, one spaghetti alla gricia and ice tea. " sabay tingin sa waiter.

" Anything else, madam? "

" That's all. " nginitian ko na lamang sya.

Unti pa lang ang tao dito, medyo may kamahalan din ang mga pagkain.

Nagmamasid ako sa paligid habang hinihintay ang order ko.

May nakita akong couple. Ang sweet nga nila, sinubuan nung lalaki yung babae tapos pinunasan ung gilid ng labi dahil may unti atang sauce. Siningkitan ko pa ang mga mata ko para mas makita sila, may kaluyuan kasi ang pwesto nila sakin.

How I wish nandito din si Dave.

" We can be like them, if you want to? " biglang may nagsalita sa gilid ko.

" Mike? " napaupo ako ng maayos. " What are you doing here? " tanong ko pa.

Tinanggal nya ang dalawang kamay na kanina ay nakapamulsa. " Can I sit first? " sabay turo nya sa katapat kong upuan.

" Sure. "

A-anong ginagawa nya dito?

" My friend owns this restau, kakabukas lang kahapon. Pinapunta nga ako kaso busy sa office kaya ngayon lang ako bumisita. " ahh!

" Here's your order, Ma'am.. " nilapag muna ng waiter ang order ko.

" Sir? " lahad nya ng menu kay Mike. Sinenyasan lang sya nito na wag na.

Nilapag nya ang dalawang kamay sa lamesa at inilapit ng kaunti ang mukha. " So, ano? Kelangan mo na ba ng boyfriend? Para hindi ka na naiinggit sa iba. I can do better than those guys. " nagwink pa sya.

" No need. Tyka tumigil ka na nga sa pagbibiro dyan. " pinilit kong matawa ng kaunti tapos ay sumubo na ko ng pasta. Tutal ayaw nya naman kumain, ako na lang.

" At this point? I'm not into jokes. " sumeryoso ang itsura nya. Pakiramdam ko naging awkward.

I took a sip of my ice tea then I also gave him a serious look. " Stop it, Mike. It's not funny. Napag-usapan na natin 'to ha? "

Kita ko na naman ang paglungkot ng mga mata nya. " Nagbabaka sakali lang. " umayos sya ng upo. Should I tell him about Dave and I? But I don't want to hurt him more, he's been a good friend to me.

" Sorry. Let's not talk about it. " paghingi nya ng pasensya.

Dahan dahan ko ng kinuha ang tinidor para ipagpatuloy na ulit ang pagkain ko.

" How are you? It's been a week simula ng huli nating pagkikita. " he's trying to cheer up.

" Still fine. We just went to Dubai. Ikaw? "

" I was busy for the past few days, ngayon lang ako nagkafree time. So, sinong kasama mo sa Dubai? " mukhang interesado sya but of course I've got not much to say.

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon