BFTP 45

70.8K 919 9
                                    

Tulala ako ngayon, nakatingin lamang sa bouquet of flowers na dinala ni Dave kanina. Mga isang linggo na akong nandito sa ospital at habang nagdadaan ang mga araw ay mas nararamdaman ko ang panghihina.

May mga araw na hindi na ako makatayo dahil masakit ang buo kong katawan ganun din ang ulo ko. Parang ang bilis nga ng mga nangyayari sakin, nahihirapan na ako pero tulad ng dati ay hindi ko pa din hinahayaang makita nila na masyado na akong nasasaktan sa sitwasyon ko.

Sa mga nagdaan ding araw ay hindi ako iniwan ni Dave mag-isa dito. Mukhang nagleave ata sya, well sya naman ang CEO anyway. Sa ngayon ay tumaas ata ang blood pressure ni Tita kaya kinailangan syang dalhin sa ospital, nandito din sya kaso ay nasa pangatlong palapag. Pinuntahan muna sya ni Dave kaya ang nagbabantay sa akin ngayon ay si Tam, mabuti na nga lang ay natutulog sya ngayon. Paano ba naman sa mga lumipas din na araw ay panay ang iyak ng babaeng ito kapag bumibisita o nagbabantay sakin.

Kung minsan nga ay gusto ko na din humagulgol pero ayoko naman na mas maiyak sya at baka mawalan pa ng malay. Kahit na ganon sya, ramdam na ramdam ko ang pagiging tunay na kaibigan nya and I'm lucky to have her as my best friend.

Speaking of friend, naalala ko tuloy nang pumunta dito ulit si Mike nung nakaraang araw at medyo nagulat ako sa nalaman ko..

" Hey.. " sabi nya pagkapasok dito sa loob ng kwarto ko. Inilapag nya sa lamesa ang dala nyang pagkain. Pinayagan na sya ni Dave pero hanggang isang oras lamang.

" Hi, how are you? " pilit ngiti kong sabi. Masaya akong nandito ulit ang isa ko pang kaibigan kaso ay mas matindi ang nararamdaman kong sakit ngayon ng ulo ko kaya medyo wala ako sa mood.

Hinila nya ung upuan na medyo malayo sakin at inilapag nya sa gilid ng kama ko para doon maupo.

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon and I find it rude kaya sinubukan kong bumangon kahit nakaupo lamang. Pero mukhang mahihirapan ako.

Agad akong inawat ni Mike, " Sofhina, ano bang ginagawa mo? Wag mo nang piliting bumangon baka mas mahirapan ka. " pagsasaway nya. Alalang alala ang itsura nya.

Suko na ko. Bumagsak na lang ulit ako sa higaan ko, hindi ko nga talaga kaya at mas mahihirapan lang ako kung pipilitin ko pa.

Natawa na lang ako ng bahagya. " Ang hina ko na noh? " pagbibiro ko.

Mas sumeryoso ang mukha nya. Naupo na sya.

Binalewala nya na lang ang sinabi ko. " I only have 1 hour para makausap ka ngayon. " napahalf smirk sya na agad din namang naglaho. " Bakod na bakod ka talaga ni Villarueva. "

Ngumiti na lang ako.

" I want to tell you some things, few things that I haven't told you.. " napaseryoso din tuloy ako. I think alam ko na naman kung tungkol saan mapupunta 'to.

" Mike if it's all about you and m- "

" Kayla, please just listen to me. " the sincere look in his eyes convinced me to let him say whatever he wants to say. Alam ko ding masyado na syang seryoso dahil bihira nya lang akong tawagin na Kayla.

" Fine " I said as I give up.

He hold my hand, babawiin ko nga sana kaso ay hinabol nya lang ulit ang kamay ko.

Nakatingin lang sya sa kamay ko nang magsalita. " I tried to take away my feelings for you, but the moment that I saw you again. " Huminga sya ng malalim. " Alam ko nang bumalik lahat. And the truth is, it never fade away. " naisip ko tuloy yung naramdaman ko noong makita ko ulit si Dave kaya medyo naiintindihan ko sya but I feel sorry for him dahil kahit kelan hindi ko matatapatan ang nararamdaman nya para sakin.

Hindi pa din ako umiimik. " Kayla, I loved you for so long. " bumuntong hininga sya at tumingin ng diretso sakin. " Akala ko talaga may pag-asa na ko sayo. Yun pala naunahan na ko ni Villarueva. Pinahirapan ka nya di ba? Pero bakit sya pa? " ramdam ko na ang hinanakit sa boses nya.

I was about to answer nang magsalita sya ulit. " One more thing, I am your Mr. Unknown. " huh?

" What? " pabulong kong tanong. " You- you mean Mr. Unknown gift giver? "

" Yes. " woah!

" I was still on the plan a, never thought that I'm already defeated by that time. "

Hinawakan ko nang mabuti ang mga kamay nya na nakapatong din sa kama.

" I'm really really sorry Mike. I know na alam mo naman di ba, at ilang beses ko na din sinabi sayo na you don't have any chance. Ayokong umasa ka kaya lagi ko yun sinasabi sayo para ipaalala. "

" But you just knew him for like few months, right? "

" No, Mike. I know him for so long. I knew him before you, and his my ex but now were together again. We've been through a lot and I guess that will help us to be stronger than before. "

Napayuko sya saglit bago tumigin ulit sakin na may ngiti sa mukha. Alam kong pilit iyon.

" So, nauna pala sya? Talo na talaga ako. " kita ko pa din ang lungkot sa mga mata kahit ngumiti pa sya.

" Paano ba yan, I have to go? Mag-iisang oras na baka magalit pa si Villarueva. " ngumiti lang din ako sa kanya.

Tumayo na sya sa upuan. " Para sayo yang mga pagkain. " pagtutukoy nya sa dala kanina. " Sana gumaling ka na, so you can spend happy times with him. "

" Thank you, Mike. Thank you for everything. I hope the day will come that you'll share your own happiness with someone who really deserves your love. "

" Can I have one last request before I leave? "

" Sure. "

" Can I hug you? " tumango ako.

Niyakap nya ako, mahigpit na mahigpit na para bang ito na ang huli.

And bago sya kumalas mula sa pagkakayakap sakin ay hinalikan nya ko ng ilang segundo sa ulo. Napapikit ako, masakit din para sakin na nakikitang nasasaktan ng dahil sakin ang isa sa pinakamabuti kong kaibigan.

" Magpagaling ka. Please don't give up, Sofhie. "

Bago sya tuluyang lumabas.. " Be happy. Goodbye. "

---

Nakakastress sa school!

Tyka ko na lang talaga ieedit lahat ng errors. Sensya na :D

Sana nagustuhan nyo 'tong story, ilang chapters na lang matatapos na. Salamat sa pagsubaybay. Salamat sa suporta! God Bless :))

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon