BFTP 16

88.6K 1.3K 18
                                    

Pagkadating namin sa parking lot ay agad din akong pinagbuksan ni Mike ng pinto ng sasakyan. I'm a bit shocked nang pagkaupo ko ay sya ang nagkabit ng seatbelt ko. Inayos nya pa ito para kumportable ako, lumingon ako sa kabilang banda dahil naiilang ako. Ang lapit ng mukha nya saken.

Lumingon din ako ng lumayo sya ng kaunti at tumayo sa labas ng pinto sabay nagtanong. " Ayan, comfortable? " Buti pa siya lagi na lang nakangiti ng matamis kapag kausap ako, samantalang yung isa hindi man ako mabigyan ng ganun kasayang pagngiti. Tango na lamang ang naisagot ko sa kanya.

Umikot na sya sa harapan para makapunta sa kabilang side. Napaisip tuloy ako, kahit hindi nya sabihin halata sa mga ikinikilos nya at sa pag-aalala nya na may gusto pa din sya sakin even though he's not saying anything alam kong nasasaktan pa din sya na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

Pagkaupo nya sa driver's seat ay binuhay nya na ang makina ng sasakyan, lumingon muna sya saglit saken para ngumiting muli tyka ibinalik ang tingin sa harap para magmaneho na. Kung pwede lang sana.. sya na lang, napapagod na din naman ako sa mga pinapakitang pagbabaliwala sakin ni Dave eh, baka wala na talaga syang gusto sa akin, paano kung wala na talagang chance? Kung sana si Mike na lang, alam kong hindi nya ako sasaktan pero wala talaga akong magagawa, matindi pumana si kupido. Masyado atang kumbinsido si cupid na iassign ang puso ko para kay Villarueva na yun.

" Some dirt on my face? " I blinked my eyes twice, tyka ko lang napagtanto na habang nag-iisip pala ako ay nakaharap pa ako sa kanya.

" W-wala naman. Sorry. " nakakahiya.

" Don't tell me naiinlove ka na sakin. " natatawa nyang sabi. Natawa naman din ako.

" Asa ka pa, De Vera. " sabay irap ng pabiro. Umayos pa ako ng pagkakaupo at humarap na lang sa harapan.

" Saan ka pala tumutuloy? "

" Kila Tam. "

" Alright. So, ano? Kelan kita pwedeng masolo? Kelan tayo pwedeng lumabas? "

" Next year? " pagpipilosopo ko sa kanya. Humarap sya sakin para kurutin ang ilong ko sabay balik ng tingin sa daan.

" Ano nga kasi? Gusto mo pagpaalam pa kita kay Mr. Villarueva? " matawa tawa nyang tanong sa akin.

Naalarma naman ako sa pagbanggit nya kay Dave. Hindi na dapat pang malaman baka isipin nyang nagdadate kame ni Mike, wala pa naman akong magagawa kahit mag-explain pa ako sa kanya dahil hindi lang sya maniniwala at baka kung ano ano na naman sabihin nya sa akin.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now