BFTP 38

70.5K 937 16
                                    

May tumatawag? Pagkatingin ko, pangalan ni Tamara ang bumungad. Problema ng isang 'to?

" Hello? " binubuksan ko na ang gate.

" Ano na? Where ka na? " nakalimutan ko pala syang sabihan na malalate ako ng uwi kasi inaya nga ako ng family ni Dave magdinner sa kanila.

" Alam mo bang nasa gate na ko, nagsasayang ka ng load. Bye. " at binabaan ko nga sya.

Kakababa ko lang sa phone nang may tumatawag ulit.

" Nasa bahay ka na? " nahatid na nga ako nagtanong pa.

" Syempre. " pumasok na ko sa pinto.

Nakaabang na pala si Tam, magsasalita sana sya kaso ay sinenyasan ko kaya nagtikom agad sya ng bibig.

" Just want to make sure na nakapasok ka na sa bahay. I'll visit you tomorrow? " hindi pwede! baka kasi abutin na ko ng gabi sa ospital, ang sabi ko nga di ba mag-aayos lang ako ng mga gamit.

" Nandito na po ako sa loob. Tomorrow? Wag na, remember madami ka pang aasikasuhin bukas? Magpahinga ka na lang pagkauwi mo. Magkikita naman tayo sa susunod na araw. " buti na lang hindi ako nautal. Gumagaling na ko sa pagdadahilan pero nakakakonsensya pa din. Sana hindi na sya magpilit pa baka wala na naman akong magawa.

He sigh. " I'll just call every minute to check you. " ayy naku.

" Hmm, every hour na lang? " pagbibiro ko.

" We'll see.. "

Kanina pa sumesenyas si Tam. Naaatat na ata makichismis.

Nagpaalam na ako kay Dave. Pagbaba ko naman ng phone ay hinatak na ako ni Tamara sa sofa, nagpadala na lang ako.

" Saan ka galing, friendship? Akala ko hindi ka na uuwi? " masigla sa unang tanong tapos parang nagtatampo sa pangalawa, baliw din?

Nilapag ko ng maayos ang bag ko sa tabi ko. Talagang nakaside view sya makita lang akong magkwento.

" Dave's family invited me over for dinner? " nanlaki ang mga mata nya at lumabas ang napakalaking ngiti.

" Sa place nila or sa labas? "

" Place. "

" Ayy, ang tipid mo naman sumagot, friendship! Ikwento mo na buo. Anong nangyari? "

Sinabi ko lang sa kanya na naging maayos naman ang lahat.

" Akala ko talaga nagtanan na kayo ni Sir. " parang bigo pa ang mukha nya.

Binigyan ko sya ng 'huh?' look.

Umayos na sya ng upo, hindi na nakaharap sakin.

" Eh bakit? Nagsama nga kayo noon di ba? " Isip talaga nito.

" Sira. Yes, nagsama kami pero one year lang yun. "

Nahuli ko ang pagngisi nya. Slow motion pa syang lumilingon sakin sa gilid.

" Ano na naman? Gusto ko ng magpahinga, tapos na ko magkwento ah. " totoo namang nanghihina na ulit ako.

Akmang tatayo ako nang hilain nya ang forearm ko para maupo ulit.

" Teka lang, may tanong pa ko e. "

Hindi na ko umimik. Nakakunot noo na lang akong nakatingin sa kanya.

Diretsuhin mo na!

" So, kung nagsama kayo noon? Nag-ano kayo.. alam mo na? " sinisiko siko pa ko.

" No! Ang halay mo mag-isip. " nandidiring tingin ang ibinigay ko sa kanya.

" Asus! Aba malay ko ba kung ngayon, may ganun portion na kayo. Mamaya nga buntis ka na hindi ko pa alam. " Kadiri talaga 'tong babaeng 'to

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now