BFTP 29

85.2K 1.3K 24
                                    

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. Naglakad pa ako ng ilang hakbang para mas matanaw kung sino iyong kausap ni Dave sa pinto.

Eksakto namang sumulyap din ito sa loob kaya nagkatinginan kami. Agad na nanlaki ang dalawang mata nya pagkakita sa akin. Lumapit pa ako ng kaunti.

" M-magkasama kayo? Wala bang ibang room na available, ung hindi ganto kalaki? " sabi nya kay Dave pero sa akin pa din nakabaling ang tingin.

" Audrey, malaki naman 'to. Besides may iba pa namang kwarto dito sa loob. "

" No! But Dave hindi maganda tignan.. t-that you're both in the same room. " kumukunot lang ang noo ko sa mga pinagsasasabi nya. Pakelam nya ba. Ibinalik nya na ang tingin kay Dave.

" And your eyes are red, why? " pagpuna nya kay Dave, lumingon naman ang huli sa akin. Para bang sinasabi nya na 'no worries, I got this' ngumiti na lang ako sa kanya.

" It's nothing. Bakit ka pala nandito? " halatang naiinip na syang umalis ang kausap nya.

Nagbago naman ang aura ni Audrey at naging mahinhin or should I say flirt.

Hinaplos nya si Dave sa kaliwang balikat. Ang hilig talaga ng babaeng 'to. " Remember? I invited you to come with me sa bar. " maarteng sabi nya at pinagpatuloy lang ang ginagawang marahan na paghaplos.

Tinanggal agad ni Dave ang kamay nya sa kanya na bahagyang ikinagulat naman ni oud pero mabilis din syang umayos ng sarili para hindi mahalata. " I'm busy. Mas madami pang importanteng bagay at tao ang kailangan kong asikasuhin. " lumingon ulit sya sakin, nakita ko ang pagngisi nya. Uminit naman bigla ang pisngi ko. Kaya yumuko na lamang ako.

" Whatever it is, pwede naman ipagpabukas. Come on, babe! We need to have some fun. " hinawakan nya ng dalawang kamay ang magkabilang braso ni Dave para humarap talaga sa kanya.

" Audrey, stop calling me babe. I can have some fun here. I don't need to go there." m-may laman ata yung sinabi nya. gosh!

" Fun? Here? Ok. then I'll stay. " agad akong napaangat ng ulo sa sinabi nya. Ayoko syang kasama dito noh!

Nakitang kong pinigilan sya ni Dave. Gulat na naman ang gumuhit sa mukha nya. " Don't need you. " malamig na pagkakasabi sa kanya ni Dave.

" B-but of course you can't have fun without me and kung may kasama ka from the past. That would only make you bitter. " pabulong nyang sagot pero dahil may kalapitan na ako sa kanila ay medyo narinig ko. May alam ba sya sa amin?

" Just go out, Audrey. Not your business. Go ahead! " mukhang nag-uumpisa na syang magalit.

Parang naoffend naman si Audrey sa sinabi nya. Kaya nagalit na ito. " You want me out? " sabay turo nya sa pinto. " Alright, I'll leave pero kapag nagkaproblema ka sa babaeng yan. Wag kang makalapit lapit sakin, Dave. " inirapan nya ako. Malakas nyang tinanggal ang nakahawak na kamay ni Dave sa kanya nung pinigilan sya makapasok dito at binigyan din nya ng masamang tingin. Naglakad na sya palabas, actually padabog na parang masisira na ang mga takong nya.

Isinara na nya ang pinto at lumapit sakin. Nilagay nya ang kamay sa bulsa ng pants nya. " Sorry for that distraction. "

" Yah, distraction. " pag-uulit ko. " Ano bang alam nya? Bakit ganun yung sinabi nya sayo kanina? " takang taka akong umupo sa sofa.

Umupo din sya sa tabi ko. Hinawakan nya ang pisngi ko para iharap ako sa kanya. " Hayaan mo na sya. " umakma syang hahalikan muli ako. " Nabitin talaga ako kanina. "

Nag-iwas agad ako. I look so confused. Eh sa napapaisip talaga ako.

He sighed then a few seconds of silence before he speak. " Nung iniwan mo ko, I was broken. I had a lot of flings, sya lang ang tumagal because she's really doing her best to understand me. And hanggang ngayon nandyan pa din sya. " pinagmamasdan ko lang mabuti ang mukha nya habang nagkukwento sya.

" We became close but not totally. Ilang beses ko na ding nilinaw sa kanya that I can't give back the love that she wants. " tumigil sya saglit para titigan din ako nang mabuti.

" Paano nya ko nakilala? Paano nya nalaman yung sa atin? " kumukunot lalo ang noo ko.

Nilagay nya ang dalawang hinlalaki sa gitna ng noo ko at hinilot iyon para mawala ang pagkakakunot. Ibinaba na nya ang kamay nya at huminga ulit ng malalim. " One night I was drunk and sumunod pala sya sakin nun sa bar. Maybe because hindi ko na kinaya kaya nailabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Hindi sya umalis, pinakinggan nya lang ako hanggang sa tumigil na ako " Kaya pala ganun umasta sa akin si oud. Tyka kaya siguro sinasabi nyang magiging sila na daw ni Dave dahil gusto nya akong masaktan at lumayo para hayaan na silang dalawa.

Tumango tango na lang ako. Sumagi naman sa isip ko yung nabanggit nya kanina. " So, you had a lot of flings, huh? "

Hindi sya umimik.

" Ilan sila? " hindi na ako nakatingin sa kanya. Sa flower vase malapit sa amin ko na lang itinuon ang pansin ko.

" Wag na nating pag-usapan yun. "

" I want to know. "

" But-- "

" Just please.. " pumikit ako saglit.

" Yes. " walang buhay nyang sagot.

" May nagustuhan ka sa kanila? " gusto ko lang malaman.

" ****, wala! Hindi mo ba ko narinig o hindi mo lang naintindihan kanina yung sinabi ko. Ikaw lang di ba? Ikaw lang, you're never gone in my mind and heart, not even a single day. " kinuha nya ang isang kamay ko at ikinulong sa dalawang kamay nya.

" You were here. You're still here, and will stay here forever. " ipinatong nya ang kamay ko sa dibdib nya. Ang bilis din ng tibok ng puso nya ngayon tulad ng akin.

" Kayla, believe me. " seryoso ang itsura nya.

Ngumiti ako at tumango para ipakita ang pagsang-ayon pero hindi ata sya kuntento sa ginawa ko.

" Say it, love " para akong bata na kinikilig nang marinig ko na naman ang tawag nya sakin.

" I believe you, because I do love you. " lumaki ang pagngisi nya.

" I love you more. " Tulungan nyo po kong makasurvive sa paghuhuramentado ng puso ko ngayon.

Inaamin kong kahit nag-aaway kami kanina at galit na galit ako sa kanya ay mabilis naman yun nagbago.

Sadya talagang may mga bagay bagay tayong hindi inaasahan. Yung mga bagay na hindi mo napaghahandaang mangyayari.

Sana tuluyan na nga naming maayos ang lahat. I want the sweet old us back.

Yung wala ng hahadlang, tao man o pangyayari..

Ayoko ng matulad kami nung dati. Baka hindi ko na kayanin at baka mas hindi matanggap ni Dave kung mauulit yun, kung malalaman nya.

---

If may magpapadedicate po please leave a comment. Thank you! :* God Bless :))

#Dayla <3

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now